40.

1.2K 30 3
                                    


Game!   saad niya sa sarili.

Nagpupumiglas siya. "Huwag po sir, Sir Vic." takot na takot ang boses niya. Pero tinulak lang siya nito papasok ng kwarto sa lakas ng tulak nito'y napa upo siya sa sahig. Lintik!

Nakita niyang lumabas ang dalawa nitong tauhan at tanging si Victor nalang at siya ang naiwan sa loob, binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti. Pasimpleng pinalibutan niya ng tingin sa silid, kung pagbabasihan ang silid na binigay sa kanila ng Receptionist ay kakaiba ito, parang special na ginawa talaga ito para lang sa boss nila. Napangiti siya at tumayo. Sinamaan niya ng tingin si Victor na kanina pa talaga siya nagtitimpi dito.

Narinig niya ang inspector sa kabilang linya.

"We're ready Captain Cortes." saad nito.

Malagkit na nakatitig si Victor sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"yan ang gusto ng boss ko... palaban." tumawa pa ito.

Bwisit talaga! Nginitian niya ito. Nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Hi Sexy"

Mabilis na akong napalingon dito. Ang taong kinasusuklaman ko. Si Eugene Perez!

Tinitigan ko siya ng masama habang nakangisi ito sa akin habang hithit ang tabacco nito. Sinensayasan nito si Victor para umalis. Nakatitig lang ako dito nakita kung may baril ito sa kalawang balakang nito.

"Ito na ang tamang panahon Inspector!" simpleng saad niya. Napakunot ng noo ang katapat niyang lalaki.

Nang buksan ni Victor ang pintuan para umalis ay nagulat  ito. Naka abang na kanina pa sina Inspector Velasco at iba pang kasamahang pulis.

"Boss may mga parak!" sigaw ni Victor.

"Diyan kalang at walang kikilos ng masama. Sumuko na kayo! Wala na kayong kawala ngayon!" Ma awtoridad na saad ni Inspector sabay tutok ng baril dito. Parang tuod na nakatayo ang dalawa. Nakatitig lang ako dito.

Agad na pinusasan ng dalawang pulis si Victor. Papasok na sana ang mga ito ng binunot nito ang baril na hawak. At tinutokan si Fate ng baril. Nakatayo parin ito at hindi manlang natinag dito.

"Wa-what do you think you're doing?!" galit na saad nito.

"Sa presinto na po tayo mag usap Mr. Perez---"

"No!!! bakit ako sasama sa inyu?!!!! Hindi ako bobo!" mabilis na na putol nito sa sinabi ng Inspector.

"And who do you think you are young lady?!" matigis na saad nito. Ngumiti siya dito.

"Ako lang naman ang anak ng taong pinatay mo na wala manlang kalaban-laban! At ngayon maniningil na ako sa mga kasalanan mo! Demonyo ka!" saad ko dito at walang sabing pinatid ni Fate ang baril na nakatutok sa kanya! Bumagsak ang baril sa sahig. Mabilis na tinadyakan niya ang lalaki sa tiyan sa malakas na pwersa ni Fate ay napa sandal ito sa semenadong pader! Sa bilis ng kilos ni Fate ay hindi manlang ito naka panlaban.

Kahit ang mga tao sa paligid ay napatanga at napahanga niya. Ibang klase talaga ang galing nito sa karate at hindi alintana nito ang kasuotan. Hindi makakilos ang matandang si Eugene dahil naka ipit lang naman ang leeg niya gamit ang isang paa ng dalaga.

"Pasalamat ka't hindi kasing sama mo! Pusasan niyo na ito at baka magdilim pa ang paningin ko!" singhal nito. Agad namang lumapit ang dalawang pulis at sumunod sa utos ni Captain Cortes.

Agad inalis ni Fate ang pagkakahawak dito at tumalikod na, agad naman siyang pinasuot ni Inspector Velasco ng Jacket nito. "Good Job Captain!" sabay saludo nito saad pa nito.

Tumango lang siya.

Narinig nito na nagsalita si Victor na naguguluhan. "Pu-pulis siya?" tukoy nito kay Fate.

"Oo! Astig di ba?! Bilis na lakad na sa labas!" Sighal ng isang pulis dito.

"Grabe! Ibang klaseng pulis! Hayop sa sexy, Halimaw sa galing!" hindi makapaniwalang saad pa nito.

"Demonyo naman ang boss mo!" saad pa noong isang pulis.

Palabas na sana si Fate ng kwarto ng...

Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan ng makilala kung sino ang nakatayo sa labas ng pintuan. Seryoso lang itong nakatingin sakanya.

"D-Dominique?"

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon