Mahigit dalawang linggo nang naoperahan si Erik pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising kung kaya ganoon din katagal na hindi kinikibo ng tiyahin si Rorik. Ito ang sinisisi sa nangyari sa anak. Pati si Czarina at Rory ay damay din. Kibuin-dili rin sila ng ginang sa tuwing bumibisita sila sa ospital sa bayan.
"Magigising pa kaya si Tito Erik, Mama?" anas sa kanya ni Rory matapos nilang bisitahin ito sa ICU ng ospital.
Napalingon sa pinanggalingan nila si Czarina at nang makita si Aing Minda na papalabas ng ICU ay siniko niya nan bahagya ang anak at sinenyasan na h'wag na itong magbanggit tungkol doon. Mamasa-masa ang mga mata ng ginang. Nag-alala tuloy si Czarina. Nang lumabas din ng silid si Rorik na lulugu-lugo dinaklot ng takot ang kanyang puso. Napapisil siya sa kamay ni Rory na hawak-hawak niya.
"W-wala na si 'Insan," balita sa kanya ni Rorik sa ngarag na tinig. Namula lalo ang mga mata nito.
"H-ha? W-wala na si Erik?! Akala ko ang sabi ng doktor----"
Natigil sa pagsasalita si Czarina nang biglang bumalik si Aling Minda at galit silang dinuru-durong mag-ina. Nanginginig ito sa galit kahit na ibayong pagpipigil ang ginawa para hindi humulagpos ang totoong damdamin sa kanilang dalawa ni Rory.
"Kayo ang pumatay sa anak ko! Kung hindi dahil sa inyo buhay pa sana siya ngayon! Kayo ang pumatay sa anak ko!"
"Tiyang!" saway ni Rorik at niyakap nito ang tiyahin.
Siniko ni Aling Minda si Rorik at nang akmang hawakan na naman ito ng pamangkin, tinabig na nito ang kamay ng huli.
"Hindi ko maisalarawan ang poot na nararamdaman ko sa inyo, lalung-lalo na sa iyo, Rorik! Kung sana'y hinayaan mo na lang na makapagpahinga sa bahay ang pinsan mo, disin sana'y buhay pa siya ngayon! Sana'y buhay pa ang aking anak!"
Sumiksik si Rory sa likuran ni Czarina. Ramdam ng huli ang takot ng bata. Nanlilisik kasi ang mga mata ni Aling Minda. Kulang na lang ay kainin silang mag-ina nang buhay.
"Tiyang, h'wag n'yo sanang idamay dito ang aking mag-ina. It's my fault. Sa akin na lang kayo magalit. Please. Natatakot ang anak ko."
Isa-isa silang tinitigan nang matalim ni Aling Minda bago dali-dali itong lumayo sa kanila. Hinabol pa sana ito ni Rorik, pero humingi ito ng tulong sa gwardiya na harangin ang pamangkin sakaling magtangkang maghabol.
Naiyak si Czarina. Awang-awa siya kay Erik. Ang daming kabutihang ginawa sa kanila ang pinsang iyon ni Rorik. Na-guilty tuloy siya sa nangyari. Kung hindi dahil sa kanilang mag-ina at buhay pa nga sana ito.
Napabuga siya ng hangin. Panibagong pagsubok na naman itong kakaharapin nila ni Rory. Niyakap niya ito nang mahigpit at no'n lang din umiyak ang bata. Natigil lamang ang pag-e-emote nilang mag-ina nang lapitan sila ni Rorik. He stood in front of them and stared at them for one moment, before he opened his mouth. Gumagaralgal ang tinig nito.
"Never ever feel guilty about all this." Sa kanya ito nakatitig. "Wala kayong kasalanang dalawa. Kung mayroon mang dapat sisihin dito iyon ay walang iba kundi ako."
Isinuksok ni Rorik ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at napayuko. Nahabag dito si Czarina. Bukod sa guilt na alam niyang nararamdaman nito ngayon, nababatid niyang labis-labis itong nangungulila rin sa pinsan. Para na rin kasing nakababatang kapatid kung ituring nito si Erik. Silang dalawa lang kasi ang halos magkalapit ang mga edad. Ang iba nilang pinsan na kapatid ni Erik ay mas matanda sa kanya ng halos dalawang dekada. Anak na lang kasi ito ng Tiya Minda niya sa pangalawa nitong asawa.
"Architect Rojas?"
Napatingin silang lahat sa dumating na pulis. Ito ang hepe ng Bataan na kasamang sumaklolo sa kanilang mag-ina noong nakaraan.
BINABASA MO ANG
BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]
ChickLitBatid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang matutuwa? Hindi niya naipaglaban sa matapobre niyang ama ang dating kasintahan. Ngayon, bumaliktad na...