19.

1.6K 43 3
                                    

FATE.

Pinagbigyan kuna ang lalaking ito and besides kanina pa nagwawala ang alaga ko. Gutom na talaga ako, pero nakaka bwisit ang titig niya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata.


"Ano? Anong tinitingin tingin mo diyan?!"


Ngumiti lang ito.


"Ang sarap mo kasing tingnan pag kumakain, para kang hindi babae." Prangkang saad nito.


"Kaya nga sinabi kuna nga sayo diba?! Maghanap ka ng ka level mo! Dahil hindi tayo bagay, Mala-"


"Just Eat." Seryosong saad nito.


May naramdaman akong kakaiba sa lugar, parang may matang nakatingin sa amin. Pa simple akong umiinom ng tubig at tumingin tingin sa paligid kunwari ay hinahanap ko ang waiter.


"May gusto ka pa ba?" Pagtataka nito.


"Wala... " simpleng saad ko. Agad kong tinawag ang waiter at lumapit ito.


"Ah, saan ang Restroom?"


"Ah, just straight lang po diyan maam at lumiko kayo sa right side ang pang babae." Magalang na saad ng waiter.


"Thank you, Boss... CR muna ako." Paalam ko kay Dominique.


"Will you please stop calling me Boss, Sir. Just Dom. Nililigawan na nga kita diba?"


"Hay... ilang bisis ko ba sasabihin sayong hindi ako mag-pa-pa-li-gaw!, tingnan mo nga ang suot ko?! hindi bagay sa mga lugar na ito at lalong hindi bagay sa katulad mo Dominique. Kaya kung pwede ba itigil muna yan trip mo? Diyan kalang huwag na huwag kang aalis." pabulong na saad ko dito.


Tumayo na ako ang naglakad pa puntang restroom, may nakita akong lalaki sa gilid ng mini bar na naka sombrero, na nahuli ko ding tumingin sa akin at yumuko. Hmmm...


Agad kong ni lock ang pinto ng restroom at tinawagan si Inspector Velasco. Pangalawang ring lang ay sinagot na ito.


"Hello Inspector..."

"O, napatawag ka Captain Cortes?"


"May napapansin akong kakaiba dito sa pinagkainan namin ni Dominique, may mga matang nakatingin sa amin, tantiya ko. May sumusunod sa akin. Baka tauhan na ito ng target natin."


"Ganoon ba, sige, may ipapadala akong tao diyan para back up, just give me the exact address."


"Okay Thank you. Inspector."

"You're Welcome Captain, Mag ingat kayo."


Bago ako lumabas ng Restroom hinanda ko na ang dalawang baril ko, isa sa likod na natabunan ng jacket at isa sa may bandang gilid. At lumabas na ako, Natural lang  akong naglalakad pa balik sa kina-uupuan namin ni Dominique.


"Umalis na tayo." Saad ko dito, at tumayo sa gilid nito.


"What, kakatapos lang natin kumain, aalis na agad. Hindi pa nga tayo nag uusap ah."


"Huwag ng matigas ang ulo Dominique. Bilis na. Makinig ka nalang." Pabulong na saad ko dito.


"Fine." At tumayo na ito. Napa sulyap ako sa may bandang upuan ng lalaki pero wala na ito doon, agad na hagip sa aking paningin na lumabas ito at sumakay sa isang puting Van. Iba na ito.


Akmang lalabas na sana si Dominique sa mamahaling restaurant ng pinagbuksan kami ng dalawang guard,  pasimpleng hinawakan ko ang braso niya.


"What again?" Halatang may pagtatampo ang boses nito.


" Excuse me guard, Huwag kang magpapahalata, police ako. Saan dito ang ibang daan papuntang parking area?" pasimpleng binuksan ko ang jacket sakto lang na makita niya ang tsapa ko.


Agad itong sumunod at tinuro sa may kusina, doon daw dumadaan ang mga empleyado.


"Dominique, dito ka lang maghintay. Kukunin ko ang sasakyan sa parking Lot at huwag na huwag kang lalabas kapag hindi ko sinasabi, magkita tayo dito sa lobby."


"Whats going on?!" nalilitong tanong nito.


"Basta. Sundin mo nalang ang sinasabi ko."


"Okay." Kahit nalilito ito, ay tumango nalang ito.


Agad akong umalis at katulad ng sinabi ng guard doon na nga ako dumaan, wala namang medyo naka pansin sa akin dahil lahat ng staff ay busy sa kani kanilang Gawain. Akmang sisitahin ako ng guard doon pero agad kong pinakita sakanya ang tsapa ko at sinenyasan ko siyang huwag maingay.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon