Page 7

387 13 0
                                    

Page 7

Favor

*****

"Milca, dali!!"

Gin-grab agad ni Emy ang kamay ko oras na pagkakabas pa lang ng professor namin.

"Wait lang!"    Hindi naman ako agad nagpahila sa kanya. Wala sa ayos kong inilagay sa loob ng aking bag ang mga gamit kong nasa desk habanh siya ay aligaga na na makaalis.

"Tara na. Dali!"     

Hinila na naman niya ako at kahit hindi pa lubos na nakasara ang bag ko ay napasunod na ako sa kanya. Tinakbo namin ang papalabas ng room hanggang sa corridor. Hindi na gaanong ka-crowded ang corridor dahil summer vacation na. I mean...  Naka-summer class kami ni Emy dahil may hinahabol kami na subjects so pupunuin namin ang summer ng books at reviews.

Nang makarating kami sa pakay namin na lugar ay habol namin ang aming paghinga. Naabutan namin ang isa sa Dean ng school na nagsasalita sa podium sa itaas ng stage at nagbibigay ng kanyang mga huling pananalita sa mga graduates.

Tama. Graduation day.

"Sana maabutan natin siya bago siya umalis."     Nakangiting ani Emy habang halos magkandahaba ang leeg sa pagtingin sa paligid.

Humugot ako ng maraming hangin at ibinuga ito ng dahan dahan.

Actually wala naman akong pakay sa event na ito eh. Si Emy lang talaga ang may sadya. Bakit ba ako napasama dito? Pero hindi na rin masama.

Tumingin ako sa paligid.

Graduation din ngayon ni Aaqil. Narito siya. At ang chance na makita ko siya sa huling pagkakataon ay....… nasa fifty percent. Hindi ako umaasa pero umaasa.

Nang matapos ang ceremony ay naghintay na lamang kami sa bungad na exit ng auditorium. Sinisipat namin ng tingin ang bawat nagdadaan at hindi na mapalagay itong si Emy sa paghihintay. Nagtagal yata kami ng may dalawampung minuto doon bago namin na-ispotan ang papalabas nang auditorium na si Henry.

Napatingin lang ako habang si Emy ay lumapit at sumalubong rito. May mga kasabayan siya na lumabas mula sa hall. Sa tingin ko ay mga kaklase niya at masaya sila. Syempre naman. Graduation nila eh. Na excite na rin tuloy ako para sa amin ni Emy. Next year kami naman ang gagraduate at looking forward na ako roon.

Nanatili ako sa pwesto at ipinamulsa ang aking mga kamay. Tinignan ko lang talaga sina Emy at Henry na masayang nag uusap. Wala pang inaamin sa akin si Emy pero hindi na rin ako magugulat kung meron ng namamagitan sa kanilang dalawa.

Obvious naman na meron.    Napangiti ako sa sarili.

Biglang nag angat ng tingin si Henry papunta sa kin at agad nagtama ang aming mga paningin. Napasinghap ako ng wala sa loob at napawi ang aking ngiti. Ngumiti naman siya sa akin at hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti pabalik.

Tsk.

Pasimple akong umiwas ng tingin. Bumilis ang pintig ng aking puso dahil sa kaba.

"Michaella?"

Biglang may umagaw ng aking pansin at agad akong napalingon. Nabigla naman ako ng mapagsino iyong tumawag sa akin. Si Aaqil lang naman.  Lumapit siya sa akin at hinarap ako.  Natameme naman ako.

"May hinihintay ka?"      Tanong niya na hindi nag aalis ng tingin.  

"Ahm..."    Napakamot ako ng batok.    "Ah, sinamahan ko lang si Emy."

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon