42.

1.3K 34 2
                                    

LAST DAY OF THE DEAL.

"Good Morning!" Masayang bati ni Dominique kina Manang Fe at kay Destiny na busy sa pagpre-prepare na almusal nila. "Ay! Nandiyan ka na pala iho! Halika't maupo ka na" masiglang anyaya ni Manang Fe dito.

Nagpalinga-linga si Dominique. Na parang may hinahinap. "Ate Destiny? Where is Fate?" Tanong niya dito.

"Ah! Nasa kwarto yata. Nag e-empake. Mau---"

"Po??? Why?" Naguguluhang tanong niya.

"Diba? Ngayon na ang last day ng Deal ninyu? Kaya aalis na kami baka mamayang gabi. Akala ko nag usap na kayo?" May halong lungkot ang boses nito. Kahit kasi ito'y nasanay na sa bahay ni Dominique at napamahal narin si Destiny kay Manang Fe na maski ang matandang katulong ay halata ang kalungkutan sa mukha.

Ang totoo'y nakalimutan na talaga ni Dominique ang Deal nila ni Fate. Isipin niya palang na magkakalayo na sila at hindi ito makasama araw-araw ay parang hindi na niya kaya.

Tumayo siya sa pagkaka upo at nagpaalam muna na pupuntahan si Fate sa taas. Alam niya ang ugali ng babae ayaw nitong tumatanggap ng tulong kung kaya naman nito.

Hindi maitago sa mukha ni Dominique ang lungkot. Na sanay na talaga siya na makikita niya ang babae makasalo sa pagkain nakakatawa man isipin pero ini-imagine na niyang asawa na niya ito!

Paakyat na ng hagdan ang lalaki ng makasalubong niya si Fate na naka bihis narin ito sa nakasanayan nitong suotin sa tuwing sasamahan siya nito sa opisina. Nagulat pa ito.

"Oh! Saan ka ba pupunta? Tapos kanang mag breakfast?" Tanong ni Fate. Hindi niya pinaramdam dito na nalulungkot ito dahil uuwi na sila na sanay narin siyang kasama ang lalaki pero buo na talaga ang desisyon niya. Ayaw naman niyang naka depende lang kay Dominique ang buhay nilang mag ate. And besides 1 month lang ang deal nila.

"Can we talk?" Tanong ni Dom kay Fate.

"Kumain na muna tayo at ma le-late kana sa trabaho. Diba nga may meeting ka?" Saad ni Fate alam na niya kasi kung anong pag uusapan nila. Kaya kung pwede iwasan nalang niya ang pag usapan ito mas lalo lang siyang malulungkot.

"I can cancel my meeting today. Remember I'm the boss." Kalmadong saad ni Dom.

"Hay! Dominique! Ang kulit mo. Kumain muna tayo at gutom na ako." Akmang aalis na sana si Fate ng hilahin siya ni Dominique papalapit dito at niyakap ito. Naramdaman ng isa't-isa ang mabibilis na tibok ng kanilang puso.

Nagulat si Fate at hindi maka pagsalita. Ewan ba niya! Sa nag iiba talaga siya pagkaharap niya ang lalaki. Nawawala siya sa sarili!

"Pwede bang dito nalang kayo wifey? Nasanay narin kasi akong makasama ka palagi. Nasanay na akong pagising ko nandiyan ka kasama kung kumain, umalis sa office, kasabay mag lunch, sa mga lakad ko, kasabay umuwi at bago matulog. Wifey... Ayokong hindi kita makita." Saad ni Dominique dito  na hindi na napipigilan ang emotion nito. Dahil kay Fate ay nagtino siya kinalimutan na niya ang pagiging playboy niya. Nakakatawa mang isipin pero natatakot siyang magalit ang babae minsan nga ay nagpapaalam siyang halikan ito.

Nagulat si Fate sa mga sinabi ni Dominique. Yun din kasi ang nararamdaman niya. Pero hindi kasi pwede lalo na sa trabaho niya.

kulit talaga!

"Dominique... Hindi kasi pwedeng parati tayong ganito. And besides nagpaalam lang ako sa opisina na 1 month lang ang trabaho ko sayo. Marami kasi akong naka pending na trabaho sa opisina. Hayaan mo, pinagsabihan ko na ang mga body guards mo sa lahat ng gagawin nila. At siya ka bibigyan rin kita ng address ng bahay namin ni ate." Pilit niyang pinapasigla ang boses nito.

May naisip na ideya si Dominique para mag stay si Fate dito sa bahay. Napangiti siya.

"Wifey! Will you marry me?"
Sabay luhod nito sa harapan niya.
Nagulat si Fate sa sinabi nito.

"I know this is too early dahil bago palang tayo. But I'm so sure of my feelings for you. I want to be your husband will you be my wife?"

Nakatingin lang si Fate sa lalaki.

"I don't have a ring yet, pero mamaya bibili ako." Seryosong saad nito.

Natawa nalang siya sa sinabi ng lalaki. Ibang klase...

"Tigilan mo ako sa trip mo Dominique. Sagrado ang kasal at dapat pinag-iisipang mabuti. Wala pa nga tayong 1 month tapos kasal agad. Gutom lang yan! Tumayo kana diyan!" Saad ng babae at nauna ng umalis patungo sa kusina.

Naiwang natulala si Dominique. Naiinis siya sa babae, hindi ba nito alam na nagkakandarapa ang babaeng nagkakagusto sakanya at yung iba pay halos maghubad lang para makuha siya! Naiinis talaga siya.

"Waaaaa! Kainis!!!!!" Gigil na saad niya.

Napangiti lang si Fate ng sinilip niya ang lalaki. Akala mo ah!

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon