4.

2.1K 53 0
                                    

Fate.


Agad akong tumalikod sa waiter para harapin ang lalaking bastos, walang modong nagpa-iyak sa ate ko!


Halos malaglag ang panga ko... Shit! Gwapo pala 'te... worth it ang iyak ni ate... Shit! Manloloko to. Kaya nga naloko niya si ate eh, Pwes hindi ako magpapatalo sakanya!


"So pulis ka pala?!" seryosong sabi niya sabay tingin sa may kaliwang bahagi ng uniporme ko.

"Captain Cortes." Basa niya.

"Oo. Ako nga! Ako nga ang kapatid ng binuntis mo!" matigas na saad ko dito.


Sasagot na sana ang lalaki ng makita niyang nagtinginan ang mga empleyadong na roon.

"BACK TO WORK!" singhal nito.


Wow... kung makasigaw akala mo siya ang may ari?!

"Excuse me po Sir Dominque... Babalik na po ako sa kitchen." Saad ng waiter.


What did he said? Sir Dominque?! NO! Hindi ako pwedeng magkamali!

Akmang magsasalita sana ako ng...


"Follow me... huwag kang mag e-eskandalo sa restaurant ko!" sabay talikod nito sa akin.


Ano daw restaurant niya? May ari siya dito, Bakit Dominique ang name niya akala ko Jayson... Baka Jason Dominique or Dominique Jason. Ah! Basta! Shit...


" So Ano? Tatayo kalang diyan?!" Saad nito, nasa sulok na bahagi kami ng restaurant.


"Ahhh... Basta kailangan mong panagutan ang ate Destiny ko!" taas noo kong saad sakanya.


"What? Destiny? Anong Destiny ang pinagsasabi mo. Excuse me lang ha.. wala akong kilalang Destiny. Ang cheap naman ng pangalan na yan!" singhal niya sa akin.


Sa sinabi nito. Biglang nag init ang dugo ko at lumampas sa ulo ko, hindi ako nagdalawang isip na kwelyuhan siya sa bigat niya at tangkad pwersa ko siyang napatayo gamit ang lakas ko na hawak hawak ang kwelyo ng polo niya. Halata sa mata niya ang takot.


I smirked.


"Huwag na huwag mong matawag na Cheap ang ate ko, baka gusto mong barilin kita rito." Pabulong na saad ko.

"Te-teka... teka lang..." kabadong saad nito.


"FATE! ANO BA YANG GINAGAWA MO! TIGILAN MO NGA YAN! ANO KABA?!" pigil ni ate sa akin at may dumating pa na dalawang waiter.


"Tama lang yan sa gagong Jason na yan!" Singhal ko dito.

"JASON?!!!" sabay saad ni Jason at ni Ate.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon