45.

1.2K 35 5
                                    

Nakauwi na sina Fate at ate nitong si Destiny sa bahay nila, kahit anong pilit pa ni Dominique na doon nalang sakanila tumira ang dalawa ay hindi talaga tumugon ang babaeng pulis dito, para sakanya mas mabuti naring ganito na hindi sila magkasama sa iisang bubong para ng sa ganun ay may 'privacy' parin sila lalong-lalo na sa trabaho niya, nararamdaman niya kasing may nakabantay na tao sa paligid at kahit hindi pa sabihin ni Dominique sa harap niya alam niyang hindi rin ito boto sa pagpupulis niya at may tiwala naman siya sa nobyo, 

'subukan lang nitong magloko'.

Hindi magkandaugaga sa paglilinis ng bahay ang ate ni Fate ng malaman nitong pupunta sa bahay nila si Dominique para sunduin ang kapatid para sa 'Dinner Date' nila kasama ang lolo nito. Hindi maalis sa mukha niya ang saya, hindi niya lubos akalaing magkakagusto rin pala si Fate at magaling pa mamili ah! Isang Dominique Vergara pa talaga! Layshooo!

Kaya nang sinabihan siya nito na may  Dinner Date ito kasama ang lolo ni Dominique, agad niyang dinala ang kapatid sa isang Boutique nang kakilala niya para makapili ng damit na susuotin, hindi basta-basta ang mga kaharap nito, dapat lalabas ang taglay na ganda ng kapatid niya! Natatawa pa nga si Destiny kanina habang pumipili sila ng damit halos hindi maipinta ang mukha ng kapatid habang pumipili sila ng damit. Naputol  ang pag iisip ni Destiny ng may kumatok ng pinto.

Agad itong napangiti at tinungo ang pintuan. 

"Fate! Hindi ka pa ba tapos diyan? Si Dominique na yata yung kumakatok! bilisan mo nga!" Sigaw niya dito.

"Oo na nga! Pakisuyo nalang ate, malapit na akong matapos dito!" saad ni Fate, actually kanina pa siya tapos, kinakabahan siya! Tutok na tutok siya sa isang malaking salamin sa kwarto niya. Napalunok siya.

Isang Short  Sleeve Beige Dress na hapit na hapit sa kanyang katawan na may seksing design sa likod na tinirhuhan niya ng beige stilettos pumps. Naglagay siya ng konting make up ay nude lipstick. Mabilis niyang kinuha sa bag ang bagong bili niyang white pearl drop earrings.  Mabuti nalang talaga at may konting kaalaman siya sa mga ganito.

"Okay na kaya to? Basta Fate. Kalma ka lang." Pabulong na saad niya sa sarili.

Sinuot niya ang isang 'gun supporter' sa taas nang kaliwang bahagi ng legs niya sakto lang na hindi ito makita at hindi rin halata sa suot nito. Agad niyang tiningnan ang ang baril niya kung may laman ito at agad nilagay doon. Mas mabuti na yung handa.

Huminga siya ng malalim.

"Go Fate!" cheer-up niya sa sarili. Agad itong naglakad palabas ng silid.

Habang si Dominique ay naka Black Suit with dark red tie. Lutang na lutang sa suot nito ang kakisigan at ka gwapuhan nito. Nag-uusap sa sala ang dalawa ng lumabas si Fate. Agad napalingon ang dalawa.

Hindi maitago sa lalaki ang paghanga ng makita niya ang girlfriend. Napangiti ito at tumayo. Kung hindi ito kilala hindi nito akalaing pulis ito---isang astig na pulis na walang kinatatakutan!

"Wow! sobrang bagay sayo Fate! sa wakas babae kana talaga!" magiliw na saad ng ate ni Fate.

Nagkatitigan lang ang dalawa at tanging ngiti lang ang mga saad nila sa isa't-isa.

"Oh! siya umalis na kayo at gabi na!" saad ng ate nito.

"Ate! mag lock ka---" saad ni Fate sa parating bilin niya sa tuwing aalis na siya ng bahay.

"Oo na! alam ko po! Huwag mo akaong intindihin okay! I'm Fine. Enjoy the night Love Birds!" masayang saad pa nito at tinutulak pa siya kay Dominique.

Natawa lang si Dominique sa girlfriend, habang dinidilatan niya ng mata ang ate niya.

"Ate...." inis na saad niya, bigla kasing hinila ang kamay niya para makabit sa braso ng lalaki.

"Bye! Dominique ingat sa pagda-drive. Enjoy!" sabay kaway nito sa kanila.

Inilalayan siya ni Dominique sa paglalakad at pinagbuksan siya ng pinto. Nang maka upo narin ito sa ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Bigla nitong hinawakan ang kamay niya.

"You look perfect wifey. Parang ako yata ang magbabantay sayo ngayon at siguradong marami na namang matang mapapatingin sayo. I hate it. " seryosong saad nito.

Natawa pa siya pero hindi alam ni Dominique na sobrang pinipigilan lang niya ang sariling sumigaw sa sobrang kilig at saya! Kainis!

-----



Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon