CHAPTER TWENTY

3.9K 171 23
                                    

Nabulabog sina Czarina at Rory isang umaga nang bigla na lang mag-ring nonstop ang kanilang telepono at mag-iingay sa labas ng kanilang apartment. Humihikab pa si Czarina nang buksan niya ang kanilang pintuan para alamin ang komosyon nang biglang nabulag siya ng kung ilang flash ng lente ng camera. Naisara niya bigla ang pinto. Dumadagundong sa kaba ang kanyang puso.

"Why Mama? What was that noise about? What's the problem?" sunud-sunod na tanong ni Rory at dumeretso rin ito sa pintuan nila nang naka-pajama lang at gutay-gutay na T-shirt, ang paborito nitong pantulog.

"No! Don't open it!" sigaw ni Czarina sa bata.

Pero huli na dahil nabuksan na ni Rory nang maluwang ang pinto. Nasilip tuloy ng mga tao sa labas ang magulo nilang lungga. Mabuti't naisara rin agad nito ang pintuan.

"What was that? Why are TV reporters excited to take photos of us?" inosente nitong tanong.

Hindi rin alam ni Czarina ang dahilan. Problema niya tuloy kung paano makalabas ng kanilang apartment para mag-sumite ng kanyang portfolio sa isang news agency na interesado sa mga naisulat niyang features na dapat sana ay para sa kanilang bi-weekly paper. Napagkasunduan pa naman nila ng editor na memory stick ang isusumite niya. Ayaw din nitong ipadala niya as an attachment file ang mga gawa niya dahil natatakot sila parehong may mag-hack sa kanilang email at makuha ng iba ang stories. Usung-uso pa naman ang nakawan ng kuwento para lamang maungusan ang ibang publications.

"Mama, the phone is ringing again."

Napatingin sila pareho sa landline nila na nakapatong sa tokador dahil halos hindi na ito natitigil sa pagkukuriring. Sinubukan ni Czarina na sagutin ang isang tawag. At no'n niya naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang interes sa kanya ng mga newspaper reporters, maging ng mga foreign correspondents. Nag-viral ang maikling video tungkol sa tila 'pagseselos' ni Rorik Rojas, ang tinaguriang hottest bachelor in Manila nang makita siyang kasama ang isang sikat na Australian footballer sa Starbucks sa ATC. Ang editor ng isa sa mga popular na Philippine daily newspaper ang tumawag sa kanya at kinokompirma ang balitang love triangle diumano nila na nakuhaan pa raw ng isang parokyano ng naturang coffee shop.

Nakagat ni Czarina ang mga kuko sa pamomroblema. She felt uncomfortable with the news. Nahihiya siya sa dalawang lalaki, lalo na roon kay KD-11.

"Mama, what should I do now? Can I still go to school?"

Iyon pa ang isa nilang problema. Hindi niya alam kung kanino hihingi ng tulong. Dapat siguro'y umalis muna sila sa kanilang apartment, pero saan naman sila titira? At sino ang kukuha sa kanila roon dahil nagkakagulo na ang mga paparazzi sa labas? Baka kapag nagtangka silang dumaan doon ay madudurog ang mga buto nila ni Rory. Sigurado siyang kukuyugin sila ng mga ito. Mukha pa namang hayok na hayok sa scoop.

Naisip niya ang kapitan ng baranggay at mga konsehal nito. Kaso hindi niya alam kung paano sila kontakin. Sana man lang pala inalam niya ang contact numbers ng mga ito. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi siya nag-abala noon na alamin ang mga ito.

Bwisit ka, Rorik! Kasalanan mo ito, eh!

"Mama, can I still go to school?" untag ni Rory. She looked worried now. And a little bit impatient.

Itinawag niya kay Mrs. Parica, ang adviser ni Rory, ang kanilang problema. Naging understanding naman ang guro. Napanood nga raw nito sa TV ang tungkol sa naging engkwentro nilang tatlo sa Starbucks. Kalat na raw sa buong Pilipinas ang diumano'y 'love triangle' nila.

"Oh no! How embarrassing!"

"There's no embarrassing about it, Mrs. Garza. In fact, you are the envy of every woman in this country right now." At tumawa pa ito. "Don't worry. Dr. Jalandoni was already informed about this and he said it is okay. He would understand if Kraix will be absent for the meantime."

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon