CHAPTER TWENTY-FIVE

3.4K 213 23
                                    

Napaungol nang kaunti si Rory sa kama nang lapitan ito ni Czarina. Natakot pa ang huli na baka nagising niya ito kaya ingat na ingat siya sa paghalik sa noo ng bata. While doing so, hindi niya naiwasang titigan ang anak. Every inch of her daughter reminds her of Rorik. Mula sa skin tone nitong kulay kayumanggi, mapusyaw lang nang kaunti kompara sa ama, hugis ng mga mata, ilong, at mga labi---lahat ay namana nito kay Rorik. Siguro kung mayroon mang nakuha sa kanya, iyon ay ang ano. Napangiti siya sa naisip sa kabila ng hinaharap na posibilidad na maaaring makakapagpabago ng kanilang buhay mag-ina.

Nang una niya itong nahawakan matapos niya itong iluwal, she felt so blissful. Ang dami niyang hamong hinarap mag-isa, pero dahil kapiling niya ito, nakayanan niya lahat. Never niyang pinagdudahan na hindi ito kanya. Nanatili ito sa neonatal intensive care unit ng dalawang araw dahil nagka-jaundice pagkapanganak, pero simula nang isoli ito sa kanya ng mga nurses ng Las Piñas Doctors Hospital, NEVER niyang inisip na nagkaroon ng baby switching. Natatandaan niya kasi ang niluwal niyang bata. Makapal ang straight na buhok at maganda ang hugis ng kilay. Kasing ganda ng kilay ng ama. Ang ibang bata kasing kasabayan nito sa ospital ay halos wala pang kilay.

"Mama? You're crying. Why?" At napaupo agad sa kama si Rory. Kinukusut-kusot pa nito ang mga mata sabay hikab. "Inaway na naman ba kayo ng architect na iyon? Sabi ko sa inyo, dapat na tayong bumalik sa bahay natin, eh."

Mabilis siyang umiling-iling. "He was not mean to me this time." Pinisil niya ang isang kamay ng anak at hinagkan pa ito sa pisngi.

"So why are you crying?"

Tinitigan niya sa mga mata si Rory. Nagtalo ang kanyang isipan kung sasabihin dito ang totoo, pero nanaig din ang awa rito. Ayaw niya itong mapuyat sa kaiisip sa pinoproblema niya ngayon. That can wait. Ang sabi ni Rorik ay kailangang magawa ang DNA test sa kanilang mag-ina sa lalong madaling panahon. Baka kasi, kapag nagkatotoo ang iniisip nilang dalawa, kawawa naman ang tunay nilang anak kung napunta ito sa pamilyang hindi ito mahal o di kaya pinakupkop sa bahay-ampunana. Pasasamahan daw silang mag-ina bukas kay Mrs. Pernis. Alam daw nito kung saan ang laboratory na nagsasagawa ng DNA tests.

Walang anu-ano'y hinila niya si Rory at niyakap nang mahigpit na mahigpit. Masuyo niya itong hinalikan sa noo at hinayaan nang tumulo ang kanyang mga luha.

"You are my daughter. I do not want any other child to be YOU."

Nagsalubong ang mga kilay ni Rory pansamantala at napangiti ito.

"You're being weird, Mama. Is that how wine affects people?" At inamoy-amoy nito ang hininga niya. "I am right! You drank some wine!" At humagikhik ito. Yumakap ito sa kanya habang bumubungisngis. "Does it taste good?" curious pa nitong tanong. "My classmates say it tastes kind of sweet in a bitter way. But they keep on stealing their dad's wines!"

Parang dinurog ang puso ni Czarina sa inosente nitong kuwento. Awang-awa siya rito. Ni wala itong kamuwang-muwang na bukas ay maaaring magbago ang kanilang buhay.

Nagsabi na siya kay Rorik na kung sakaling hindi nga rin niya tunay na anak si Rory, hindi niya pa rin ito igi-give up. Napamahal na ito sa kanya. Mamamatay yata siya kapag nawalay ito sa piling niya. Iniisip pa lang niya'y parang sinasaksak na ng patalim ang kanyang puso.

She cupped Rory's beautful face and kissed the tip of her nose. Teka. Bakit nga ba niya ini-entertain ang posibilidad na hindi ito kanya? May nararamdaman siyang lukso ng dugo sa bata. Nakikita rin niya ang resemblance nito sa tatay nito. At kahit hindi sila magkamukhang mag-ina, may mga mannerism si Rory na tingin niya'y nakuha sa kanya. Kapag nag-aalala ito'y napapakagat ng kuko. Ganoon rin siya. At hindi lang iyon. Kopyang-kopya nito ang lakad niya.

Kaso, aminado rin siyang nakukuha ng bata iyon sa modeling. Ayon sa teorya ng social learning na napag-aralan niya noong college, people copy behaviors of those they admire. Through the process of modeling, maaaring mapag-aralan ng tao ang mannerism ng iba at magaya ito even without them being fully aware of it. Halata namang hini-hero worship siya ng anak kaya marami silang pagkakahawig sa gawi at salita.

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon