30.

1.3K 46 5
                                    

FATE.

 

Nakita ko siyang naka lubog sa tubig pero hindi gumagalaw!

BALIW BA SIYA!?!

Agad akong tumalon sa infinity pool at mabilis ko siyang hinila pa itaas ng tubig, sa bigat niya ay nahirapan akong i-ahon siya. Whooo! Buti  nalang talaga at sanay akong magbuhat ng mabibigat na bagay.

Agad ko siyang pinahiga sa gilid ng pool na gawa na semento at tinapik tapik ang mukha.

"Hoy! Dominique... Hoy!" sabay tapik tapik ko. Pero wala parin.

Hay... kailangan ko ba siyang e- CPR?

"Haay... ano kaba naman Fate! Kailangan pa bang itanong yan?" Saad ko sa aking sarili. Kinakabahan ako.

He's half naked—tanging boxer shorts lang ang suot niya! Naku Fate...

Napalunok ako at sinimulan ko ng gawin ang CPR,  First. Chest Compression, Pero wala parin... Napatingin ako sa mapupulang labi niya? Oh! God... Napalunok na naman ako, kailangang gawin ko ito. Hinawakan ang magkabilang pisngi niya. 

Second. Mouth to mouth breathing.

Agad ko nilapat ang labi namin para bigyan siya ng hangin sa loob.

1.2.3.

Akmang paghihiwalayin ko na magkatapat naming labi ng bigla niyang ginalaw ang labi niya. Nagulat ako! Parang nanigas ang katawan ko. Shit! Agad niyang ginamit ang kanang kamay niya para hawakan ang likod ng ulo ko, para hindi ko mapaghiwalay ang labi namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Narinig kaya niya?

 

Shit... First Kiss ko!

May gumuhit na ngiti sa mga labi niya sa pagitan ng paghalik niya sa akin.

So.... Hindi pala totoong nawalan siya ng malay?! Niluko niya ako?!

Agad ko siyang tinulak at tumayo na.

Nagulat pa siya at ngumiti!

"So! Hindi pala totoong nalulunod ka?! Manloloko ka talaga Dominique!" singhal ko dito.  Alam ba niyang natakot ako kanina?!

Umupo ito na hawak hawak ang labi niya na nakangiti parin.

Ano bang trip niya.

"Akala ko panaginip lang." saad pa nito na nakatingin sa akin.

"Ewan ko sayo Vergara, namumuro kana talaga!"

 

Akmang aalis na ako ng bigla niyang akong hilahin papunta sakanya. Napa upo ako sa kandungan niya.

"Please stay here. Stay with me, be mine for the rest of my life, Fate. Ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang." seryosong saad nito at hinawakan habang hawak hawak ang pisngi ko.

Napalunok ako sa sinabi niya at nakakabingi sa lakas ng kabog ang puso ko.

Bakit mo ba ako ginaganito Dominque Vergara?

Bakit nagagawa mong pa amuhin ang puso ko?

Naramdaman ko nalang na naglapat na naman ang mga labi namin at tinugon ko na ang halik niya.

Napangiti na naman siya.

"I know this is you first kiss, at sisiguraduhin kong ako lang ang makakahalik sa nakaka addict mong labi. AKIN LANG ITO. "

Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin sa mga oras na ito, basta ang alam ko gusto ko ang halik niya at gusto ko siya.

Gustong gusto.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon