CHAPTER FIFTEEN

3.9K 162 16
                                    

Pinangunutan ng noo si Czarina nang mabasa ang text ng principal nila Rory. Nag-withdraw daw kasi ng suporta ang benefactor ng anak kung kaya kinailangan nilang magbayad ng full tuition at retroactive daw iyon simula sa unang araw ng pasukan. Dahil nasa isang pribadong paaralan si Rory, umaabot ng kinse mil pesos ang tuition nito kada buwan, kasama na roon ang miscellaneous fees. Dati, sa tulong ng benefactor ng bata, nagbabayad lamang sila ng two thousand and five hundred pesos.

"Ano'ng problema? Bakit sambakol ang mukha mo?" tanong ni Emily sabay lapag ng tray ng lunch nito sa harapan ng mesa niya sa canteen ng building nila.

Nilapag ni Czarina ang cell phone sa mesa sabay hilot sa sentido. Nawalan na tuloy siya ng ganang kumain ng binili niyang carbonara.

Sinilip ni Emily ang nasa cell phone niya, subalit wala na itong nakita gawa ng naisara na niya ang text message na natanggap.

"Dinig ko successful ang first issue natin, ah. Nakuha natin ang target number of sales. Tingin ko naman hindi tungkol sa trabaho ang pinoproblema mo. Am I right?"

Umiling si Czarina at napatukod ng siko sa mesa saka hinimlay ang ulo sa kamay.

"Ano ba? Kaharap mo ang pagkain. You are not supposed to do that. Tell me. Pinapahirapan ka na naman ba ng matandang iyon? Aba, wala na siyang pakialam dapat sa iyo. Kung tutuusin magka-level na ang estado n'yo sa kompanya ngayon." Na ang tinutukoy nito ay si Ed Santos.

"Hindi naman si Sir Ed ang pinoproblema ko, eh. Ang principal nila Rory, nag-text."

No'n lang natigil sa pagsubo si Emily.

"Binu-bully pa rin ng apo ng senador si Rory? Aba, Czarina, oras na siguro para gawan mo ito ng aksyong legal. Magtanong tayo sa Public Attorney's Office kung ano ang pwede nating ikaso sa mga magulang ng batang iyon."

"It's not about that. Naayos na ang problema sa bullying. Ang binalita sa akin kanina, umatras na raw ang benefactor ni Rory."

"Hala! Paano iyan? Ang mahal pa naman ng tuition ng bata. Kung may maitutulong nga lamang ako---teka. Hindi ba't nagkaroon ng football scholarship si Rory noong isang araw?"

"Hindi natuloy iyon. Kakilala ng senador ang founder ng foundation na siyang mag-o-offer sana. Nasabihan yata na kaaway ng apo ang pagbibigyan nila ng scholarship."

"Napakawalang kwenta ng senador na iyon, ah."

"Ms. Garza?"

Napalingon sila pareho ni Emily sa bagong dating. Pinakatitigan niya ang guwapong lalaking nakatayo na sa tabi ng kanilang mesa. Pamilyar ang kanyang mukha.

"That's me po, sir. Do I know you?"

Tumawa nang mahina ang lalaki. Kinilig si Emily pati na ang lahat ng kababaihang nandoon sa canteen nang araw na iyon. At inggit na inggit sila kay Czarina.

"I'm KD. I was told I would find you here."

KD...KD...Shit! Si KD-11 Barrientos!

"Oh, sir! I'm so sorry K---Mr. Barrientos!"

Pagkarinig ni Emily na iyon ang iinterbyuhin nila ni Mrs. Damiles sa susunod na Biyernes, napanganga ito at pinagpawisan. Hindi na maikakaila ang kilig ng matanda. Pabiro itong sinimangutan ni Czarina.

"Oh, please, don't-sir me, Ms. Garza. Or shall I call you, Czarina?"

**********

Napangiti si Rorik nang matanggap ang text ng principal ng eskwelahan. Natanggal na raw nila sa listahan ng recipient ng partial subsidy sa tuition ang pangalan ng anak ni Czarina. H'wag din daw siyang mag-alala dahil nasabi na sa ina ng bata ang ganoong balita.

BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon