CHAPTER THIRTY-ONE

3.5K 147 5
                                    

"When can I go back to school, Mama?" tanong ni Rory matapos itulak ang plato palayo sa kanya. Hindi pa nito ubos ang lasagna.

Napatingin si Czarina sa plato ng anak saka napahugot ng malalim na hininga. Paano ba niya sasagutin ito nang hindi ito mag-aalala? Plantsado na sana ang kanilang planong bumalik sa Bataan, pero matapos ang aborted kidnapping incident natatakot na siyang magbakasakali roon. Kapag nakaalis sila sa poder ni Rorik, tiyak na madali silang matutunton ng mga tauhan ng senador. Ngayong expelled na ang paboritong apo ng matandang huklubang iyon, sigurado siya na hindi ito titigil hangga't hindi naigaganti ang bata.

"I can't, right? I mean, hindi na ako makakabalik sa school? Sa kahit anong school?"

Parang dinudurog ang puso ni Czarina sa nakikitang kalungkutan sa mga mata ni Rory. Naiintindihan niya kung bakit ito nalulungkot. Ang ibig sabihin kasi no'n ay hindi na ito makakapaglaro pa ng football.

"Don't say that. For sure, makakaisip tayo ng paraan."

"May sinasabing home schooling si Mrs. Parica noon. One of my classmates kasi was home schooled until she graduated in grade six. Ganoon din ba ang mangyayari sa remaining years ko sa school, Mama?"

Hindi iyon nasagot ni Czarina dahil bigla siyang napatingin sa telebisyon. May breaking news at biglang pinakita sa TV ang front view ng eskwelahan nila Rory. Maging ang bata ay natigil din sa pinagsasabi at napatutok sa balita.

"Oh my God!" naibulalas ni Czarina.

"My school was bombed?!"

Napa-sign of the crosss si Czarina. Kinilabutan siya. No'n niya napagtanto na wise decision ang pag-alis niya kay Rory doon agad. Kung hindi pala'y baka kasama sa mga batang nagtamo ng sugat ngayon ang kanyang anak.

Napatayo si Czarina at napayakap kay Rory. The hugged one another tightly. Kapwa sila natakot bigla. Napaiyak pa si Rory kung kaya kinailangang pigilan ni Czarina ang mga luha niya or else baka lalong matakot ang kanyang anak.

"Sshh. Don't be scared, anak. We are safe now."

"My classmates, Mama! What about my classmates?"

Nilingon ni Czarina ang balita sa TV. Laking tuwa niya nang sabihin ng news anchor na ligtas na ang lahat na tinamaan ng shrapnel. Tapos, biglang pinakita si Rorik na nakikipag-usap sa isa sa mga journalists. Nang i-pokus ang mukha nito sa TV, kumalas na sa pagkakayakap niya si Rory at pinanood ang ama. Rorik was giving his own account of the incident. As usual, he looked like he just stepped out of a photoshoot. Gwapong-gwapo ito sa suot na dark blue suit. Napapansin nga ni Czarina na nagpapa-cute dito ang babaeng reporter.

"The senator? Oh no! Of course not!" At tumawa pa si Rorik. "I will leave the investigation to the authorities. Sila ang mas nakakaalam. As of now, wala pa kaming suspect."

Pinanlamigan si Czarina. Alam niyang hindi nagsasabi nang totoo si Rorik. They both know na iisang tao lang ang may motibong gumawa no'n sa eskwelahan. Ang senador o mga magulang ni Daiyu Lee!

"Senator Lee bombed my school?" napapantastikuhang tanong ni Rory sa ina. Namimilog pa ang mga mata nito.

"Let's not speculate, anak. Maraming halang ang kaluluwa sa paligid. Baka may ibang dahilan kung bakit nangyari iyon at naisip lamang nila na magandang timing ito dahil ang senador ang mapagbi-bintangan. Sila lang kasi ang may motibo sa ngayon."

Pinangunutan ng noo si Rory. Halatang hindi siya naintindihan, pero hindi na rin ito nagtanong. Pinagpatuloy lang ang panonood kay Rorik sa TV. Mayamaya ay napangiti ito.

"Papa really looks good on TV, Mama," tila proud pa nitong sabi sabay lingon sa kanya.

Papa.

It was the first time she called Rorik 'Papa'.

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon