46.

1.2K 29 4
                                    

Hinatid sila ng driver nito sa isang restaurant kung saan nag pa-reserved ang lolo nito. Halos hindi na makahinga si Fate sa kaba habang naglalakad sila, nagkahawak kamay silang papasok sa nasabing restaurant.

"Wifey..." natatawang saad ni Dominique sa girlfriend na halata niyang kinakabahan ito at humihigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Eh, okay lang ba sa lolo mo na girlfriend mo ako? Okay lang ba talaga ang suot ko?" pabulong na saad nito.

Natawa siya sa reaction ng girlfriend na nako- conscious ito sa kasuotan nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at tinitigan ang magandang kasintahan.

"Wifey, kung ano man yang masamang iniisip mo. Don't be. You are the most beautiful that I've ever seen at alam kung yun din ang tingin sayo ni lolo pagnakilala ka niya. He is my grandfather kaya alam ko kung anong magpapasaya sakanya. Masaya siya na nakita ko na ang babaeng nasa harap ko ngayon." masuyong ngiting saad ni Dominique at mabilis na hinalikan siya sa noo.

Napangiti si Fate sa sinabi nito. Yun lang naman ang gusto niyang marinig.

May sumalubong sa kanilang isang waiter para gabayan sila sa pina reserved na private room ng lolo ni Dominique. Agad kumatok ang waiter hudyat na nandito na hinihintay nitong bisita, ng buksan ng waiter ang isang sliding glass door. agad na bungaran ni Fate ang maamong mukha ng lolo ni Dominique na napapormal ng suot nito, katulad ni Dominique ay napakisig din nito at hindi makakaila kung saan nagmana ng ka gwapuhan ang apo.

Agad sinalubong sila nito ng ngiti. Nagyakapan ang dalawa na parang magka barkada lang na matagal na hindi nagkita. Parang nahihiya pa si Fate ng tingnan siya nito.

"Finally Dominique, you found the right girl for you." saad nito. Napagtanto ni Fate na nagmana nga si Dominique dito katulad nitoy mahilig din itong mambola at gumamit ng mga mabulaklaking salita.

Nginitian niya ang matanda at nakipagkamay. "Nice Meeting you po Mr. Vergara" magalang na saad ng babaeng pulis.

Ngumisi ang matanda at tinanggap ang pakikipag kamay nito. "Ano ka ba naman iha, Lolo nalang itatawag mo sa akin pwede ring 'Faus' or 'Ustin' para pang bagets! huwag lang Faustino ah! alam muna matandang pakinggan." saad pa nito. Na nagpatawa ng lahat.

Biglang nawala ang kaninang kaba pa ni Fate. Okay rin naman pala ang lolo nito, akala niya kasi katulad ng ibang mayayaman na mata pobre at kontrabida. Hay!

Masayang kumakain ang tatlo habang nagku-kwentuhan at marami naring nalaman si Fate tungkol kay Dominique na 'Mik-Mik' pala ang tawag ng lolo nito sakanya.

Biglang may narinig silang putok ng baril sa labas ng private room na inakupa nila.

"Ano yun?" saad ni Fate at akmang tatayo. Agad siyang pinigilan ni Dominique na nakakunot ang noo nito. "Where do you think you're going Wifey?" pabulong na saad ni Dominique sa kasintahan.

"Easy... okay. Titingnan kulang hubby." saad niya.

"What? Let them handled it! Let me remind you na this is a special night for the three of us, grandpa is here. " matigas na tonong bulong na saad ni Dominique. Napatingin naman siya sa matanda at umupo ulit. Naisip niyang tama ang boyfriend niya kaya nila yun sa labas.

May biglang waiter na pumasok, halata sa mukha nito ang takot.

"What's happening outside? I thought this is a five star restaurant. Bakit may nakapasok na armadong tao dito! Bakit may narinig kaming putok ng baril?" mahinahong tanong ng lolo ni Dominique halata sa mukha nito ang disappointment sa nangyari.

Narinig nilang may nagsisigawan sa labas.

"Ahm... I'm Sorry Mr. Vergara. Kasalanan po namin to, May Lalaki po kasing pumasok na may dalawang kasamahan may hinahanap po silang  tao tapos may dala po silang baril ... tapos nandito rin po pala sa loob yung taong may atraso yata sakanya. Dito nalang po kayo sa loob---"

"Anong sabi mo? May tatlong lalaki sa labas na may dalang mga baril?! At sasabihin mulang na dito lang kami sa loob?" hindi mapigilang sabat niya. Napatingin ang ito sakanya.

"Hey! Alam ko ang iniisip mo Fate. Stay here! Siguradong may darating na pulis dito." saad ni Dominique sabay hawak sakanya.

"Tumawag na po kami ng police ma-maam" saad ng waiter.

"Iha... just stay here okay. Kaya na nila yun." saad naman ng lolo ni Dominique na nag-aala din.

Nakarinig na naman sila ng putok!

"Sorry po lolo, Hubby. Pero Hindi kayang tumunganga lang dito at hintaying darating sila. Baka may madamay pa sa labas. Police po ako at kasama ito sa trabaho ko" saad niya at mabilis na tumayo.

"Wifey!!!"

"Diyan ka lang! Walang lalabas kahit isa sa inyu!" bilin niya. Napatigil ang mag lolo. Napahilamos nalang si Dominique dahil mabilis na lumabas na ang girlfriend niya.

"Pagmay mangyaring masama sa girlfriend ko! IPAPASARADO KO ANG RESTAURANT NATO AT IDEDEMANDA KO KAYONG LAHAT! SABIHIN MO YAN SA BOSS MO!" singhal niya sa waiter at mabilis itong umalis.

Kahit ang lolo ni Dominique ay hindi makapaniwala sa katangian ng babae. Napahanga siya dito.

----



Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon