Page 28
Magbabago
*****
Naalimpungatan ako ng gising at pagtingin ko sa maliit na alarm clock sa side table ng kama, past 11:30 pa lamang ng gabi. Tulog na sa tabi ko si Thea.
Kamusta naman? Dumating na kaya ang magaling niyang Ama?
Marahan akong tumayo at tahimik na lumabas ng room. Tahimik pa rin ang paligid. Parang wala pa rin siya ah. Lumapit ako sa pinto ng room niya at bahadyang idinikit roon ang tenga ko. Pinakinggan ko kung may ingay ba mula sa loob pero parang wala naman. Hinawakan ko yung knob ng pinto at nalaman kong naka-open iyon. Dahan dahan akong sumilip sa loob.
Madilim. Madilim lang sa loob. Mukhang wala pa nga siya.
Bumuntung hininga ako ng malalim. Grabe naman ang catch up na yan? Kailangan talaga hanggang madaling araw? Haist.
Bumalik na lang ako ng room namin ni Thea. Pero paghiga ko sa kama.... Hindi naman ako inaantok.
Kinuha ko na lang ang phone ko at nag open ng facebook. Pati messenger. Bihira lang naman kasi ako mag open ng FB madalas yung page ng boutique yung naka open sa akin. Ako din kasi madalas ang sumasagot sa mga inquiries sa fb page namin.
Pag-open ko ng aking personal account. Ilang notification kaagad ang pumasok sa phone ko. Gayun din ang ilang friend resquests. Tincheck ko muna yung messages. Dalawa lang naman. Si Cedes ang isa tapos ay Kuya Paul. Then yung mga notifications naman. Wala naman masyadong naka-tagged sa akin kaya nagpunta naman ako sa friend requests.
Nakita ko kaagad ang friend request na mula kay Emman. Walang dalawang isip ko yung in-accept tapos yung dalawang sumunod sa pangalan niya ay hindi ko naman makilala kaya hindi ko pinansin. Scroll down. Natigilan ako ng mapansin ang isang pamilyar na pangalan sa screen ng phone ko.
Henry Lionell E. Santillan.
Si Henry?
Yung profile display niya ay picture ng asul na langit.
Si Henry ba ito?
Nagdalawang isip ako kung ia-accept ko ba o hindi pero pagkalipas ng ilang segundo....in-accept ko na rin. Well, kung hindi siya ito pwede ko namang i-unfriend.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang profile niya.
Mukhang hindi rin siya madalas mag online kasi yung last post niya ay almost a month na ang nakakalipas. More than hundred lang din ang firends niya.
Nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng room namin. Natigilan ako at medyo kinabahan.
Si Henry na kaya yan?
Muli akong tumayo at lumapit sa pinto. Pero ng akmang bubuksan ko na yung pinto, napahinto ako.
Ano naman ang sasabihin ko kung tanungin niya ako kung bakit gising pa ko?
Napailing ako. Tss. Bahala na.
Marahan akong lumabas ng room at wala akong naabutan na sino man sa salas. Lumapit ako sa pinto ng room niya at nakitang bahadya iyong nakaawang pabukas. Dahan dahan akong sumilip muna sa loob. Naka-on na yung lampshade sa kanang side ng kama niya then nakita ko si Henry na nakahiga na rin sa parteng iyon ng kama.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...