"Mama, the school principal was kind to me again today," salubong sa kanya ni Rory pagkauwi niya ng bahay nang hapong iyon. Nagbida pa ito at sinabing pati raw ang guidance counselor ay may mahigpit na bilin na hindi siya pagalitan o kung anupaman ng kanyang mga guro.
Natigilan si Czarina. She knew it must be because of Rorik. Kinabahan siya. Inusisa niya agad si Rory kung bumalik pa sa eskwelahan nila ang lalaki.
"Who? The kind gentleman? No. Why?" At sinipat ng bata ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Nang umiling lang siya rito, sinundan siya hanggang sa kanilang shared bedroom at nagtanong pa ito kung kilala niya ang taong nagmalasakit daw dito noong nakaraan.
"No," kaila niya habang naghuhubad ng stockings.
"Why was he kind to me---to us, Mama?"
"I do not know. Sometimes, strangers are," kunwari'y kaswal na sagot niya habang nagtatanggal ng earrings, pero sa loob-loob niya'y inaatake na siya ng takot at kaba.
Matalino ang kanyang anak. Baka ma-figure out nito sa bandang huli na ama nga niya ang nagmagandang-loob na ipagtanggol siya laban sa mabangis na senador. Kapag dumating ang araw na iyon, siguradong magugulo ang kanyang buhay. Natitiyak niya kasing mag-assert ng karapatan niya si Rorik. At sa estado nito ngayon, hindi malayong mangyari na makukuha nga nito ang kanyang unica hija.
Nilingon bigla ni Czarina ang anak at hinawakan sa magkabilang balikat. Halos magkapantay na ang kanilang mga mata gayong siyam na taong gulang pa lamang ito. She held her gaze. All of a sudden she felt sentimental. Lalo pa nang maalala niya ang naging dahilan kung bakit ito nabuo.
Nayakap ni Czarina nang mahigpit na mahigpit ang anak. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata. Kaagad niyang pinahiran ito bago pa man bitawan si Rory.
"What's wrong, Mama? You're being weird today, just like my teachers and the principal in school." At lumabas na ito ng kanilang silid bago pa niya masagot ang tanong.
**********
Nagulat si Rorik sa bagong impormasyong nakalap ng kanyang detective. Isang buwan lang daw pala ang itinagal ni Czarina sa Japan dahil bigla itong napauwi agad. Ayon sa sinabing rason ng dati raw nitong nakasama sa apartment sa Osaka, nagkasakit daw ito kung kaya inayawan ng club na pinagdalhan sa kanya.
"What disease?" tanong agad ni Rorik sa detective nang mabasa ang parteng iyon ng report.
"It was not revealed, sir. The roommate did not know as well. But according to some of the people who helped her go to Japan, it was just something mild. However, the Japanese employer did not like it so she was sent home."
Inasiman ni Rorik ng mukha ang lalaki. Kaya nga siya nagbayad ng mahal sa isang detective ay para masagot ang lahat niyang katanungan. Gumawa ng report, kulang-kulang naman. Nairita siya rito at hindi niya ikinubli iyon.
"Sorry, boss, sir."
"Did she really get married with a Japanese guy in Japan as what you told me last week?"
"Umm, I think, y-yes sir."
"I think?" Dumagundong ang kanyang boses. Nanginig ang mga kamay ng detective nang damputin ang nilapag nitong report sa kanyang mesa.
"Y-yes, sir. She didn't marry the guy. I mean, she married the guy."
Nahilot ni Rorik ang sentido sa inis. Kung hindi siya magpipigil mabubulyawan niya itong detective na ito. Hindi niya sukat-akalain na walang kasiguraduhan ang sinumite nitong report sa kanya.
"The next time you come back here, make sure you are sure of your report." Mahinahon na ang tinig ni Rorik pero hindi maikakaila ang galit. "Please leave now."
BINABASA MO ANG
BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]
ChickLitBatid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang matutuwa? Hindi niya naipaglaban sa matapobre niyang ama ang dating kasintahan. Ngayon, bumaliktad na...