Page 3

480 14 0
                                    

Page 3

Playboy

*****

"This feels like the old days."   

Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya nang sabihin niya yun. Nagkatinginan kami then he smiles at me.

Mukhang okay naman siya. Mukhang nakamove on na siya. Kungsabagay.... Sa isang katulad niya.... Wala lang iyon lahat.

Wala lang.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pag iwas ng tingin.

"Hey.. Did you.…."

Nagtataka ko siyang tinignan uli.     "What?"

"Inirapan mo ako."     Mahina lang ang pagkakasabi niya noon. Para kaming nagbubulungan kasi syempre ayaw naming maka istorbo sa nagaganap pang kasal.

"No."     Pinagsalubungan ko siya ng mga kilay.  Inirapan ko ba siya? Hindi naman ah.

"You did. I saw it."       Nasa akin na talaga ang buong atensyon niya. Nakaupo kami sa malapit sa upuan ni Corin. Yung cousin nila na tumutugtog ng keyboard.

"No, i didn't."      Mariin kong tanggi.

"Alam ko. Nakita ko talaga."

"Ssshhh...."    Biglang sita sa amin ni Corin.

Nahiya naman ako kasi sinamaan talaga kami nito ng tingin saka umirap.

Muli kaming nagkatinginan ni Henry pero naroon pa rin ang tila nanininisi niyang titig.

Kainis! Hindi ko naman siya inirapan. 

Umiling ako at bumaling na lang ng tingin sa iba.

I hate this! Bakit ba magkatabi pa kami ngayon?  Nagulat ako ng biglang ilahad niya sa akin ang isang nakarolyong papel. Napatingin ako sa kanya. 

"Piyesa yan."      Tila nagsusungit niyang wika. Pero hindi bagay sa kanya.      "Hindi ko naman toh gagawin kung hindi lang request ni Lolo. Tss."       Mahinang angil niya. 

Napangiwi ako ng lihim. Kasalanan ko ba? Tss.  Tinanggap ko na lang yun ng walang sinasabi.

Binasa ko lang yung nakasulat and since taong simbahan ako noon pa, alam ko na kung ano ang kanta. 

Member kasi ako ng choir during high school hanggang grumaduate ako ng college. Natigil lamang ng dumating sa buhay ko si Thea pero kapag may pagkakataon ay nakakakanta pa rin ako sa mga mass lalo na sa mga weddings. Lagi kasi akong nakukuhang soloist kahit noon pa.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na yung time na kakanta na ako at kung sinuman ang kaduet ko daw.

Tumayo ako sa tapat nang isang naka stand na microphone na naroon at huminga ng malalim.

Hindi na ito bago sa akin.... Hindi.....

Wala sa loob na napalingon ako sa tabi ko. Nakita ko si Henry na nakatayo na rin sa tapat ng isa pang microphone at hawak ang kanyang violin. Parang biglang nagbalik sa akin ang isang alaala.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon