Page 33

371 15 4
                                    

Page 33

Responsibility

*****

Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa balikat ko. Kahit hirap na hirap ay pinilit kong magmulat.

Umaga na siguro.

"Hey!"      Boses ni....

Tuluyan na akong napamulat at agad bumungad sa paningin ko ang gwapong mukha ni Henry.

Tsk! Ang gwapo niya talaga. Nakakainis.

"Why are you sleeping here? Saka....."     Lumingon siya saglit tapos ay tumingin uli sa akin.      "Are you okay?" 

"Uhm..."    Medyo nahilo ako ng mag angat ako ng ulo. Naupo ako ng deretso at sumandal sa edge ng sofa na nasa likod ko. I was settled at the floor.

"Umiinom kang mag isa?"       Naupo ng maayos si Henry sa tabi ko. May konting space na pagitan namin. Tinignan niya yung lamesita na kung saan nakakalat pa yung binili ko na soju saka mga chichiria.

Hindi naman talaga yun makalat. Nakasalansan lang tapos may isang chichiria na bukas.

"Nakabalik na kayo?"     Hindi ko talaga namalayan na nakatulog ako. Isang bote pa lang ang naubos ko, grabe!  Lakas ng trip ko nito ah. Napasapo ako sa king noo at mariing pumikit. Masakit pala toh sa ulo. Tsk. Tsk.

"Wala pa si Thea. Iniwan ko siya kina Mommy. I hope thats okay?" 

Bigla akong napatingin sa kanya.      "Hah? Why?"  

"Ni request nina Mommy. Gusto sana nilang magspend ng kahit isang gabi lang kasama siya."    He looked at me straight in the eyes.

"Nagtanong ka sana muna."    Naiinis naman ako. Ito ang first time na matutulog akong wala sa tabi ko si Thea. No!! Baka hindi ako makatulog ng maayos. Siguradong mag aalala lang ako!

"Dapat. Kaya lang naisip kong baka hindi ka pumayag kaya hindi ko na lang sinabi. Saka......  I know how much you wanted to stay away from me. Siguradong hindi ka papayag na maiiwan tayong dalawa lang dito sa unit."       Kitang kita ko ang pagsilip ng lungkot sa kanyang mga mata.

Natigilan naman ako.

Masyado ba kong obvious?

"We need to talk."      Sabi niya pa.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon