16.

1.7K 56 3
                                    

DOM.


Nasa opisina ako ngayon at hindi ako mapakali. Panay tingin ko sa oras, Hay! Excited ako mamaya. Sana magustuhan niya?

Biglang nag ring ang phone ko. Si Lolo!


"Hello Lo!? Kumusta kana diyan?"

"MIK-MIK. APO!" nailayo ko ang phone sa lakas na sigaw ni Lolo, hindi halatang na miss niya ako.


"Lo, huwag muna akong tawaging Mik-mik nakakahiya na..."

"hay! Ano ka ba, paminsan minsan na ngalang kitang maka usap. Anyways Mik-mik! Ano yung nabalitaan ko sa source kung naghiwalay na daw kayo ng apo ng kaibigan kung si Gerardo?!"

"Ah.. si Mitch po, Sorry Lo. Pero ayoko talaga sa Mitch na yun. Sobrang selosa, baka mabaog ako!"


Natawa nalang si lolo sa sinabi ko.


"Lintik na bata ka! Hay, ano pa bang magagawa ko eh, may ka live-in kana daw sa bahay ha?" ganito kami mag usap ni Lolo parang tropa kulang, Salamat at hindi siya nagalit at naghiwalay kami ni Mitch, akala ko itatakwil na niya ako!


"Anong Live-in Lo?"

"Sos... apo, papunta ka palang pabalik na ako! Balita ko seksing pulis daw ito! Buti yan para magtino kana!" saad pa niya. Natawa nalang ako. Ibang klase talaga ang lolo ko, wala kang matatagong secreto. Iba talagang nagagawa ng pera!


" Nako 'lo, Hands up ako dun. Hindi ko nga alam ang gagawin ko 'lo. "

"Hay... iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Tsk! Ano naka score ka na ba?"


"Lolo naman... tumingin ngalang ako ay galit na! yun pa kaya?!" sabay tawa ko.


"Hay... ang hina mo naman baka maunahan ka?! Nako balita ng kumpare kong si Chief Diaz may umaaligid daw na pulis diyan! Nako Mik-mik, dehado kana. Bilis bilis din."


Shit... si Inspector Velasco yan ah!


"You mean Lo, kaibigan mo ang Chief of Police nila Fate?!" hindi ako makapaniwala.


" Ikaw lang walang bilib sa Lolo mo eh. O siya bilisan muna ang kilos mo't sana pag uwi ko may resulta na ha?!" saad pa nito.


"Oo lo, akong bahala... Bilib na talaga ako sayo 'lo."


"Sige na.. See you soon apo. Mag ingat ka diyan. I'm proud of you apo."


"Salamat lo.. Salamat."


Haay... dapat paghandaan ko ang date namin mamaya. Sorry ka nalang Inspector Velasco, AKIN LANG si Captain Cortes... akin lang. 

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon