48.

1.2K 26 4
                                    

Simula pa kanina sa restaurant ay tahimik na si Dominique. At alam ni Fate kung bakit, pero hindi naman niya kayang pabayaan nalang ang sitwasyon kanina. Huminga nalang siya ng malalim habang tinitingnan ang boyfriend na nakatingin lang sa labas ng bintana ng sasakyan.

Alam niyang galit ito sa ginawa niya pero hindi siya nanghihinayang kasama iyon sa trabaho niya. Buti nalang talaga at hindi nagalit ang lolo nito at nauunawaan siya nito.

'Buti pa ang lolo niya! Kainis!' Saad niya sa sarili. Napipikon na siya. Huminga siya ng malalim.

'Kumalma ka Fate. May kasalanan karin. Mag sorry ka!' Anas niya sa sarili.

Nanatiling nakatingin sa malayo ang lalaki ng bigla niyang hinawakan ang kamay nito at pinagsakop niya ito. At nilagay niya ang isang kamay sa tagiliran nito sanhi para mayakap niya ito.

Sa totoo lang nagulat si Dominique sa ginawa nito ngayon lang ito ginawa ng babae at aminin niyang parang mas naging triple ang bilis ng tibok ng puso niya. Kaninang inis ay natabunan ito ng saya at 'yes! Inaamin niyang kinikilig siya!

Napatingin siya sa girlfriend na parang batang maamo ang mukha.

"Hubby... Sorry na, please?" Maamong saad pa nito.

Napalunok siya.

Napapangiti si Fate sa isip niya patatawarin na siya ng lalaki.

Habang si Dominique naman ay pinipigilan ang sariling agad bumigay sa simpleng suyo nito. Ito ang kinaiinisan niya! Mabilis siyang nag iiba basta ang babae na ang kaharap! Parang kontrolado siya nito! Ibang klase talaga! Pero sa puntong ito dapat turuan niya ng leksyon ang babae!

'Kalma lang Dom! Magalit ka!' Saad nito sa sarili pinilit niyang ibaling sa daan ang tingin niya. Napapikit siya ng hinalik-halikan ng babae ang kamay niya!

'Oh! God! Ano bang ginawa ni Fate sakanya!' Sa isip niya

"Sorry na hubby???? Akala ko ba mahal mo ko. Bakit kaya mong tiisin na hindi tayo bati?" Parang batang saad pa nito.

Napatingin siya dito parang nanlambot ang puso niya. He sighed.
Ayaw na ayaw niyang nasasaktan at nahihirapan ito. Pero masisisi ba siya nito?! Sobrang galit niya kanina nakulang nalang ay ipasara nito ang nasabing restaurant sa kapalpakang ginawa nito.

Naiinis siya sa sarili niya! At lalong naiinis siya sa tatlong lalaki na kulang nalang ay hubaran si Fate sa pagkakatingin nito. Ayaw niyang may ibang taong titingin dito! Maski si Dominique ay naninibago sa sarili niya! Sa sobrang pagmamahal niya kay Fate ay natatakot siyang mawala ito sa paningin niya at lalong natatakot siya sa trabaho nito.

"Hubby...?"

Napatingin siya dito.

"Fine. Okay! Hindi ako galit sayo. Okay! Naiinis lang ako sa ginawa mo kanina! Naiinis ako habang nakikita kong halos lumuwa na ang mata ng tatlong bwisit na lalaking yung na kulang huburan ka sa pagkakatitig sayo! I hate it! I hate it to the point na gusto ko silang puntahan at basagin ang mukha! Ayokong nakikitang seksi sa mata ng iba! god! What should I do?!! Kaya pwede ba wifey... Huwag mo ulit gawin yun okay. Ayokong magsasalita ka ng ganoon sa iba. Basta! Gusto ko sa akin mulang sabihin yun! At gusto ko ako lang ang may karapatang hawakan ka. Hindi ako galit okay. Basta ayoko lang na may aagaw sa alam kung AKIN." Naiinis na sabi ni Dominique hindi na niya napigilan ang nasa loob niya.

Napanganga lang si Fate sa sinabi ng boyfriend. Naramdaman niyang sobrang mahal siya nito at sobrang saya niya! Niyakap niya ito at mabilis na hinalikan sa labi.

"Sobrang saya ko alam mo ba yun. Kasi sobrang mahal ako ng boyfriend ko. Hubby trabaho lang yun. Para sayo lang ako at IKAW! AKIN kalang! Okay?!" Matigas na saad niya. At kumindat pa!

Napailing nalang at ngumiti si Dominique sabay halik sa labi nito.

"Opo Boss!"

"Good." Saad ni Fate at tinugon ang halik niya.

Tinigil ng driver ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Fate. Napangisi pa ang dalawa. Ngayon lang nila naaalala na may iba pala silang kasama sa kotse.

Magkahawak kamay silang naglakad papunta sa pinto ng bahay ni Fate.

"Kainis wifey, ngayon palang na mimiss na kita."

Natawa nalang ang babae. "Gusto mong pumasok muna?" Tanong niya dito.

"Pwede bang diyan nalang ako matulog? Kahit sa ibang kwarto nalang basta alam kung nasa isang bubong tayo masaya na ako doon. Please wifey???" Pagsusumamo ni Dominique dito. Napalunok si Fate.

Paano yan? May dalawang kwarto lang sila. Tig iisang kwarto sila ng ate Destiny niya! Alangan namang mag tabi sila.

Magsasalita na sana siya para sabihing HINDI PWEDE. Pero biglang bumukas ang pinto. Napalingon silang Dalawa.

Napakunot ang noo niya. Si Jayson at ang ate Destiny niya na abot langit yata ang ngiti nito.

"Hoy anong ginagawa mo dito? Sinong may sabi sayong pumasok ka sa pamamahay ko! Umuwi ka na!" Matigas na saad niya dito.

Natakot si Jayson at yumuko lang.

"Fate naman.... Okay na kami diba? Kanina kasi biglang sumakit ang tiyan ko kaya tinawagan ko siya---"

"Ano? Bat hindi mo ako tinawagan!" Pag-alala niya sabay hawak sa tiyan nito. "Okay ka na ba te? Okay lang ba ang pamangkin ko?" Paninigurong tanong niya.

"Okay lang. Ano kaba. Ayoko kong masira ang dinner date ninyo. So ano okay ba?" Tanong nito.

Nagkatinginan lang ang dalawa. Hindi nalang sumagot. Baka mabulyawan pa siya ng ate niya.

"Ay narinig na gusto mong dito matulog Dominique?! Nako! Malaki ang kwarto ni Fate! At nilinis ko na yun!" Masayang saad ni Destiny.

"ATE!!! NAMAN!!!!" Hindi makapaniwalang saas ni Fate! Ni sa tanang buhay hindi pa siya nakaranas na may katabing Lalaki sa kwarto! Nakita niya pang palihim na nag uusap ang ate niya at si Dominique!
At nag ngingitian pa ang mga ito!

Magkasabwat talaga!

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon