Nagising si Czarina sa kakaibang amoy sa paligid. Napakusut-kusot siya ng ilong habang dahan-dahang idinidilat ang mga mata. Bago pa niya ito lubusang maibuka, tumakbo na sa tabi niya si Rory. Yumakap agad ito sa kanya.
"Mama! I thought you would leave me forever!" umiiyak nitong sambit.
No'n lang napagtanto ni Czarina kung nasaan siya. Kaya pala amoy gamot at alcohol ang paligid ay dahil nasa loob siya ng either clinic or hospital.
"Kumusta na po kayo, ma'am?" tanong agad ng nurse na lumapit sa kanya.
Napatingala si Czarina sa headboard ng hinihigaan niya at no'n niya nakita ang monitor sa bandang right side niya. May mga iilang guhit doon na tumataas-baba. Pinangunutan siya ng noo. Bakit may ganoon? Sa nakikita niya sa mga TV drama, ginagamit lang iyon sa tuwing nasa peligro ang buhay ng tao. Ganoon ba kalala ang lagay niya?
Pinaliwanag sa kanya ng nurse kung ano ang nangyari sa kanya. Nawalan daw siya ng malay dahil sa isang matinding pangyayari sa kanilang tahanan. Kinailangan siyang i-admit sa ospital dahil ang tagal niyang ma-revive. Nang magkamalay nga raw siya kanina, agad daw namang nag-hysterical.
Saglit na nawala sa isipan niya ang nangyari sa mansion sa Kawit kung kaya napatangu-tango lang siya sa nurse. Makaraan ang ilang sandali, tila bigla na lamang may marinig siyang putukan sa isipan. Napangiwi siya. Pinanlamigan siya bigla at awtomatiko pang napahawak nang mahigpit sa braso ni Rory. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng anak.
"Are you hurt, anak? Sinaktan ka ba nila?" natatakot niyang tanong.
Umiling-iling si Rory. "No, Mama. I'm all right."
"Ang mga gwardya! Nagbarilan sila! Namatay ang babae! Si Isabel! Si Rorik! I have to find Rorik! Nasa panganib ang buhay niya!" At napabangon siya agad.
"Mama!" May takot sa tinig ni Rory habang sinusubukan siyang pigilan sa pagbaba sa kama. She looked scared and confused as well. Nakita pa ito ni Czarina na napalingon sa nurse. Lumapit naman ang huli sa kanila at masuyo siyang pinapahiga muli.
No'n naman pumasok sa silid si Rorik. May kasama itong lalaking nakaputing lab coat. Lumiwanag agad ang mukha ng lalaki pagkakita kay Czarina na gising na.
"Cza-Cza!" masayang sambit nito. Kaagad itong tumakbo sa tabi ni Czarina at niyakap ang babae.
"Rorik!" At napayakap din si Czarina sa dating nobyo. "Are you all right? Hindi ka ba nasaktan?" Kinapkap pa ni Czarina ang mga braso nito pati na ang likuran. Nang wala siyang makitang senyales na tinamaan ito ng barilan sa pagitan ng mga gwardiya, she cupped his face. She was crying as she was telling him how relieved she was.
"Sshh, stop worrying about me. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"I'm good. I feel so good all of a sudden. Okay na ako." Nilingon ni Czarina ang anak na nasa kabilang gilid ng kama. Hinila niya ang isang kamay ni Rory at dinala sa mga labi. "You're one brave soul, anak. I am so happy that you are safe and reacting better to the situation than I did."
Hindi kumibo si Rory. Pinisil lang din nito ang kanyang kamay.
Lumipat sa kabilang gilid ng kama si Rorik at niyakap ang kanilang anak. Nakangiti ito.
"Yes, indeed, she reacted well. Ang tapang-tapang talaga ng baby ko." At pinisil pa ni Rorik ang baba ni Rory. Medyo na-awkward ang bata. Umatras ito nang kaunti palayo sa mga magulang.
Natigil lang ang kumustahan nilang tatlo nang marinig ang breaking news sa TV sa silid. Binalita ng TV reporter na naka-survive ang mga nabaril na gwardya ni Architect Rojas. Pati na ang babaeng kinilala bilang si Elizabeth Fajardo, ang apo sa tuhod ng yumaong Don Jaime Fajardo. Anak daw ito ng pamangkin sa pinsan ng don. Ayon sa balita, tungkol sa mana ang dahilan ng madugong engkwentro sa mansion. Ang mga gwardyang nasugatan ay mga hired assasins pala ni Elizabeth na nagpakilalang Isabel kay Czarina. Matagal na palang nilalabanan ng pamilya nito ang last will ng don na nagsasabing si Rorik ang tanging tagapagmana nito. Tapos na ang kaso ilang taon na ang nakararaan at umayon sa kagustuhan ng don ang korte. Walang ibinigay na kahit singkong duling sa mga kaanak ang matanda at iyon ay sa kadahilanang pinagtangkaan daw ng mga ito ang buhay nito noon thinking they could inherit the old man's properties.
BINABASA MO ANG
BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]
ChickLitBatid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang matutuwa? Hindi niya naipaglaban sa matapobre niyang ama ang dating kasintahan. Ngayon, bumaliktad na...