CHAPTER TWENTY-SEVEN

3.5K 178 19
                                    

A/N: Please also support me on my Patreon page. Simply look for Gretisbored. Dinagdagan ko ng characters ang Peks Man Cross My Heart doon. So medyo humaba-haba ang kuwento, pero hindi pa naman tapos doon. Hanapin n'yo lang sa ibabang bahagi kasi matagal ko nang nai-upload doon. Soon, I will finish the revision...

Pasensya na kung hindi ko na naman ito maa-update nang madalas. Namatayan kasi kami at baka uuwi ako ng Iloilo soon. Pero pagbalik ko ay babawi ako. Salamat sa lahat ng mga sumusuporta sa akin dito at sa Patreon na rin. :)

**********

"Thank you, Mama," nakangiting sabi sa kanya ni Rory sabay halik sa kanyang pisngi. Pagkababa kasi niya ng phone ay saglit lang siyang parang natigilan habang iniisip kung paano napunta kay Hazel ang cell phone ni Rorik, tapos binalingan niya ang anak at sinabihang uuwi na sila sa kanila nang oras ding iyon.

"Hindi ba pwedeng ipagpabukas n'yo na lang ang pag-uwi sa inyo, Czarina, kung iyan talaga ang gusto mo? Pauwi na rin kasi si Nonoy. Mamaya nang kaunti o baka bukas ng madaling araw ay nandito na iyon," pigil sa kanila ni Perla nang makita sila nitong nag-alsa-balutan.

"This is a good time, Perla. Dahil alas dies na ng gabi, wala na halos paparazzi na hahabol sa amin. Saka ang tagal nang walang tao ang apartment. Baka napasok na iyon ng mga akyat-bahay. Sayang ang mga gamit namin doon."

Napabuga ng hangin si Perla at malungkot silang hinatid sa main gate. Minanduan nito ang driver na ihatid sila sa Zapote.

"H'wag na. Kami na lang. Baka kasi makilala ang sasakyan ni Rorik at sundan pa kami. May tinawagan na kaming taxi. Naghihintay na raw iyon sa amin sa bukana ng gate ng village. Sige, pakisabi sa amo mo maraming salamat sa lahat."

At dali-dali na silang naglakad papunta sa main entrance. Dahil hindi naman gaanong malayo iyon sa mansion ni Rorik, ni wala pang sampong minuto ay nasa main gate na sila ni Rory. Buong pagmamadali na sumakay na sila sa taxi at binigay dito ang address nila sa Zapote.

Mayamaya pa'y nakabalik na silang dalawa sa dating lungga. Tumakbo-takbo sa loob ng kabahayan ang anak habang nakadipa. Niyayakap daw nito ang buong apartment dahil sobra daw nitong na-miss ang dati nilang tahanan.

"Sus, kunwari ka pa. Hindi ba't enjoy ka ro'n dahil ang daming tsokolate? Tumaba ka nga sa mahigit dalawang linggo nating pananatili roon."

"Ha? Tumaba ako?" At ini-stretch pa nito ang laylayan ng T-shirt para ipakitang loose pa rin ito. Umikot-ikot pa ito sa harapan ng malaking salamin sa tabi ng pintuan. Napakagat-labi ito pagkatapos at umamin ding medyo sumikip nga raw ang mga damit. "But then, I like it here better, Mama. At least dito, komportable tayo pareho. Wala tayong pinapakisamahan."

Pinapakisamahan? Napatitig siya sa anak dahil sa sinabi nito. Tila hindi isang nine years old ang nagsabi no'n. Nakikisama rin pala ito sa lagay na iyon? Biniro nga niya ito sa paraan ng pakikitungo nito sa ama.

"Is he really my father?" Mahina na ang tinig ni Rory at may lungkot na sa mga mata nito.

"Of course, he is!" At ginulu-gulo niya ang buhok ng anak.

"Bakit gano'n? I heard from Tita Perla that all our DNA tests came out negative. That means to say he is NOT my real father."

"There must be some errors in the paternity testing process dahil sigurado ako, anak, na siya lamang ang posible mong maging tatay."

Umaliwalas ang mukha ni Rory. At no'n nabatid ni Czarina na bagama't nagpapakita ito ng disgusto kay Rorik bilang ama nito, hindi maitatanggi na gusto rin nito ang ideya na ito nga ang kanyang biological father.

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon