Page 29
My wife
*****
"Galit ka na naman."
Napabuga ako ng maraming hangin then napapikit. Ipinilig ko ang aking pisngi sa ibabaw ng ulunan ni Thea. Tulog na siya sa tabi ko.
"Milca?"
Nagkatinginan kami sa may rear mirror sa harap ng kotse pero agad ko rin siyang inirapan.
Malalim siyang napabuntung hininga. "What is it i've done this time?"
Hindi ako umimik. Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako. Ahh, basta, naiinis talaga ako!
"Tungkol ito sa tumawag kanina? Sino ba kasi yun?" Naiinis niyang tanong.
Nagdadrive siya pero nagtatalo kami ng ganto.
"Pwede ba Henry? Mag-focus ka sa pagda drive. Gusto mo bang maaksidente tayo?" Naiirita ko ring tanong.
"Damnit!" Mahinang aniya.
Ilang minuto pa ang lumipas at huminto na ang kotse sa loob ng parking basement ng condo building. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hindi ko naituloy dahil nilock ni Henry yung pinto.
Napatingin ako sa kanya kahit nakatalikod siya sa akin.
"Yung pinto?" Makahulugan kong sabi.
He sighed. "Kanina okay lang tayo tapos nakausap mo lang yung kung sino sa phone ko... Ganyan ka na."
Napaismid ako. "E, ba't 'di mo tawagan para malaman mo?!"
"Tatawagan ko tapos magagalit ka naman? Tss." Nilingon niya ako. "Just tell me who was it? Pwede ka namang magtanong?"
"Okay. Fine! Hindi ko alam! Hindi ko alam kung sino yun dahil hindi ko na pinakinggan kung sino siya."
Natigilan si Henry at kumurap kurap ng mga mata.
What? What did i say wrong? Napaawang ako ng labi.
"Siguro...." He said tapos ay ngumisi. "Hindi yun importanteng tao. Tara na." Umiwas na siya ng tingin at inalis ang lock ng pinto.
Nagtataka naman ako sa kanya.
Bakit? Ano bang nasabi ko hah?!
Nauna na siyang makalabas ng kotse then pinagbuksan niya kami sa likod. Nang yumuko siya at akmang bubuhatin si Thea, pinigilan ko na siya.
"Wait! Saglit!"
Napahinto naman siya at tumingin sa kin. "Why?"
Napasinghap ako ng mag connect ang mga mata namin.
"Ahm.... Ako na. Kaya ko na."
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...