6.

2K 58 1
                                    

DOM.

Galit ako! Sino ba naman ang hindi?! pagkatapos ng nangyari kanina tapos sasabihing -Nagkamali lang sila ng tao? Akala nila ako? What the F*ck that's bullshit!


Pero nang makita kong umiiyak siya, may part ng pagkatao ay parang piniga. Shit! Biglang nawala ang galit ko. Pero hindi ito pwede... Dominique!


Haaayy... bakit ba ang ganda ng hugis ng mukha niya? Bagay din sakanya ang maikling buhok. Astig tingnan. Parang anghel ang amo niya makatingin. Pero sobrang bagsik niya kanina! Tapos kahit naka unipormeng pampulis siya, ang seksi parin niya tingnan! Sh*t ka Dominique. Ano ba itong iniisip ko!?


Pina alis ko muna ang dalawang waiter sa totoo lang pinipigilan ko ang mapangiti sa nakikita ko ngayon, ang dalawang babaeng magkapatid na nasa harap koy sang buntis at isang pulis, umiiyak na nakayoko. Hahaha parang yung scene na pinapagalitang ng ama na takot ma palo! Hahaha.


"Ahem!" agad silang tumingin sa akin, dumako ang tingin ko sa babaeng pulis, Parang bumilis ang tibok ng puso ko ng tingnan niya ako, ibang klase yung tingin niya, yun bang pagmay kasalanan siya sa tingin palang patatawarin muna? Ah! basta yun na yun!


"So... let's make a deal, hindi ko itutuloy ang plano kong ipatatanggal kita sa pagka police mo at sasampahan ng kaso. In one condition." Saad ko.


"Anong condition sir?" saad ni babaeng pulis


"Be my personal body guard and driver for 1 month." Taas noong saad ko.


"What? 1 Month? Loko loko ka ba? Hoy hindi-"

Siniko siya ng ate niyang buntis.


"Ano ka ba Fate! Tanggapin muna, para maging okay na ang lahat. Sige na" saad ng ate niya.


"Eh... Ate paano na yung trabaho ko? 1 Month din yun, paano ako makakasahod paano tayo?" sagot ng babaeng pulis- Fate pala ang name niya.


" Wala kang dapat ika problema sa sahod mo, I'll give you 50,000 pesos cash. Hindi kana lugi don. So ano?" sabat ko. Ewan ko ba... parang ayokong tanggihan niya ang offer ko. Ano ba itong nangyayari sa akin. May dalawa akong Body guard at isang driver sa bahay pero ito lang kasi ang naiisip kong paraan para makasama ko siya.


NO! let me rephrase it, para ma pagbayaran niya ang ginawa niyang pagkakamali sa akin, pero tika parang ako ata nag bayad sa kanya ah? Tsk. Ah! basta pahihirapan ko siya.


"Tanggapin mo nalang kasi. Ang laki na ng 50,000 no! ang besides body guard lang naman at pagiging driver ang trabaho mo ah...sige na Fate." Pagsusumamo ng ate niya.


"Pero ate... "


"FATE... naka nalimutan mong may kasalanan ka sa kanya?!"


"Hay... okay fine! Magpapaalam muna ako sa headquarters."


-----


Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon