18.

1.6K 49 7
                                    

FATE.

Gamit ang isang kamay ay kinapa ko sa jeans ang wallet ko nakalagay doon ang tsapa at pulis ID ko, paminsan minsan lang to. kahit naka green light ay  hindi ako humihinto, Nag pito at akmang pipigilan ako ng kapwa ko pulis na naka duty doon pero ng makita nilang ako ay tumatango lang ang mga ito at sumasaludo. Good.


29 minutes nandito na ako sa harap VAI (Vergara Automotive Inc.)  at nakatayo narin sa labas ang gwapo kong Boss. Ang sama makatingin.


"Hoy hindi ako late!" pa simula ko pa.

Nilagpasan na naman ako at agad pumasok sa kotse.


"Meron ka ba?" Tanong ko dito.

"What?" kunot noong tanong niya.



"Ang sungit mo kasi, may extra ako dito baka matagusan ka?!" pagpapatawa ko— which is natawa ako, pero ng tingnan ko ulit siya ay naka poker face lang ito. OKAY!


"Saan ba date niyo? Oh! Lanta na ang flowers mo!" sabay abot ko sa flowers dito.


"Diyan lang yan, nandiyan naman ang may ari..." saad pa nito at ngumiti. Yung totoo? May sayad ata talaga tong si Dominique minsan ang hirap espilingin!


"Ewan ko sayo! Hindi ka sana siputin ng ka date mo!" singhal ko dito.

Pinigil nitong ngumiti sa pamamagitan ng pagkagat nito sakanyang labi. Feeling cute!


"Akala ko nga eh, pero dumating siya." Saad pa nito. Anong Pake ko!? Mabilaukan sana kayo!


"So saan tayo, Bilis!" seryosong saad ko.


" Sa The First Class Cuisine" simpleng saad nito, at may tinawagan.

Binilisan ko ang pag mamaneho. Wala kaming kibuan sa kotse, and besides may kausap rin naman siya sa phone, baka importante.


After 20 minutes , nakarating na kami sa sinasabi nitong 'The First Class Cuisine' sinuri ko ang lugar, maganda at kagaya ng pangalan nito obvious na mamahalin. Well, Mayaman naman 'to.


"Area is Clear. Pwede ka nang bumaba" agad kung pinagbuksan siya ng pinto.


Naglakad na ito papunta sa nasabing restaurant ng bigla itong bumalik, napakunot ang noo ko.


"What? Alangan namang sasama pa ako sa date ninyo diba?" saad ko.


Bigla niyang binuksan ang front seat at kinuha ang bouquet at binigay sa akin.

"Read it."


"tsk." Sabay hablot ko dito.

'Be my date, I don't accept NO for an aswer.

 DOM.'

Yan ang nakasulat.

"Tapos? ako pa bang magbibigay sa ka date mo? Sobra naman ata yan, Body guard muna nga ako at driver huwag naman pati—-"


"Para sayo yan. Your my date, Fate." Seryosong saad nito. Napatanga ako. Wait... Ako? Sandali Loading muna...


"April Foals day ba ngayon?" tanong ko dito. May na kaya....


"WHAT?"


"You know what Sir Dominique, sabihin mulang sa akin na hindi ka sisiputin ng ka date  mo, hindi yung gagawa ka pa ng storya!" ayokong umasa, Oo gwapo siya, actually lahat lahat ng katangiang magugustuhan ng babae nasa kanya, pero hindi ako karapat dapat sa kanya. ALAM NA ALAM KO 'YUN.


"Sinong may sabi sayong may iba akong ka date Fate, IKAW ang ka date ko  at wala ng iba, and besides nag paalam na ako sa ate mo naliligawan kita!" Saad pa nito. Hinila ko ang kwelyo ng polo niya. Halos magkapalapit na an mukha namin sa ginawa ko.


Wrong Move ata... Haist!


"Look, Mr. Vergara! Wala akong panahon sa larong ito! Kaya itigil muna 'to! Baka nakakalimutan mong pulis ako!"sana hindi niya mahalata ang kabug ng dibdib ko.


"Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa akin Captain Cortes, makuha kulang ang matamis mong Oo!" sabay kindat at nginitian pa ako nang mukong.


Shit... 

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon