9.

1.8K 55 0
                                    

DOM.


Shit! Nagulat ako sa ginawa niya kanina. Ewan ko ba... this is not my first time na mahawakan ako ng babae. Pero iba yung feeling ko sa ginawa niya kanina. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Please calm down... Dominique nagulat ka lang wala yun... okay? Babae lang yan.


Habang nasa biyahe kami, masuri kong tiningnan si Fate, Simpleng maong pants at black V-neck shirt at rubber shoes lang ang suot niya pero di makaka ilang ang seksi niya. Walang ka artihan sa katawan, Oo maganda siya pero hindi ko magkakagusto sa katulad nito no! Baka mapatay pa ako nito pag nahuli akong may babae. Shit!


"Isang tingin pa... babarilin talaga kita." Kalmang saad niya habang nagmamaneho.


See... tingin palang yan, ganyan na ang reaction niya!


"Hoy! Baka nakakalimutan mong Boss mo 'ko?" rason ko.


"So ano ngayon? Boss kita. Pero hindi ko kukunsintihin ang ka manyakan mo!" Saad pa nito.


"Abat.. Hoy.. tiningnan lang kita! Manyak agad...?? Grabe." Sagot ko.


"Tahimik! nag ko-concentrate ako sa pag da-drive!" singhal niya.


Fine. Hindi na ako nagsalita baka kung ano panggawin sa akin ng babaeng to! Hay... hindi ako takot okay?


After 20 minutes


Nasa harap na kami ng Vergara Automotive Incorporated. Na pag aari ng lolo ko, na ngayon ay ako na namamahala nito.

Papasok na kami sa building ng bigla na naman siyang magsalita.


"Teka Sandali Sir... sasama pa ba ako sa loob?" tanong pa nito.

"Body guard nga diba?" sagot ko dito.

"Okay, sinabi mo yan ah..." sagot nito.


"Good Morning Mr. Vergara"

"Good Morning Mr. President."

"Good Morning Sir.."

Bati ng mga taong nakasalubong ko at simpleng tango lang ang sagot ko.


"Excuse me po maam, empleyado po ba kayo dito?" pigil ng gwardiya sa ground floor reception sakanya.


"Body Guard ako ng boss niyo May problema?" ma awtoridad na sagot ni fate sa mga ito.


Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila.


"She's my new body guard." Saad ko.

"Ah... sorry po Mr. President. Pasensiya na po maam. Patingin po ng ID.?" Magiliw na saad ng gwardiya dito.


Agad na binigay ni Fate ang POLICE ID niya. Na kinagulat naman ng gwardiya.


"Ay nako po pasensiya na po Captain Cortes!" sabay saludo ng apat na

gwardiyang nasa reception Lobby.


"Okay lang." matipid na ngiti ang binigay niya rito.


"Lets go! ma le-late na ko."


Nag patuloy kami sa paglalakad pa puntang Private elevator. Papasok na kami ng elevator ng marinig ko ang sinabi ng isang gwardiya.


"Grabe ang mala diyosa ag ganda ni Captain Cortes, swerte ni Mr. President."


Napangiti nalang ako.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon