CHAPTER TWELVE

4K 187 20
                                    

"Architect Rojas will be here any moment," nakangiting pahayag ng sekretarya bago iwanan si Czarina sa waiting area ng opisina ni Rorik na nasa 10th floor ng Crimson Hotel sa Alabang.

Tiningnan ni Czarina ang relos. Mag-aalas otso na. Kailangan niyang makausap na ang lalaking iyon dahil magre-report pa siya kay Ed Santos ngayong umaga. Kailangan nilang ma-settle itong ino-offer ng kompanya sa kanya na new position diumano which she could not accept.

Makaraan ang ilang sandali'y niluwa uli ng pintuan ang sekretarya at sinabihan siyang maaari na siyang pumasok sa pribadong silid ng lalaki.

Pangalawang beses na niyang pagbisita sa opisina ng dating nobyo sa hotel na iyon, pero napasinghap pa rin siya sa grandyosong ambience nito pagpasok niya. Para bagang sinasampal ang kanyang kadukhaan sa tuwing napaparito siya. Ibang-iba na ito sa dating Rorik na halos sa palengke lang natutulog.

May mga nakasabit na mamahaling paintings sa dingding ng opisina. Noong huli niyang punta roon, wala pa ang mga iyon. Ang carpet namang tinatapakan niya ay ilang daang libo ang presyo. Sigurado siya roon. Nakita niya iyon mismo sa isang high society magazine na nagpe-feature ng magagarang interior designs.

Nakatalikod ang swivel chair sa direksyon ni Czarina. Saka lang ito umikot nang halos ay nasa harapan na siya ng desk ng lalaki.

"To what do I owe this honor?" sarkastiko nitong tanong. Naka-smirk pa ang damuho.

Napalunok si Czarina nang makita ang hitsura ng dating nobyo. Newly-shaved ang mukha nito at mukhang bagong gupit pa. Ang crew cut nitong buhok ay lalong nag-enhance sa very masculine nitong aura. Idagdag pa ang elegante nitong black suit at lavender tie. Kahit sinong tumingin dito'y iisa lang ang masasabi---hot and fashionable. Malayo na nga ang narating ng isang kargador sa palengke.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Architect Rojas. Alam mo kung bakit ako naparito. Iyong tungkol sa sinasabi mong bago kong posisyon. Hindi ko iyon matatanggap. Masyadong malaking responsibilidad ang maging editor ng isang bi-weekly paper. Hindi ko magagampanan iyon. Pakisabihan n'yo rin si Sir Ed tungkol doon. "

Tumaas nang bahagya ang kilay ng damuho at tila ngumisi pa sa kanya.

"Ang ibig mo bang sabihin ay nagbago ka na? You are no longer the Czarina I know who always welcomes any challenges that come her way? Kung natatandaan mo, ni hindi mo kinatakutan noon ang bagsik ng iyong ama makipagkita lang sa akin sa bahay-kubo sa likod ng bahay n'yo?" And he smirked again.

Kaagad na nag-init ang mukha ni Czarina nang maalala ang parteng iyon ng kanyang kabataan. Naging mapangahas sila pareho ni Rorik at tila nagdulot pa ng excitement sa mga bata nilang puso ang posibilidad na anumang oras ay mahuhuli sila sa akto ng istrikto niyang ama.

Marahil naisip din iyon ng binata dahil bigla na lamang itong napangiti nang matamis. Iyong walang halong pang-iinsulto o pang-aalipusta. Pero saglit lang iyon. Na-realize din siguro agad nito na hindi ito dapat magpakita ng ganoong vulnerability sa kanya.

"Iba itong trabahong ito, Architect Rojas. Many people's livelihood depend on the paper. Kung hindi ko iyon mapapangalagaan nang husto at bigla na lang ma-out of circulation, paano sila? Paano ang kanilang pamilya? Hindi kaya ng konsensya kong mawalan sila ng trabaho nang dahil sa akin."

Tumayo na this time si Rorik at lumapit pa sa kanya. Napaatras agad si Czarina. Aminado siyang malakas pa rin ang dating ng dating nobyo sa kanya. Kaya pa rin nitong palambutin ang kanyang mga tuhod. Katunayan, kahit nagpigil na siya'y napasinghap pa rin siya nang malanghap ang mamahalin nitong men's cologne. Nag-init pa ang buo niyang katawan.

Sumandal lang si Rorik sa desk niya at nakahalukipkip na tumitig sa kanya.

"Your explanation is an obvious admission that you are no longer the Czarina I used to know. Hindi ka na palaban tulad ng dati. Nagpapadala ka na sa pangamba. Nadadaig ka na ng takot."

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon