CHAPTER THIRTEEN

4K 171 15
                                    

May kutob na si Czarina na alam na ng dating nobyo ang pinakaiingatan niyang sekreto. Nagdududa na ito sa tunay na katauhan ng anak niyang si Rory. Bakit naman kasi ito mag-aabalang mag-attend pa ng parents' meeting tungkol sa bullying issue ng mga bata gayong ang pagkakaalam niya, napaka-busy nitong tao. Pruweba ang pagkakaroon nito ng tatlong opisina. Isa sa Makati, Sucat, at Alabang. Bawat opisina ay may kanya-kanyang nakatokang kompanya na pinangangasiwaan niya. Kaya mayroon din itong tatlong sekretarya. Sa mga ito, pamilyar lamang siya sa naka-assign sa Makati at Alabang.

Gosh, paano nga kung alam na nitong siya ang ama ni Rory? What if i-assert nito ang karapatan bilang ama? Ano ang gagawin niya?

Inatake ng kaba si Czarina. Though she trusts Rory to fight for her, sigurado siyang hindi nito basta-basta makukuha ang bata sa kanya, mayroon nang kapangyarihan ngayon ang damuho. Maaari nitong gamitin iyon laban sa kanya. Napapansin nga niyang medyo may takot din sa dating nobyo kahit papaano ang senador na lolo ni Daiyu Lee.

"Ma? What's wrong?"

No'n lang napatingin si Czarina sa anak. Katabi niya ito sa back seat ng sinakyan nilang taxi. Ito ang maghahatid sa kanila sa inuupahang bahay sa Zapote. Mataman siyang tinititigan ng bata.

"Mama, diyan lang po kami sa kanto, ha?" sabi niya sa taxi driver para makaiwas sa tingin ng anak.

"Ang sabi ni Architect Rojas magkababata raw kayo sa province and that you were good friends." Rory said it matter-of-factly. Tapos sumulyap ito sa kanya.

Napalunok nang ilang beses si Czarina. Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. May pakiramdam siyang tinatantiya siya ng bata. Hindi isang ordinaryong siyam na taong bata si Rory. Minsan masahol pa ito sa matanda kung mag-isip.

"Did he say that?" kunwari'y kaswal lamang na balik-tanong niya. She was buying time. Hindi pa siya nakakaisip ng magandang isasagot. Kung sasabihin niya agad-agad na nagsisinungaling si Rorik Rojas, baka maisip ng anak, ano naman ang motibo ng isang bilyonaryong architect na magsinungaling tungkol doon?

Hindi sumagot si Rory sa tanong niya. Sa halip napatingin ito sa labas ng bintana.

"He was not lying." Mahina ang tinig ng bata. It was a firm statement. Tila isang realization. Parang may lungkot pa sa tinig nito nang sambitin iyon.

Naisipan ni Czarina na kausapin ito nang masinsinan pagdating nila sa kanila. Hindi na muna siya sumagot dahil nag-slow down na ang taxi. Mayamaya pa'y huminto na ito sa tapat ng eskinita kung saan sila napasok para makarating sa maliit nilang apartment.

"We're here," sabi niya sa anak.

Pagkabayad ng pamasahe sa driver, dali-dali na silang bumaba. Wala silang imik habang naglalakad. May mangilan-ngilan na bumati sa kanila at nagsabing dalaga na si Rory. Ngiti ang sinagot niya sa mga ito. Si Rory nama'y isang mahinang tango.

Pagdating sa kanila, walang inaksyaang panahon si Rory. Inulan siya ng tanong tungkol kay Rorik. Habang pinagmamasdan ni Czarina anag mukha ng anak, napagtanto niyang mas kamukha nito ang ama kaysa kanya. Marahil ay napansin na rin ito ng dating nobyo kung kaya naging interesado na sa bata. Dumadalas na nga ang dalaw nito sa eskwelahan nila Rory, eh.

"Yes. We grew up together," pagkompirma niya. Again, she made it sound casual.

"Hindi n'yo siya nabanggit sa akin kahit minsan."

"Well---I only mention people that mattered to me. Alam mo iyan, anak."

Pinakatitigan siya ni Rory tapos tumangu-tango ito at nauna nang magpunta sa kusina. Binuksan nito ang ref at kumuha ng chocolate drink saka sumalampak sa harapan ng TV sa living room. Mayamaya nang kaunti para na itong batang nine years old habang nanonood ng rerun ng Naruto. Tumitili-tili at nakikisagot sa mga dialogues ng tauhan.

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon