"Ang daming nagtataka kung bakit bigla kang pinromote ni Sir Ed," sabi kay Czarina ni Emily nang mag-lunch sila together sa cafeteria sa ground floor ng building isang araw.
"Kahit ako man ay nagtataka rin," natatawang sang-ayon ni Czarina. Hindi niya nakita ang makahulugang sulyap sa kanya ng kaibigan dahil busy siya sa kaka-unpack ng baon. Napatingin lamang siya sa kaharap nang bigla itong natahimik pagkasabi niyon. "Bakit, Ems?" nagtatakang tanong niya. Nang ma-realize ang pinupuntirya ng kaibigan, nanlaki ang mga mata niya. "NO! Of course not! Tingin mo papatulan ko ang matandang iyon?! No way!"
Napahinga nang maluwag ang matandang babae at napangiti na rin ito.
"That's what I said to the perpetuators of the grapevine."
"Sino mga iyan? Sila Luisa at Diva ba? Hindi na nila ako tinatantanan."
"And Wynona. Alam mo naman ang tatlong iyon. Siyempre, Luisa and Diva want the job to be given to their good friend, Wynona. Alam mo kasi---," at nagpalinga-linga muna ito sa paligid bago siya binulungan, "nangako raw ang bruhang Wynona na iyon na ipo-promote ang dalawa bilang editors ng kani-kanilang department sakaling napunta sa kanya ang posisyon ni Katie. Ang kaso, sa iyo pala binigay."
Napabungisngis si Czarina. Nai-imagine na niya ang panggagalaiti ng tatlo.
"Aren't you wondering why as well, little sis? Kasi hindi naman lingid sa lahat maging sa iyo na pinanggigilan ka na ni Sir Ed matapos ang sunud-sunod na pag-back out mo sa iyong assignments. Doon pa lang sa Basilan kidnap-for-ransom story na inayawan mo, imbyerna na si Tanda roon. Idagdag pa ang serialized interview project with the dashing and very successful architect con businessman na si Architect Rorik Rojas. Sagad hanggang buto ang galit ni Sir Ed sa iyo noong malaman niyang hindi ka natuloy sa scheduled interview mo sa lalaking iyon. But then, despite all these pinromote ka pa after ng pagsisante sa iyo publicly?!"
Natigilan din si Czarina. Iyon ang ilang araw na niyang iniisip. Bakit kaya? These past few days, abala lang siya sa problema ni Rory sa school kung kaya hindi niya masyadong inisip ang dahilan.
"Whatever the reason is, I'm glad that you're back my friend," sabi na lang ni Emily kapagkuwan. Pinagkiskis nila ang hawak-hawak nilang lata ng coke sabay sabi ng, "To prosperous days ahead! Cheers!" sabay pa nilang banggit at nagbungisngisan na.
**********
Hindi nagustuhan ni Rorik ang panibagong report ng kanyang detective ukol kay Czarina. Ayon dito, nagtrabaho raw bilang entertainer sa Japan noon ang dating nobya nang mapalayas ng mga magulang sa Bataan. Hindi malinaw ang dahilan ng galit ng parents nito. Ang pagkakaalam kasi sa kanilang lugar, sinunod lahat ni Czarina ang kondisyon ng mama't papa niya. She broke up with him, aborted the baby, and agreed to marry the mayor's son. Iyon nga lang, napurnada ang huli. Napag-alaman daw kasi ni Don Gustavo na baon sa utang ang alkalde at ang pamilya nito gawa ng pagkakahumaling sa sabong.
Walang pakialam sa lahat ng impormasyong natanggap tungkol kay Czarina si Rorik pwera na lang doon sa pagkakapunta ng dating nobya sa Japan para maging entertainer at later on ay pagkakaasawa nito sa isang miyembro ng yakuza. Nainsulto siya masyado.
"Bakit, Czarina? Mas okay ba ang mababoy ka ng ibang lahi kaysa mapunta sa akin?"
Napukpok ni Rorik ang wooden desk sa sobrang galit. Nagulat tuloy ang kararating lang na si Mrs. Pernis. Nag-atubili tuloy itong tumuluy-tuloy sa loob kahit na pinatawag niya ito kanina pa.
"Come in, Mrs. Pernis."
"P-pwede akong bumalik later on, sir. I can leave you alone for a while if that's what---"
"I said, come in!"
Naisara ni Mrs. Pernis nang malakas ang pintuan sa sobrang gulat sa lakas ng kanyang boses.
BINABASA MO ANG
BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]
Literatura KobiecaBatid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang matutuwa? Hindi niya naipaglaban sa matapobre niyang ama ang dating kasintahan. Ngayon, bumaliktad na...