CHAPTER THIRTY-SEVEN

3.5K 165 12
                                    

Nagising si Czarina na mabigat na mabigat ang kanyang balikat. Masakit iyon at kumikirot-kirot pa. Nang subukan niyang ibuka ang mga mata'y hirap na hirap siya. Pinilit niya ang sariling dumilat nang maalala ang pagbaril sa kanya ni Don Fernando. Ayaw pa kasi niyang mamatay! Hindi pa niya kayang iwan si Rory. Paano na lang ang anak niya kapag hindi na siya nagising?

Blurd ang paligid nang dahan-dahan niyang ibuka ang mga mata. May mga kulay siyang nakikita pero medyo malabo. Kinurap-kurap niyang muli ang mga mata. Medyo lumiwanag na ang mga nakikita niyang kulay. Nang mapansing mas lamang ang puti sa paligid kaysa ibang kulay, kinabahan siya nang husto. Kumalabog ang dibdib niya sa takot na baka natuluyan siya ng matandang traidor na iyon at ngayo'y nasa langit na siya.

"R-Rory," tawag niya sa anak.

Nasaan na kaya ang batang iyon? Bakit hindi niya nakikita? Kanina lamang ay magkasama silang tatlo ni Rorik.

Nang maalala ang huling eksena bago siya mawalan ng malay, pinanlamigan siya. Shit, baka binaril din ni Don Fernando si Rorik at Rory! Hindi maaari! Nag-panic siya. Napasigaw siya sa takot at pangamba ngunit ang inakala niyang sigaw ay ungol lang pala sa pandinig ng mga kasama niya sa pribadong silid na iyon. Nagising sila at parehong napalapit sa kanyang kama.

"Mama!"

"Czarina!"

Pinilit niyang lakihan ang buka ng mga mata nang marinig ang mga boses na iyon at ganoon na lamang ang kaginhawaang naramdaman nang makitang buhay ang kanyang anak. Buhay si Rory!

"R-Rory, anak."

"Mama!" At butil-butil na luha ang umagos sa mga mata ng bata. Napayakap agad ito sa kanya. "I thought I lost you, Mama!"

"I'm glad you're awake now, Cza-Cza," masuyo namang sabi ni Rorik. Napahawak pa ito sa isa niyang kamay at maingat itong dinala sa mga labi. "I was pretty worried about you. Ang daming dugong nawala sa iyo."

"R-Rorik," sambit niya sa mahinang tinig. Kumurap-kurap siya para klaruhin sa isipan na hindi siya nananaginip. Kani-kanina lamang kasi'y tila nilapitan siya nito at niyakap. She even felt his lips on her forehead and the tip of her nose. He was telling her how much he loves her, but when she opened her eyes, she saw no one. Kaya naisip niyang guni-guni lamang iyon. Produkto ng masidhing pagnanais na mag-confess rin ito sa kanya gaya ng ginawa niya noong isang araw. Oo't nararamdaman din niya kahit papaano na tila may pagtingin pa rin ito sa kanya, iba na ang sigurado. Malay ba niya kung ginagawa lamang iyon ng dating nobyo para sa kanilang anak.

"Yes, it's me, my love," anito.

My love. Hindi kaya nagdedeliryo na naman siya?

Bumangon si Rory sa pagkakadapa sa kanya at nakangiting nagpaalam. Iinom lang daw ito ng juice saglit. Bago pa niya ito payagan ay nakatalikod na ang anak at nagtungo ito sa isang sulok na mayroong mahabang sofa at maliit na refrigerator. May kinuhang bote ng orange juice sa ref ang bata at isinalin ito sa hawak na baso.

May tumikhim sa tabi niya. Napabaling siya kay Rorik na ngayo'y nakatingin sa kanya nang matiim.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Masakit ang balikat ko," sagot niya sa namamalat na tinig.

Tumangu-tango si Rorik. Pinangiliran ito ng mga luha. Na-touch naman siya sa nakikitang concern sa mga mata nito. Sana ay tuluyan na itong umamin sa damdamin, naisip niya.

Pinangunutan siya ng noo. Noon niya lang kasi naalala ang mga gwardiyang nabaril din ni Don Fernando. Kumalabog na naman ang puso niya sa takot at pangamba para sa buhay ng dalawa.

"Ang mga bodyguards?"

"Okay na sila. Nakalampas na sila sa critical period. Nasa ICU pa rin sila pareho, pero they are showing signs of recovery na. Mas nauna pa nga silang magising kaysa sa iyo, eh."

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon