Saved by the bell, 'ika nga. Hindi natuloy ang pagtatalo nila ni Rorik dahil biglang dumating ang may-ari ng Philippine National Reports at hinanap agad nito ang kanyang dating nobyo upang pasalamatan sa generous support nito sa kanilang pahayagan. Tuluyan nang nailayo ito sa kanya nang magsimula ang maikling programa. Pinagkaguluhan na kasi ito ng mga guests kabilang na ang mga local celebrities na dumalo sa pagtitipon.
Mga gold digger!
Mula kasi nang ipakilala ng emcee ng programa na isa sa mga batang bilyonaryo ng Pilipinas si Rorik, hindi na ito tinantanan ng mga kababaihan at mga bading na bisita. Hindi rin naging immune sa charisma nito ang mga bisitang artista, matanda man o bata.
"I think I need to go ahead of you, guys," pamamaalam niya sa kanilang editor-in-chief at sa news editor nang makasalubong ang mga ito on her way out of the restroom. "Wala kasing kasama sa apartment namin ang anak ko at kalilipat lang po namin."
"It's all right, Czarina. Ingat ka," anang news editor.
"Teka. Hindi pa kita naipapakilala kay Mr. Bernardo, ang may-ari ng newspaper natin," sagot naman ng editor-in-chief. Hindi na ito tumuloy sa pagpunta sa CR. Sinabayan siya nito papunta sa gitna ng silid kung saan ang mesang kinauupuan ng may-ari.
Gusto sanang magprotesta rito ni Czarina dahil ayaw na niyang makaharap pa ang dating nobyo. Alam niya kasing magka-table lang ang dalawa. Ganoon na lamang ang paghinga niya nang maluwag nang makitang nakikipag-selfie si Rorik kasama ang mga bago nitong fans. Walang kasama si Mr. Bernardo sa mesa kundi ang maybahay nito't isa pang businessman na nagpalathala rin ng patalastas sa kanilang pahayagan.
"Oh, you're Ms. Garza! It's nice to meet you at last. Thank you for improving the content of our paper. I heard good reviews about your articles."
Nakipagkamay din sa kanya ang maybahay nito sabay pahayag na kasama raw ito sa mga tagahanga niya. "Keep good articles coming," dugtong pa ng babae.
By the time na natapos na sa pakikipagkamay at kuhanan ng larawan si Rorik kasama ang mga bagong tagahanga, nasa exit door na si Czarina. Bago pa siya malingunan ng dating nobyo dali-dali na siyang naglakad patungo sa naghihintay na taxi.
Hindi pa siya nakalalayo nang tuluyan, nag-ring ang phone niya. Hindi niya ito sinagot nang mapag-alaman na galing kay Rorik. Mayamaya pa'y nakatanggap siya ng text message mula rito. Hinahanap siya nito. Hindi na niya ito sinagot pa.
**********
Aminado si Rorik na he was beaming with pride nang marinig ang papuri na binigay ng may-ari sa bagong lay-out ng Philippine National Reports. Nagustuhan din daw nito ang mga bagong artikulo na isinulat ni Czarina.
Nabasa rin niya ang recent copies ng naturang pahayagan at sumasang-ayon siya sa komento ng may-ari. Napansin din niyang nag-level up ang writing style ng dating nobya. Nanghinayang nga siya't hindi na ito parte ng Philippine News Inc. Nag-backfire ang ginawa niyang paninikis dito. Gusto lamang sana niya itong inisin dahil sa ginagawa nitong pakikipagmabutihan sa Australian footballer kaso hindi lumaban si Czarina sa paraang inaasahan niya.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. He meant to talk to Czarina about their daughter, Rory. Nasaan na kaya iyon? Hindi na siya nakatiis. Tinanong niya ang editor-in-chief.
"We have been raving about your new assistant editor-in-chief but where is she now?" kunwari'y interesado lamang siya rito professionally. "Since Mr. Bernardo here is so fond of her work, I am wondering if she can write something for us---for my company. I have been thinking about relaunching our website and I am looking for a freelance writer to write about our projects."
Namilog ang mga mata ng editor-in-chief pagkarinig sa huli niyang sinabi.
"Indeed, our Czarina can do that for you, Architect Rojas. She has a knack for writing great stories," sang-ayon ng babae pero hindi sinagot ang mahalaga niyang tanong. Dinugtong lang naman niya ang tungkol sa paghahanap ng writer para sa website nila para magmukhang business-related ang paghahanap niya sa dating nobya. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi muna ito hinintay na sumagot doon sa unang tanong niya.
BINABASA MO ANG
BAKAS NG KAHAPON [COMPLETED]
ChickLitBatid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang matutuwa? Hindi niya naipaglaban sa matapobre niyang ama ang dating kasintahan. Ngayon, bumaliktad na...