CHAPTER FIVE

4.1K 200 17
                                    

Sa pagkataranta ni Czarina, ni hindi na siya nakapagpaalam nang maayos sa kanyang bosing. Ang sama ng tingin ni Ed Santos nang bigla na lang siyang kumaripas ng takbo palabas ng opisina nito. Nakanda-tisod-tisod pa siya dahil sa mataas niyang takong, pero kiber. She has to be with Rory immediately.

"Where the hell is Czarina going?" Dumadagundong ang tinig ni Ed Santos. Narinig pa iyon ni Czarina bago siya tuluyang makalabas ng kanilang working area, pero wala na siyang pakialam kung galit na naman sa kanya ang boss. Ang focus niya ay ang kanyang anak. Kailangan niyang marating agad ang St. Mary's Academy kung saan ito nag-aaral.

Isang sakay lang sa dyipni mula sa opisina nila sa Northgate ang eskwelahan ni Rory. Isa iyong co-ed na private school na mostly nagke-cater sa mga upper middle at middle class ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at karatig-probinsya gaya ng Laguna at Cavite. Sa tingin nga niya hindi nababagay ang kanyang anak doon dahil halos hindi niya maigapang minsan ang monthly tuition nito kahit na mayroon itong partial subsidy mula sa isang private foundation. Subalit, pinipilit niyang mairaos na mapagtapos sa isang de kalidad na private school si Rory dahil tingin niya she deserved it. Parang bayad niya sa mga ginastos ng kanyang mga magulang sa pagpapaaral sa kanya noon sa pinakaprestihiyoso at mamahaling private school sa Bataan.

"Mrs. Garza!" Parang nakahinga nang maluwag ang adviser ni Rory nang mamataan siya nito sa gate ng eskwelahan habang pinapapasok ng gwardiya. Dali-dali pa itong sumalubong sa kanya. "Naku, Mrs. Garza, we have a big problem. Rory punched Senator Lee's only granddaughter! The mom is already in the guidance office threatening to sue the school!"

"What happened? Where's my daughter?"

Malayu-layo pa si Czarina sa guidance office ay may naririnig na siyang batang umiiyak, pero hindi pamilyar sa kanya ang tinig. She knew it was not her daughter. Kung si Rory iyon magugulat siya talaga kasi sa kanyang obserbasyon hindi iyakin ang kanyang unica hija.

Pagpasok niya sa malawak na silid ng madreng guidance counselor ng eskwelahan, nakita niya rin agad si Rory. Nakaupo ito sa isang pang-isahang sofa. Nakatingin sa malayo habang tumatalak ang isang batang tsinita sa magkahalong Ingles at Chinese. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha nito sa pisngi. Mukhang aping-api.

"Good morning po sa lahat," kiming bati ni Czarina sa lahat.

Napalingon sa kanya ang mommy ng batang umiiyak. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at umismid pa. Everything about the woman looks expensive, mula sa tunay na brilyante nitong hikaw at kwintas pati na rin sa iba pang burluloy sa katawan. The woman is not pretty. Tsinita lang na maputi at makinis kung kaya nagmukhang okay na rin. Ang damit nito ay nakilala niya agad na nagmula pa sa exclusive collection ni Donatella Versace. Napanood na lamang niya iyon sa TV nang minsang mag-abala siyang mag-check kung ano ang latest fashion. Dati-kasi'y updated siya sa mga ganoon dahil nabibili pa siya ng mga magulang.

"Good morning, Mrs. Garza. It's good that you are here now," sagot ng madre.

No'n lang bumaling sa may pintuan si Rory. Nagulat si Czarina sa hitsura ng anak. May eye make up ito at ginawa pa nitong magmukhang singkit ang mga mata. Ang mahaba nitong buhok ay nakatirintas sa magkabilang gilid at may palamuti pa sa ulo na parang sa mga pinapanood nitong Chinese drama. In fairness, nakitaan niya ng skill ang bata sa pagpipinta sa mukha. Her eyes looked natural. Kung hindi niya alam na malaki talaga ang mga mata nito kagaya ng sa ama, hindi niya mahahalata na make-up lang ang pagiging tsinita nito.

"Mama!" No'n lang nagkaroon ng buhay ang mukha ni Rory. She looked so happy and relieved to see her there. Parang pinunit naman ang puso ni Czarina sa nakita. Niyakap niya agad ang anak at hinagkan sa ulo saka hinagud-hagod ang likuran.

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon