43.

1.3K 31 7
                                    

"Ano?!!" Gulat na saad ni Fate at biglang nag prino ng sasakyan. Halos madikit na si Dominique harap ng sasakyan!

"God! Wifey are you trying to kill me?" Gulat na saad nito dito.

"Eh! Bakit kasi hindi ka papasok?! Tapos e-ka cancel mo pa ang meeting mo? Akala ko ba importanteng investors yan?" Naguguluhang tanong nito dito. Papunta na kasi sana sila sa opisina nito ng bigla itong nagsalita na hindi na ito papasok.

"God! Ang sabi ko... Pina re-sched kulang sa secretary ko ang meeting ngayon. At mas may importante akong lakad ngayon." Mahinahong saad nito at akmang bubuksan ang pinto ng kotse para lumabas. Agad itong pinigilan ng babae.

"We-wait! Oh! Saan ka na naman pupunta?" Nagtataka na ang babae sa mga kilos ng boyfriend nito.

"Ako na ang mag da-drive." Simpleng tugon nito at agad na lumabas ng kotse. Pinagbuksan siya nito.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ng babae.

"Let's have a date."

"Date? Tsk. Huwag na. Pwede namang mamaya nalang after sa meeting mo or sa pag-uwi nalang natin." Walang ganang tugon ng babae. Hindi naman sa ayaw niya pero natatakot kasi siyang ibigay lahat ng attention sa lalaki dahil sa totoo lang na pansin niyang nag iba na siya ngayon at napansin narin ito ng mga katrabaho niyang pulis pati ng kaibigang Inspector.

"Wifey, bakit parang ang aloof mo sa akin this past few days?" Tanong nito sa kasintahan.

"Yan kana naman. Sige na nga! Ikaw ng magmaneho. Gawin na natin ang gusto mo! Hay... Ang drama talaga ng boyfriend ko!" Sabay kurot niya sa pisngi nito. At tumayo na.

"Outch! Why you always do that to me, hindi ka naman buntis ah!" Naguguluhang tanong nito ng maka upo na ang kasintahan sa tabi.

"Bakit masama na bang maglambing sayo?" Nakasimangot na tanong ni Fate. See, pagkasama niya ang lalaki biglang nagiiba ang pagkatao niya!

Natawa nalang si Dominique sa asta ng girlfriend, hindi parin niya lubos maisip na ang dating iniidolo o hinahangaan niyang babae na isang astig na police ay GIRLFRIEND na niya ngayon. Natutuwa nga siya na nakikita niya rin ang ibang side nito.

Pero mas natatakot siya sa kapakanan nito. Sobrang determinado itong magtrabaho. Simula ng mahuli nito si Eugene Perez ay gusto niya itong kausapin, total nabigyan na ng hustiya ang pagkamatay ng parents nito ay gusto na sana niyang patigilan ang girlfriend sa pagpu-pulis nito. Simula ng makita niya ito kung paano lumaban sa kriminal eh! Mas natakot na siya kung ano pang kaya nitong gawin para mahuli lang ang mga masasamang loob.

At sa lahat ng ayaw niya--- pagmaraming umaaligid na humahanga dito! Hindi siya seloso, DATI.

"So saan tayo Dominique?" Tanong ni Fate. Napakunot-noo na naman si Dominque.

"Teka nga wifey. Baka ba Dominique lang ang tawag mo sa akin?"

"Eh. Ano bang gusto mo?"

"Dapat may call of endearment tayo. I always keep on calling you wifey... Then you will just call me Dom or Dominique???" May halong inis na anas niya dito.

"What's wrong with that? Ay! Kita muna na pa english na tuloy ako sayo. Eh! Sa yun na ang nakasanayan ko eh. Parang awkward lang kasi ng may tawagan---"

"Awkward? Huh?!" Hindi maka paniwalang saad ni Dominique dito.

"Hay! Oh! Sige sige... Ano bang gusto mong itawag ko sayo? Para tumigil ka na?" Inis na saad niya dito. Totoo lang naman kasing nahihiya siya eh, lalo na't maraming makakarinig. Hindi siya sanay.

"Since ang tawag ko sayo ay... Wifey, dahil para sa akin ikaw ang asawa ko. So ang tawag mo sa akin Hubby dahil ako lang ang asawa mo. AKIN KA. At SAYO LANG AKO. okay? Wifey?" Masuyong saad nito sa akin habang hawak niya ang baba ni Fate sanhi para magkatitigan silang dalawa biglang bumilis ang tibok ng puso ni Fate sa sinabi niya! 'Nakakainis ka talaga Dominique!' Tanging anas niya sa sarili.

"Okay." Tanging saad ko. Nagugulihan si Fate sa sarili niya biglang kasing umurong ang dila niya sinabi nito.

"Okay????" Parang naghihintay ang lalaki ng karugtong nito na naiintindihan naman ni Fate ang ibig sabihin ng kasintahan.

"Okay... H---hub-by." Nauutal na saad niya. Biglang ngumisi ang lalaki at masuyo siyang hinalikan sa labi.

"I love you Captain Cortes."

"I love you to Dominique." Biglang kumunot ang noo ng lalaki at humarap sa manibela. Naguguluhang tumingin si Fate dito.

"Ano na naman? May na sabi na naman ba akong mali?" Inis na saad niya.

"You will supposed to call me hubby. Wifey!" Parang batang naiinis ito. Natawa lang si Fate.

"Eh! Hindi mo rin naman ako tinawag na Wifey huh? Sabi mo Captain Cortes!" Eksplenasyon niya.

"Kahit na. Dapat hubby parin ang itawag mo sa akin. Tsk! Ano ba yan ako ang lalaki tapos ako ang mas sweet sayo!" Anas nito.

Natatawa nalang si Fate sa katabing boyfriend pero sa kaibuturan ng puso niya ay sobrang kinikilig siya kahit simpleng tingin nito ay malakas na ang epekto para sakanya. Kaya! Hindi niya hahayaang may makakaagaw dito!

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon