Page 10
Kailangan mo
*****
Umakyat ang init sa buong mukha ko. Hindi pa rin ako maka-move on sa gulat ko sa kanya. My heart was beating double time than usual. Tsk.
"Sir Henry?" Si Wena. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nangyari.
Henry smirked at me. Hinawakan niya ang kanan kong wrist at marahan akong hinila papaupo ng maayos. Sumunod naman ako ng hindi nag aalis ng tingin sa kanya. "Sorry, babe. I startled you."
Suminghap ako at lalo yatang pinamulahan. Naman! Nagulat talaga ako sa kanya pero parang ang OA ng reaction ko. Tsk. Bakit ba kasi bigla siyang nasulpot sa pwesto namin??!
"Kayo po ang may-ari nitong cafè?" Si Wena.
Huminga ako ng malalim at binawi ang kamay kong hawak niya. Umiwas ako ng tingin. Naupo na ako ng maayos at mahinang tumikhim. Pero mabilis pa rin ang pintig ng aking puso. Nakakainis.
"Apparently, yes." Wika ni Henry. Hindi na ako makatingin sa kanya. "Nakita ko kayong dumating. I just thought of giving you girls a nice treat. But eventually.... shock ang binigay ko."
Hindi ko napigilan ang pagtingin sa kanya only to find na nakatingin na din siya sa akin. He winked at me and smirked. My heart jumped in place.
Wena made a heartly laugh. "Mukha nga Sir. Hindi namin in expect na kayo pala ang Boss dito."
"Sorry about that." He said tapos ay umiwas siya ng tingin mula sa akin. "Please stop the Sir-thing. Hindi niyo pa naman ako kliyente. Hindi pa ako tinatanggap ni Milca."
"Hah?" Nalaglag ang panga ko sa gulat. Dmn!
"Hah?! Hindi tinanggap?" Gulat na react ni Wena. Napatingin ito sa akin.
Namutla naman ako ngayon. Tsk! "Ah, wala yun, Wena. Wala yun." Tumingin ako kay Henry at hinawakan siya sa braso para pigilan sa anumang sasabihin niya. Napatingin din siya sa akin at parang napapasong umatras ang kamay ko palayo. "So-sorry." Saka ako napaiwas ng tingin.
Nagblush na naman yata ako. Naman!!
Sandaling natahimik ang mesa hanggang sa tumawa si Henry. Nagtataka ko siyang nilingon.
"Okay lang, babe."
"Boyfriend mo Milca?" Biglang tanong ni Jeremy.
Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. Oo nga pala! Andito pa siya!!!
"Hindi!" Iling ko.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...