28.

1.3K 44 2
                                    

DOM.

Mabilis kung nakawala sa yakap ni Mitch at agad akong lumapit kay Fate, na hindi ko mabasa kung anong nasa isip nito.

"F-fate... its not what you think o-okay, wa-wala yun." Kabadong saad ko.

Hindi ito nagsalita, pero tiningnan niya lang si Mitch ng may mapanuring titig.

At biglang tumingin sa akin.

Napalunok ako.

Natatakot ako sa tingin niya!

"Fate naman..." maamong saad ko dito akmang hahawakan ko siya ng mabilis niyang tiningnan ang kamay kong hindi pa nga naka dapo sa kamay niya ay binawi ko na. Haaay!

"At sino naman ang cheap na babaeng to, Dom?" Naka pameywang na saad pa ni Mitch.

"She's my wife." Mabilis kung tugon dito, na kinagulat ni Mitch at ng tingnan ko ulit si Fate ay mas nanlilisik ang mga mata nito.

"That's Bullshit Dom! Mabilis lang akong nawala, tapos ganito na. Hoy babae ka! Ano bang pinakain mo—" hindi na tapos ang sasabihin ni Mitch ng duru-in niya si Fate at mabilis nitong naipit patalikod ang kamay niya.

"Aray! Aray! Aray!" tanging sigaw ni Mitch.

Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa nakikita ko ngayon.

"Teka... teka.. wifey, hey! Itigil muna yan..." panunuyo ko dito, naiiyak na kasi si Mitch sa sakit.

"Uli-uli, tingnan mo muna kung sinong babanggain mo Miss." Kalmadong saad ni Fate at mabilis na binitawan ang kamay ni Mitch.

"Shit! Babalikan kitang babae ka! Babalikan kita.!" Saad nito at mabilis na umalis.

Hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa reaction ni Mitch.

"Gusto mong ipitin ko din yang mga kamay mo Vergara?!" singhal nito sa akin. Agad kong kinagat ang mga labi ko.

"Sorry na, pero promise. Wala lang—-"

"Uli- uli, huwag ka dito makipag harutan sa opisina mo, ganyan ka na ba talaga ka playboy?" saad pa nito.

"What. Hindi ko—-"


"At anong sinasabi mo kaninang asawa mo ako?! Grabe! Pagkatapos mong makipag harutan sa iba, may gana kapang tawagin akong asawa?!" singhal pa nito.

Nagseselos ba siya?

"Nagseselos ka ba? You know what—-"

"Hindi ako nagseselos!"

"Ah talaga?"

"Oo nga!"

"Sige nga kung hindi ka nag seselos, halikan mo nga ako—-"


"Dun ka magpahalik sa babae yun! Kulang nalang maghubad sa harapan mo! Baka gusto mong sundan yun! At ituloy ang naudlot niyong harutan!" napatanga ako sa mabilis niyang pagsasalita.

Hindi ko mapigilang mapangiti...

Yeah. Hindi nga siya nagseselos.

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon