Page 20

339 10 0
                                    

Page 20

Thea

*****

Everything went well. As always. Mabuti na lang at maraming tumulong sa amin sa pag aasikaso sa fiesta. Nang matapos ang lahat ay nagbalik na rin sa normal ang mga buhay namin.

Yung normal na araw araw namin.

Katulad ng ipinangako ko kay Wena. Nang dumating ang Monday ay nagpaalam ako kay Nanay na babalik ako sa Maynila. Aayusin ko muna ang ilang bagay pati na rin ang mga requirements ni Althea para hindi na mahirap siyang ilipat ng school. Dahil naroon naman sina Cedes at Jemica. Hindi na nangulit sa akin si Thea na sumama. Maayos akong nagpaalam na aalis muna at babalik pagkalipas ng ilang araw.

The usual office ang inabutan ko.

"Milca?"     Agad napansin ni Wena ang pagpasok ko sa pinto ng office. Iniwan niya yung ginagawa niya para lang malapitan ako at niyakap niya ako ng mahigpit.       "I miss you gurl!!!! Bakit ngayon ka lang?"  

Natatawang niyakap ko din siya.    "Namiss din kita."      Tumingin ako sa paligid pagkatapos.    "Nasaan si Madame?"

"Sa office niya."       Sagot niya agad.      "Mamaya mo na siya kamustahin. Tayo muna ang magchikahan."

"Loko ka talaga! Si Madame muna."     Inabot ko sa kanya yung dala kong isang paper bag. Dalawa kasi yung bitbit ko.      "O, ayan ang pasalubong ko sa 'yo. Yan muna ang kausapin mo."    

Sinamahan niya ako hanggang sa may pinto ng office ni Madame. 

"Babalik ka na ba?"      Tanong niya.

Nginitian ko siya,      "Later."

Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto at marahang hinawakan ang knob niyon para buksan. Sumilip muna ako sa loob.

"Good afternoon po."     

Agad na nag-angat  ng tingin si Madame mula sa binabasa niyang mga papel sa ibabaw ng kanyang mesa.  Napangito siya pagkakita sa akin.  

"Milca, hija! Pasok." 

Pumasok naman ako at ipinid ang pinto sa likod ko. Tumayo si Madame at sinalubong ako halfway. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"I'm so glad to see you."  

"Ako din po."      Balik yakap ko rito.  

Pinaupo niya ako sa tapat ng kanyang mesa then bumalik siya sa kaninang kinauupuan.

"Mukhang nangitim ka ah. Kamusta naman?"      Aniya.

"Ahm... Mabuti naman po. Medyo napapadlas po kasi ang dalaw sa dagat. Libre po kasi doon. Syangapo pala."           Inabot ko yung isa pang paper bag na dala ko.     "Pasalubong ko po. Mga specialty po yan sa bayan namin." 

"Salamat."    Tinanggap naman niya ang bigay ko.       "Ano ano bang laman nito?"

"Puto at suman po na luto ng Nanay ko. Then may yema cake din po dyan. Masarap po yun." 

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon