32.

1.4K 42 6
                                    

Fate.


Mabilis kong napaharap kay ate Destiny.

"A-ate....kanina ka pa?" pabulol na saad  ko. Shit nakita kaya niya? Ito kasing si Dominique eh.

"Sakto lang... yung sa kissing part niyo." Kalmadong saad lang nito habang pa lipat lipat tingin sa amin ni Dominique.

Natawa lamang ito. Haaay... naramdaman kung pinag sakop niya ang kamay naming dalawa at ito na naman ang puso ko!

"Good Morning ate Destiny, huwag ka sanang mag isip ng masama sa intensiyon ko kay Fate. I'm happy to announce that were in a relationship, Fate is my official girlfriend—-"

"Kailan pa?" putol ni ate. May halong tampo ang boses nito.

"Diba sinabi ko sayo kagabi yung nangyari ate?" pabulong na saad ko dito.

"Yung muntik ng malunod si Dominique, buti nalang nakita mo? So paano naging kayo nag thank  you siya? Tapos nag you're welcome ka? Tapos kayo na? " Sagot nito.

Lakas ng tawa ni Dominique. Sinamaan ko siya ng tingin.

Haaay.... Parang 'ewan'naman si ate, ayokong e-detalye lahat. Hindi nga ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kagabi eh...

"Look ate Destiny, I think half story lang yung kinuwento sayo ng GIRLFRIEND ko, ganito kasi yun diba nahulog ako sa pool tapos she do the Mouth to Mouth—-"

"OMG! Nag kiss kayo? Fate, siya ang First kiss mo?" sigaw na saad ni ate.

Nakakahiya siya...

"Ate hinaan mong boses mo, nakakahiya, hindi ko intention na halikan siya pero kailangan niya——"

"Ah, basta. Okay ganito, botong boto ako sayo Dominique. Dahil alam kung mabuting tao ka, pero huwag na huwag mong saktan ang kapatid ko maliwanag?" seryosong saad nito.

"Yes, ate. I will assure you na hindi ako magloloko kay Fate. Takot kulang..." sabay kindat pa nito at napalukso ata ang puso ko. Inirapan kulang ito. Boyfriend ko na talaga siya. Yun na yun.

"Subukan mo lang." sinamaan ko siya ng tingin.

"Wifey naman... good boy ako." Maamong saad nito. Para siyang bata. Tsk!

"Naks! Luma lovelife na sister ko, Naku Dominique, alam mo ba, akala ko tomboy yang si Fate—-"

"Ate!" putol ko dito sabay pulupot niya sa braso ni Dominique.

"Eh, talaga naman beh, twenty six kana pero never kang nag ka boyfriend ang daming nanligaw sayo tapos ni isa wala kang na gustuhan, Haay.. buti nalang na gustuhan ka ni Dominique, kaya ikaw bilang girlfriend—-"

"Wow, naman 'te parang sinasabi mo narin na lugi si Dominique at mag thank you pa ako dahil naging kami?" grabe talagang ate ko.

"Hindi, ito yung sinasabi nilang tadhana Fate, Destiny..." may ginagawang kumpas pa siya ng kamay sa ere. Sanay nako sa pagiging loka loka ni ate.


"You're right ate Destiny, pangalan palang ni Fate, sinasabi na nitong siya ang naka tadhana para sa akin She's my Fate, diba wifey?" saad pa nito at inakbayan ako.

Wifey?

"Tigilan niyo nga akong dalawa, alis na tayo Dominique baka ma late ka na." pag iiba ko ng topic, para kasing dinuduyan ang puso ko sa matatamis na sinasabi nitong si Dominique!

"All right... we have to go ate Destiny, sa labas na kami kakain." Paalam ni Dom.

Akala ko tapos na, pero biglang humirit na naman si ate bago kami makapasok ng kotse.

"Basta Fate, huwag mo munang isuko ang bataan ah! Maaga pa!"

Uminit ata ang buong Sistema ko. Si ate talaga!!!

"ATE!!! Pumasok ka na nga doon!" Sigaw ko dito. Napalakas ang tawa ni Dominique.

Ang lakas nilang mang trip!

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon