8.

2K 60 2
                                    

FATE.


Bago ako natulog kagabi ay agad kong tinawagan si Inspektor Velasco para kumuha ng impormasyon dito sa amo ko for 1 month na si Dominique Vergara at basi sa impormasyong binigay nang inspector galing sa isang mayamang pamilya ito, nag iisang apo ni Don Faustino Vergara isang kilalang Business Tycoon, may ari ng iba't ibang gusali at pabrika dito sa Pilipinas at sa ibang lugar.


15 Years old ng mamatay ang kanyang mga magulang dahil doon lumaki si Dominque sa poder ng kanyang lolo. At ngayon ay malapit na siyang ikasal na nag ngangalang Mitch Perez anak ng kilalang mayamang pamilya na may ari din ng isang Shipping Lines. At kung hindi ako nag kakamali, siya ang babaeng kasama ni Dominique noong unang tumawag ako at narinig kung nakipaghiwalay ito kay Dominque.


Haayyy... ano ba tong na pasok ko.


"Grabe... Fate, ang laki ng bahay ni Dominque." Bulong na saad ni ate. Nasa harap kami ng gate ng bahay nito. Agad na binuksan ng guard ang gate at sumaludo sa akin.


"Good Morning po maam, Captain Cortes!" bati nito sa amin ni ate.


Tumango ako at tipid na ngumiti, at talagang na plano na talaga ng lalaking ito ang pagiging alila ko ah! Swerte naman niya at pulis ang magiging body guard niya at driver pa!


"Nasaan ang amo mo?" tanong ko sa gwardiya.

"Ah, nasa loob pa po Captain Cortes, bilin niya po kanina sa tawag ay, pumasok nalang po kayo sa bahay at may magtuturo sa inyo sa inyong kwarto, at within 15 minutes po ay aalis na po kayo."


"Sige. Salamat." Pormal kong tugon ko dito.


Tinuro sa amin ni Manang Fe ang kwarto namin ni ate, nalaman ko kay manang na pihikan daw sa tao si Dominique, ayaw na ayaw nitong may ibang tao sa bahay kaya, si Manang Fe lang ang stay-in na katulong nito simula pa kasi ng bata pa daw ito ay siya na ang nag aalaga, may apat na katulong daw na pupunta dito pag maglilinis lang at aalis agad, may tatlong guwardiya sa main gate at si Dominque lang daw ang nakatira sa mansion since ang lolo nito ay nasa Amerika at paminsan minsan lang dumadalaw dito.


"Let's go, may meeting pa ako, at ayokong ma late." Tipid na saad nito at hindi manlang ako tiningnan.


Pa simpleng tiningnan ko ang suot niya, Bagay sa kanya ang naka suit, Mas lalo siyang gwapo tingnan. Pormal. Pero nang nakatalikod na siya ay nakita kong nakalaylay ang polo niyang pang ilalim ng suit niya.


"Wait Sandali." Pigil ko dito


Napahinto siya at hinarap ako. Nilapitan ko siya at walang sabing tinupi ko ang likod ng suit niyang dark polo at ini-insert ko sa black pants niya, nakalaylay kasi sa pagmamadali niya.


"O.. okay na. Pogi ka na Sir." Tango, sabay tapik ko dito.


Nakita kong medyo nagulat siya sa ginawa ko.


"Okay. Le-lets go." Na una na itong pumasok sa mamahalin nitong kotse.

Napangiti ako... chick magnet pala ah...

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon