CHAPTER FOURTEEN

3.9K 174 17
                                    

Nakita na ni Czarina ang hitsura ni Raphael KD Barrientos, a.k.a. KD-11, ang star player ng Essendon Football Club, isang pamosong professional team sa larangan dahil lagi itong laman ng sports news ng iba't ibang newspaper dailies sa bansa sa tuwing season ng football sa Australia. Sikat ang nasabing footballer sa Pilipinas dahil isa itong half-Filipino. Ang Jersey nga niyang number 11 ay laging sold out sa tuwing football season.

Bukod sa tangos ng ilong at pilantik ng mga pilik-mata, hindi aakalain ninuman na puti ang ina ni KD-11. Mas namana kasi ng lalaki ang skin tone ng ama kung kaya Pinoy na Pinoy ang dating. 'Ika nga ng ibang sports writer, siya ang epitome ng madalas sabihin ng mga kababaihan patungkol sa tipo nilang lalaki, tall, dark and handsome.

Alam din ni Czarina na may pagka-pabling si KD-11 at wala ito halos pinapalampas na pagkakataon. Kapag nakakita ng maganda, paniguradong gi-girlfriend-in nito agad. Bukod sa instant celebrity ang napupusuan nito kahit panandalian lamang ang relasyon, galante pa si KD-11. Isang high-end car o 18 karat gold ring ang pagpipilian ng girlfriend sa oras na iwan ito ng binata kung kaya sa kabila ng pagiging chick boy ay popular pa rin siya sa mga kababaihan. Ang detalyeng iyon naman ang usap-usapan sa kanilang opisina kung kaya nag-aagawan ang grupo nila Wynona, kabilang na sina Luisa at Diva, na mapunta sa kanila ang pag-iinterview sa footballer.

"According to my source, KD-11 wants to be interviewed by a woman. At hindi lang basta-basta babae ang nais niya. Kailangan ito'y maganda at sopistikada, which, as all of you may have known by now," at umikot-ikot ito sa harapan nilang lahat, "they aptly describe me." Tinaas pa ng bahagya ang maikling palda to show her shapely and smooth legs.

Bahagyang pinangunutan ng noon si Czarina. Nagkatinginan pa sila ni Emily and she caught the latter rolling her eyes. Pinigilan ng babae ang mapangiti sa ginawa ng kaibigan. She knew what that expression meant. Emily does not share Wynona's opinion of herself.

Hindi naman panget si Wynona, pero malayo sa sinasabi nitong maganda at sopistikada. Siguro iyong panghuli pwede pa, pero iyong una medyo malabo. Ganunpaman, ang lakas ng bilib nito sa sarili. Bagyo ang dating.

Tumikhim-tikhim si Luisa. "I love you, sistah, but I beg to disagree. Kung mayroon man ditong karapat-dapat sa interview na ito, wala nang iba kundi ako." Kagaya ni Wynona ay umikot-ikot din ito sa kanilang harapan. This time, convinced naman si Czarina sa sinasabi ng katrabaho. When it comes to beauty, pinagpala si Luisa. Pang-modelo at pang beauty queen pa ang figure at height. Ang hindi lang maganda rito ay ang tabas ng dila. Sobrang talim at napaka-taklesa pa.

Nang mapansin ni Czarina na hihirit din ng ganoon si Diva, itinaas na niya ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. Napahalukipkip ang bakla at tinitigan siya nang matalim. Tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa sabay ismid. Hindi iyon pinansin ni Czarina.

"I'm sorry to inform, everyone, that Sir Ed and I already made a decision as to who will be in charge of the interview."

Kinusut-kusot ni Ed Santos ang ilong bilang pag-acknowledge sa sinabi no Czarina. Napalingon dito ang magkakaibigan. Samantala, kakitaan naman ng excitement ang buong newsroom, lalung-lalo na ang mga kadalagahan.

Hinila ni Czarina ang isang ginang na in charge sa mga feature stories ng kanilang bi-weekly paper. Nagulat ito. Napaturo pa sa dibdib at sumenyas ng, "Ako? Bakit?"

Imbes na sumagot, humila pa ng isa si Czarina. This time ang copy editor nilang si Emily. Nanlaki ang mga mata ng huli sa gulat. Pero napasigaw din sa tuwa. No'n lang napagtano ni Czarina na may tinatago rin palang landi ang kaibigan niyang biyuda.

Pagkakita sa mga napili niya napasigaw ng pagprotesta ang magkakaibigang Wynona, Luisa, at Diva. Si Ed Santos na ang humarap sa kanila.

"This is not part of your job, guys. You know that. Come with me to my office. I have a project for the three of you to do."

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon