Page 15
Can't lie
*****
Tahimik akong sumunod sa kanya papasok nang isang pinto. Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa loob ng kanyang opisina.
It was cozy. Kulay puti na may outline na dark brown ang ceiling at haligi. Woodworks ang mga muwebles. May itim na couch sa gilid kung saan nakatayo ang lalakeng kaninang nakita ko na pumasok.
Mataman ko itong tinitigan.
Hindi ako nagkakamali. Siya nga yung nakita ko na nakatayo noon sa tabi ni Thea nang sunduin ko ito sa school. He was tall and bulky. Naka-gray na vneck tshirt siya ngayon at faded blue jeans. He has an aura of authority.
Tumikhim si Henry kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatayo na siya sa harap nang kanyang mesa. Nakahalf seat siya roon at seryosong nakatingin sa akin.
Bumuntung hininga ako.
Hindi ko din alam kung paano ko uumpisahan ang itatanong ko. Kinakabahan din ako.
"He is Brent." Wika ni Henry saka tumuro dun sa lalakeng nakatayo sa gilid. "He's my personal assistant."
"Good morning po Miss." Magalang na wika nung lalake sa akin.
Napalunok ako. Mabilis lang akong sumulyap dun sa pinakilala niya.
"Masyado namang magalang." Natatawang wika ni Henry then bumaling siya uli sa akin.
Seryoso ko siyang tinignan. "Personal assistant mo siya?"
"Yup." Nakangiti pa siya.
"At ano namang ginagawa ng assistant mo sa school ng anak ko? May binabantayan siya roon?" Sarcastic kong tanong.
Ngumisi siya, "Kinda."
Sandali kaming naglaban ng tingin. Hindi ko siya mabasa sa totoo lang. His playful side was too deceiving, nakakainis.
"Syangapala. Gusto mo ng kape?" Wika niya.
Napaismid ako. "Thanks but don't bother."
"Did you come here because you realized that you miss me?" He laugh heartly.
"Hindi ako nagpunta dito para biruin mo lang." Naiirita kong wika.
"Ano bang dahilan at nandito ka?" Nawala ang kanyang ngiti at matiim akong tinitigan.
Feeling ko nagsusukatan kami ng titig. Seryoso na siya at naiirita naman ako.
"Gusto kong malaman ang totoo." Matatag kong wika. "Pinapasundan mo ang anak ko. Inaalam mo ang lahat tungkol sa amin? Anong meron?"
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...