44.

1.3K 33 7
                                    

Hininto ni Dominique ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Pinagbuksan niya ng pinto ang babae pero hindi ito lumabas.

"Bakit Wifey? Ayaw mo ba dito?" Tanong ng lalaki.

"Eh Do-hubby, parang hindi naman yata bagay ang suot ko diyan. Tingnan mo nga ang suot mo sobrang elegante habang ako---lumipat nalang tayo sa mas bagay---"

"Wifey! Huwag mo ngang sabihin yan. Ikaw nga ang pinaka maganda at wala ng hihigit pa para sa akin. At hindi tayo pumunta rito para sa kanila. Nandito tayo para mag date. Para sa atin lang ang araw na ito okay. And besides nag pa reserve na ako ng private room for us." Saad ni Dominique dito sabay hawak ng kamay sa kasintahan

"Okay. Sabi mo eh." Saad ni Fate at nagsimula na silang maglakad papunta sa nasabing restaurant. Dahil sa mamahalin nga ang nasabing restaurant strikto din ang security nila. Naka pasok agad si Dom dahil kilala na siya dito sakto naman na may tumawag dito kaya sinabi ni Fate na mauna nalang. Agad siyang kinapkapan ng gwardiya nagulat pa ito ng may nakita silang baril sa leather jacket ng babae

"Maam sorry po. Pero hindi po kasi pwede ipasok ang baril ninyu sa loob." Mahinahong saad ng gwardiya.

"Ah. Ganoon ba?---"

"What's wrong?" Saad ni Dom. Lumapit sa kasintahan.

"Eh, hindi daw pwedeng may baril eh. Alangan namang ewan ko dito." Saad ni Fate.

"She's a police officer?" Saad ni Dom mabilis niya itong siniko at ngumiti sa dalawang gwardiya. Hindi niya dapat sinabi yun para umalis nalang sila. Hindi rin naman siya komportable dito. Nagulat ang mga ito.

"Po? May ID po ba kayo?" Naniniguradong saad ng isa.

Agad namang pinakita ni Fate ang Police ID at tsapa niya.

Bigla itong sumaludo at humingi ng pasensiya. "Pasensiya na po Captain Cortes! Sa ganda niyo pa ay hindi ko po maisip na police kayo. Sorry po Mr. Vergara." Magalang na paumanhin nito. Nginitian niya ang mga ito at tumango.

"No problem. We understand. Let's go wifey?" Saad ni Dom kay Fate sabay lagay ng isang kamay nito sa balakang.

"Asawa ni Mr. Vergara ang isang napakagandang police officer? Grabe Jackpot!"

Pabulong na saad ng isang gwardiya. Pero rinig na rinig naman ng dalawa.

Natawa nalang ang mga ito sa sinabi ng guard.

Pumasok sila sa isang elaganteng private room na puro puti ang kulay. Idagdag pa nito ang instrumental background music at may parang tunog pa ng umaagos na tubig na magpapa relax at magpapa romantic sa lugar.

Nagtaka si Fate sa dami ng inorder ng lalaki eh, sila lang namang dalawa.
"Ang dami naman yata ng order mo? May iba ka pa bang bisita na darating?" Tanong ng babae sa kasintahan.

"Tayo lang ang kakain ng inorder ko. And besides ang takaw mo kaya!" Natatawang saad niya dito. Sinamaan siya ng tingin ng babae.

"Ang sama mo! Pero okay lang. Libre mo naman eh." Natatawang saad pa nito. Ito ang isa sa nagustuhan niya kay Fate hindi masilan sa pagkain. Walang arte, normal lang kumilos na kahit magkasama sila ay komportable ito at komportable siya.

Nang dumating na ang pagkain ang nilantakan nila agad. Nagtatawanan pa sila habang nagku-kwentuhan. Nang biglang tumunog ang phone ni Dominique. Ang lolo niya ang tumatawag.

"Sagutin muna baka importante." Saad ni Fate dito habang kumakain. Sobrang favorite lang kasi niya ang mga inorder ni Dominique.

"Okay." Saad ni Dominique.

"Hello Lolo! Kumusta?" Masayang bati ni Dominique dito.

"Ta-talaga po? Kailan? Po? Bukas? Pero Lo?! Tika!" Naguguluhang saad ni Dominique sa kabilang linya.

"May problema ba?" Takang tanong ni Fate dito.

Napalunok muna si Dominique bago magsalita.

"Darating si Lolo bukas. He wants to see us. Tomorrow night." Simpleng saad nito at umiinom ng tubig.

"ANO?!!!!"

"Yes. Wifey. Gusto kang makilala ni Lolo. Don't worry he likes you---"

"Pero... Huwag nalang Hubby nakakahiya. Wala akong isusuot na damit. Alangan namang ganito lang ako haharap sa kanya diba?" Hindi mapakaling sabi nito. Natawa lang ang boyfriend niya sa asta nito. Natatakot rin pala to.

"Teka. Alam na ng lolo mo na.... Pulis ako?" Naninigurong tanong niya.

"Yes. He knew about it. Sinabi ko na sakanya. Don't worry mabait ang lolo ko. Bibili tayo ng masusuot mo---"

"Ay! Huwag na sayang amg pera mo. Kami nalang ni ate ang bahala. Magpapatulong ako sakanya. Hay! Dapat babaeng-babae ako bukas. Dapat umuwi na tayo hubby. Para mag usap na kami ni ate-- Oo tama!" Saad nito. Natatawa lang si Dominique dito. Pero natutuwa talaga siya importante pala talaga siya sa babae para ganito ang reaction nito.

God... She always amaze me.

Excited na siya sa mangyayari bukas.
Pero sa kabilang banda nalulungkot rin siya dahil buo na talaga ang decision nitong umuwi na sakanila. Hindi na muna niya proproblemahin iyon. Dapat e-enjoy na muna niyang makasama ang taong mahal na mahal niya.

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon