A/N: Matutuldukan na rito ang inyong haka-haka. Actually, sa kakarampot kung patrons sa Patreon, matagal na nilang alam ito. probably noong Enero pa. Hehe. Salamat sa mga nagbabasa nito.
**********
Ibayong kaginhawaan ang dulot ng DNA test result sa kanilang mag-ina. Nawala ang agam-agam nila pareho. Although alam ni Czarina na mapagkakatiwalaan ang lahat ng nurses ng Las Piñas Doctors Hospital, nagkaroon pa rin siya ng pangamba matapos mag-negative ang paternity tests ni Rorik. Of all people, siya ang mas nakakaalam kung sino ang tunay na ama ng anak. At sigurado siyang ang dating kasintahan iyon.
Dahil siniguro sa kanya ni Rorik na mapagkakatiwalaan din ang laboratory na sumagawa ng paternity test nito, nagkahinala na ngayon si Czarina na may nagsabotahe sa resulta. Sino naman kaya ang magkakainteres na mapatunayan na hindi ama ni Rory si Rorik? Sa ngayon wala siyang maisip na suspect. Mas iniisip niyang nagkaroon lamang ng pagkakamali sa pagkuha ng sample. Maaari kasing contaminated ang sample na kinuha noon sa anak niya kaya ganoon ang outcome ng test. Sa isang banda naman, isa ring posibilidad na nagkaroon ng mix up ang mga samples sa laboratoryo.
"I do not want to have another test, Mama," sagot ni Rory sa kanya nang imungkahi rito na tulungan nila ang ama na ma-settle ang isyu tungkol sa kanyang biological father. "I do not mind having no one for a dad if my only option is that architect guy."
Nginitian ito ni Czarina at inginuso rito ang pinapapak na tsokolate.
"You do not like him but you eat all his chocolates in the fridge."
Biglang natigil sa pagnguya si Rory. Binaba nito sa kama ang kalahati ng Cadbury Dairy Milk Chocolate. Dinampot naman agad ito ni Czarina at kinagat. Nagprotesta ang bata.
"You said you don't like it anymore. Sayang naman."
"I didn't say that." And she pouted.
Natigil sa pagnguya sa tsokolate si Czarina. Tinitigan ang anak. If looks are enough proof that she is Rorik's daughter, dapat 99.99% rin ang outcome ng paternity test nito. Oh well. Sigurado siyang lalabas din ang totoo later on. For now, the least she can do is help him. Gusto rin niyang malinis ang pangalan niya rito. Kahit wala na sila at malabo na ring magkabalikan pa, nais pa rin niyang hindi siya pag-isipan nito nang masama.
**********
Napokpok ni Rorik ang desk nang mabasa ang resulta ng panibagong paternity tests. Consistent ang outcome ng lahat ng laboratory na nagsagawa nito. Hopeful pa sana siya sa pinadala niya sa Amerika dahil naisip niyang sila ang hindi accessible ng kung sino mang sumasabotahe sa resulta dito sa Pilipinas. Saka mataas ang expectations niya sa mga ito. Mas mahusay silang gumawa ng trabaho at mas reliable pa. Pero bakit gano'n? Nothing has changed. Negatibo pa rin ang resulta. Hindi raw siya ang biological father ng anak ni Czarina!
Sa totoo lang, gusto na niyang sumuko at isiping nangaliwa ang dating nobya nang sila pa. Subalit, a huge part of him does not believe Czarina is that type of girl. Mataas ang tingin niya rito. She may be into sexy clothing, mahilig sa maiikling shorts kahit noong bata pa, pero hindi ito pakawala. In fact, he was Czarina's first. At noong naging sila, wala na siyang narinig pang naging boyfriend nito o na-link dito maliban sa anak ng mayor. Pero iyong tungkol doon naman ay pakana ni Don Gustavo. He knew ever since kung gaano ka desperado ang don na mailayo sa kanya si Czarina kaya ito na mismo ang lumapit sa mayor ng kanilang bayan para ipagkasundo ang dalawa. But then, according to his cousin, Erik, hindi naman natuloy ang pagpapakasal ng dalawa. Ayon sa haka-haka raw sa kanila, mismong ang don ang umatras. Napag-alaman daw kasi nito na wala nang pera ang mayor at ang investment money na nakuha sa kanila ay nalustay pa sa sabong. May teorya naman si Erik kung bakit hindi natuloy ang kasal at walang protesta sa magkabilang panig. Ayon sa pinsan niya, maaring napag-alaman ng anak ng mayor ang pagdadalantao ni Czarina. At kilala ang mayor sa kanilang lugar na seloso at ayaw na ayaw maisahan ng iba.
BINABASA MO ANG
BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]
ChickLitBatid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang matutuwa? Hindi niya naipaglaban sa matapobre niyang ama ang dating kasintahan. Ngayon, bumaliktad na...