Page 1
This early
*****
Nag-angat agad ako ng tingin ng marinig kong bumukas iyong pinto ng office. Nakita kong deretsong pumasok si Wena. Naka plain white round blouse siya na pinatungan ng itim na blazer, pencil cut na skirt na kulay itim din.
Hindi na ako nag abalang tumayo para salubungin siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa kanang upuan sa harap ng desk ko.
"Done." Wika niya saka ipinatong sa mesa ko ang isang itim na folder style na clipboard. Inabot ko iyon at pinasadahan ng tingin ang nilalaman.
Umarko ang mga kilay ko. What can I say?
"Hayss! Hindi natin kailangan magpaka stress. Nandyan na lahat ng gusto nila para sa kasal. Masyado silang nagmamadali."
Huminga ako ng malalim. "Bakit daw?"
"Buntis na yung bride." Saka siya nagkibit balikat.
Sabi ko na nga. May ine-expect pa ba ako na ibang dahilan?
Umiling na lang ako at pinasadahan muli ng basa yung nilalaman ng folder.
Hindi naman sa ayokong gawin ang trabaho. But it concerns an Escaner Heir kaya medyo bothered ako. If only I could tell Wena. Kaya lang, nao-Oo-han na niya yung kliyente. Wala na akong magawa. I just hope things won't be complicated. Sana....
Parang hindi ko mapaniwalaan na lalagay na sa marriage life ang isa sa Escaner heir. Eh, nasa right age na rin naman yata ito para magpakasal still.... Nakakagulat pa rin. Napikot pa. Kung sabagay, wala namang napipikot na hindi rin naman gusto ang nangyari. But they are Escaners. Hmmm......
Ang mga katulad nila ay iyong mga tipo na mahirap ipa-commit sa relationship. Lalo na sa seryosong relationship. Napaka-imposible.
Gusto kong matawa hah.
Isang Escaner Heir, napikot? Anyare?! O baka naman... Arrange marriage? Baka mayaman din yung girl. Ganun naman kasi.
Well... Why do I care?!
"Sa private island nila sa Isla Catalina gaganapin ang kasal, Milca. So we have to visit there para sa ocular inspection. Sabi ni Madame tayong dalawa daw. Susunod na lang daw siya."
Napatingin ako ng deretso sa face ni Wena. "Kelangan ba?"
"Oo naman." Napakunot noo siya. "Tutol ka?"
Umiling ako agad. "Wala. Wala naman." Syempre si Madame ang nagsabi na kami ang pupunta. May choice ba ako? Kapag sinabi na ni madame wala ng reklamo. Saka... Tututol pa ba ako eh iilan lang kaming staff sa business na ito? Tatlo lang.
"Bukas ang punta natin. Then, one week before the wedding ay dapat naroon na tayo. Free ang accomodations natin." Malapad siyang ngumiti. "Para lang tayong magbabakasyon nito."
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...