A/N: Baka maimbyerna na naman kayo sa update ko. Just be patient. Pasasaan ba't mangyayari rin ang hiling ninyo. :)
**********
Nag-agawan sila ng bag ni Rorik. Nang makuha nito ang maliit nilang emergency bag ni Rory, binalik iyon sa loob ng guest room.
"You are here to stay. Both of you. Hindi pa natin alam kung ano ang maaaring gawin sa inyo ng mga desperadong paparazzi ngayong nababalitang babalik ng Pilipinas ang footballer na iyon."
"Babalik ng Pilipinas si KD-11?!"
Pinangunutan siya ng noo ni Rorik. Kakitaan ito ng pagdududa.
"You don't know?" It was a skeptical question.
Saka lang naalala ni Czarina kung bakit sila nasa pamamahay nito. Nang dahil sa espekulasyon na mayroong namamagitan sa kanila ng footballer na iyon, nasabihan siya ng kung anu-ano ni Rorik at in-assume agad ng nakakuha ng video ng eksenang iyon na involved sila sa love triangle. Bakit sinabi niya agad dito na hindi niya alam? Dapat ay patuloy itong maghinala na mayroong namamagitan sa kanila ng lalaking iyon. Afterall, nakikipaglandian ito sa batam-batang iskolar ng Bataan Polytechnique College.
"Ang ibig kong sabihin, agad-agad? Kasi ang usapan namin ay sa susunod na buwan pa siya paparito. Nangako iyon sa akin na siya ang magbubukas ng football tournament ng mga bata kapag nag-umpisa na sa Abril." Ang sinasabi niyang football tournament ay ang kompetisyon ng mga elite private schools sa Kamaynilaan.
"He would?" halos ay pabulong na lamang na tanong ni Rorik sa kanya. Naka-tiim-bagang ito. Halatang galit na galit na. "Why the fvck would he waste his time with kids' tournaments?"
"Aba'y malay ko. Interesado raw siyang makita kung paano maglaro ang anak ko, eh. Ano'ng magagawa ko?" gatong pa ni Czarina.
Lalong naningkit ang mga mata ni Rorik. Nilingon nito si Rory na kanina pa pala palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa at hinawakan ito sa kamay. Lumuhod ito sa harapan ng bata. Tinitigan muna ito bago tinanong.
"Have you met that bastard---I mean that guy? KD-11?"
Umatras si Rory sabay iling. "But I---I like him. I've seen how he plays on TV." At binalingan nito ang ina at tinanong. She was kind of expectant. "Is it true, Mama? KD-11 wants to see me play?" may kinukubling kilig doon si Rory.
Nakita ni Czarina na napakuyom ng mga palad si Rorik at napatayo ito agad. He was eyeing her now with anger. Nakahalukipkip pa ito. Na-excite si Czarina sa mga pinapakitang reaksyon ni Rorik. Para kasing---parang nagseselos ito kay KD-11!
Ayaw din namang magsinungaling ni Czarina sa anak dahil baka siya rin ang mahihirapang magpaliwanag dito pagdating ng Abril kung bakit hindi makakadalo ang ini-idolong footballer. Gayunman, ayaw niyang bawiin ang sinabi. She wants Rorik to assume na ganoon siya ka espesyal kay KD-11 kung kaya isiningit pa sa tight schedule nito ang pagpapaunlak sa kagustuhan ng mga bulinggit na footballers ng Pilipinas.
Ginulu-gulo na lang niya ang buhok ni Rory at sinabihan itong pumunta saglit sa ibaba at hanapin si Perla kung nagugutom na ito.
"Mama and Architect Rojas just have something to settle."
"Architect Rojas? Why don't you tell her who I am in her life," hamon sa kanya ni Rorik.
"Nasabi ko nang magkababayan tayo sa Bataan. Nasabi ko na lahat..."
"C'mon, Czarina. You can do better than that. Tell her. Sino ako sa buhay mo noon at kaanu-ano niya ako. Mas maigi nang sa iyo manggaling ang katotohanan." Tumaas nang bahagya ang boses ni Rorik. Nanggigigil na nga ito sa galit.
BINABASA MO ANG
BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]
ChickLitBatid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang matutuwa? Hindi niya naipaglaban sa matapobre niyang ama ang dating kasintahan. Ngayon, bumaliktad na...