CHAPTER THIRTY-FOUR

3.3K 162 5
                                    

Nahagip ng tingin ni Czarina ang nakabusangot pa ring mukha ni Rory kahit na matagal nang nakalabas ng kanilang silid ang ama. Para itong istriktang ina kung makatitig sa kanya. Ngayon nga'y nakahalukipkip pa ito habang hinuhuli ang tingin niya.

Hindi napigilan ni Czarina ang pagmutawi ng ngiti sa mga labi. Na-amuse siya sa ekspresyon ng anak at mayroon siyang naramdamang warmth sa pinakita ni Rorik sa kanya.

"What was that, Mama?" Nanlalaki na ang mga mata nito. Para bagang handa nang magbigay sa kanya ng pagkahabang litanya.

"Stop, anak. It's not cute anymore." At tinalikuran niya ito dahil natatawa na naman siya. Alam niya na kapag nakita ni Rory na tila kinikilig pa siya sa nangyari ay mapapagalitan pa siya lalo nito.

Lumapit si Czarina sa kurtina na tumatabing sa floor to ceiling na sliding door. Dinampot niya ang remote control at hinawi ang mga kurtina. Lumabas siya ng veranda at tinanaw ang swimming pool ng mansion. Nakahahalina ang tubig. Parang gusto niyang lumusong doon lalo pa't umaalinsangan na ang klima. Kaso nag-aalala rin siyang magtagal sa labas ng mansion. For all she knows baka ang surveillance camera sa paligid ng bahay ay minomonitor ng isang tauhan na espiya pala ng kalaban. Sa dami ng naipamana ni Don Jaime kay Rorik, hindi malayong mangyari na pag-interesan ang buhay nito at damay silang mag-ina dahil si Rory ang direct heir ni Rorik kung sakali. Saka hindi pa sila nakakasiguro na tumahimik na nga ang mga Lee. Baka kumukuha lang ng buwelo ang mga ito. Hindi siya naniniwala sa sinabi sa telepono ni Don Fernando noong nakaraan nang sabihin nitong duwag si Senator Lee at masyadong mataas ang pangarap para sa sarili at sa congressman niyang anak. Hindi raw susugal ang mga ito na ipakita sa taong-bayan na pinatulan nila ang away ng mga bata. Baka raw mapurnada ang plano nitong pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon. Gayunman, hindi siya naniniwala. A part of her believes, Daiyu is important enough for them to risk everything they have just to get even with her enemy.

"Mama, 'lika!" sigaw ni Rory sa loob.

Pagkalingon ni Czarina, napansin niyang hindi pala niya naisara ang sliding door. Bahagya itong nakabukas, dahilan para marinig niya ang tungayaw ng anak. She seemed excited over something. Ayaw pa sana niyang pumasok sa loob, pero naintriga siya kung tungkol sa ano ang isinisigaw nito.

"Mama, look!"

Nakita ni Czarina sa malaking screen na ini-interview ang senador. Hindi maipinta ang mukha nito. Grabe ang galit ng matanda habang ini-interview ng isang reporter na taga-ABS-CBN.

"I was framed up by some good-for-nothing idiot! Makikita ng hinayupak na iyon! Hindi basta-basta sumusuko si Senator Lee!"

Kinuha ni Czarina ang remote control sa anak at nilakasan ang volume ng TV. Pigil ang hiningang pinakinggan pa niya ang nira-rant ng matanda at napag-alaman niyang na-raid pala ang mansion nito nang umagang iyon at nakitaan ng worth ten million pesos na party drugs at shabu ang basement nito. Ayon sa alegasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na siyang nagmando sa raid, matagal na raw minamanmanan ang mag-amang Lee dahil sa isang reliable source na nag-tip sa kanila tungkol sa pagkakasangkot nito sa illegal drug business. Ngayon nga'y nahulihan na ng ebidensya.

Napakapit sa braso niya si Rory nang makitang hinawakan na ng dalawang pulis ang senador para posasan. May tinatanong ito.

"I said, will Daiyu's grandpa be jailed?"

Napasulyap si Czarina sa anak.

"I hope so, anak."

**********

"Good job, Miguel," nakangiting bati ni Rorik.

Si Miguel ang naging susi sa pagkahuli kay Senator Lee kamakailan. Ito ang nag-tip sa kanya na may involvement ang matanda sa illegal drug business. Ilang beses na raw kasing natiyempuhan ng driver con bodyguard niya na nakipagkita ito sa isang Chinese national na kamakailan ay na-deport dahil sa involvement sa isang kidnapping ng kanilang kababayan. Ang naturang Intsik ay na-extradite na dahil may mas malaking kaso sa kanilang bayan.

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon