47.

1.2K 29 2
                                    

Simpleng naglalakad si Fate sa nasabing lugar. Nakita niyang karamihan sa tao sa lugar ay nakatago sa ilalim ng mesa na takot na takot may umiiyak, may lalaki na yakap yakap ang dalawang anak at asawa niya, yung ibang empleyado rin ay nagtago sa nasabing counter, sa may bar halata sa mga mukha nito ang takot, may dalawang gwardiya na naka tutok rin ang baril ng mga ito at seryosong tinitingnan ang nasabing mga lalaki. Narinig pa niyang sinisigawan ng mga ito ang mga tao.

"Walang tatayo at kikilos ng masama para hindi kayo masaktan!" sigaw pa noong isa na tinututok kung saan saan ang dalawang baril na hawak nito. Yung dalawa naman ay ganoon din ang ginawa.

Biglang pinutok nang isang lalaki ang baril niya sa taas sanhi ng pagkalaglag ng isang mamahaling chandelier. Nabasag ito at malakas na ang sigawan ang mga tao. Mas lalong umiinit ang ulo niya at kung pwede lang barilin ang mga ito para matapos na!

Kalmadong naglakad siya sa direksyon kung saan ang mga ito, habang pa simpleng tinitingnan ang lugar para makahanap siya ng paraan kung paano mahuli ang tatlo ng walang madadamay.
tanging hagulhol lang ang naririnig sa lugar.

"Sinabi ng tahimik! Bakit ang ingay!" sigaw ng isa.

Nakinig naman ang tao at tumahimik dahil sa takot nilang barilin ng mga ito.

Pero hindi siya natinag at nagpatuloy sa paglalakad pa punta sa mga armadong lalaki.

Tanging takong ng mamahaling stilettos pumps  niya ang gumagawa ng tunog sa bawat lakad niya.

"Sinabi nang walang kikilos at walang maingay! Sino ba yan at babarilin ko!" singhal noong isa.

"AKO." walang ganang saad ni Fate at simpleng umupong pambabae sa isang mesa sa gilid na bahagi malapit sa tatlong lalaking armado. Napatingin ang lahat sakanya at nagtataka.

Sino ba naman ang hindi. Isang magandang dilag na napaka elegante sa suot nito komportable lang na naka upo sa ibabaw ng mesa habang may tatlong lalaking may dala-dalang baril.

Nagulat pa ang tatlo ang na sexy whistle pa sakanya.

"Wow! What a pleasant surprise pare! May magandang dilag na nasa harap natin!" saad ng isa at ngumising humarap sa babae.

Ngumiti lang si Fate dito at kinindatan pa niya ito.

"Oh! Men... pare grabe... kung sinuswerte nga naman!" sabi pa ng isa.

"Hi boys! para yatang nagkakasiyahan tayo dito ah. Sa tingin ko'y mas masaya kung tayong apat lang ang nandito." seksing saad niya sabay kagat pa sa ibabang labi niya.

"WOW! PARE!" masayang sigawan ng mga ito.

"Pwede bang paalisin na natin sila? Para naman...." seksing tono ng boses niya at sinadya pa talagang bitinin ang sasabihin sabay dahan dahang hinahaplos ang sariling katawan pababa pa punta sa legs niya.... naka tuon naman ang mga tingin ng tatlong manyak sa kung saan dadampi ang mga kamay niya.
" Para naman magsimula na tayo." Patuloy niyang sabi sabay ngiti niya sa mga ito.

Hindi nila alam na kinuha na pala ni Fate ang baril nito sa bandang hita niya at nilagay sa likod niya.

Halos magkasabay na tumango ang tatlong bobo. Napangisi nalang siya.

"Bilisan ninyo at umalis na bago pa mag iba ang isip namin. Pasalamat kayo't nandito ang magandang babaeng hulog ng langit!" malakas na saad nong isa. Agad na nagtayuan ang mga taong nandoon at mabilis na umalis sa lugar.

Pa simpleng tumingin si Fate sa lugar nakita niyang naglabasan na ang mga tao. Napangiti siya.

The place is safe and clear.

"So... Ano gusto ninyung gawin natin ngayon?" Saad niya sa mga ito at umayos ng upo.

Nanlaki ang mga mata ng mga ito sa pagka excited at nakita pang nag uunahan ang mga ito kung sino ang maunang lalapit sakanya.

Tumayo siya. "Easy Boys... Pwede namang sabay sabay kayo eh. Kung gusto ninyo."

Nginitian niya ang mga ito.

"Hindi maari yan! Dapat ako!" Saad ng isa na medyo may katabaan.

"Ako dapat!" Saad naman ng isa.

"Wait. Sige! Ako nalang pipili. KUNG SINO ANG UUNAHIN KO." Mahinhing saad niya.

Biglang tumahimik ang tatlo at naghihintay sa susunod na sasabihin niya.

"Gusto kung mauna ay... IKAW!" Saad niya sa isa na may katangkaran at medyo may kalakihan ang katawan. "Pero bago yan pwede bang itapon niyo muna yang mga baril ninyu. Nakakatakot kasi eh. " saad pa niya.

"Oh! Itapon daw! Bilis" saad nong isa na napili ko. Agad namang sumunod ang mga kasamahan nito at itinapon ang mga baril sa iba't ibang direksyon.

Napangiti na naman siya. 

'Hay... Walang ka challenge challenge naman to' saad niya sa sarili.

Agad niyang sinenyasan ang lalaking napili para lumapit.

Nakita niyang may baril pa ito sa may tagiliran nito. Dahan dahan niyang nilagay sa likod niya ang sariling baril at Nang makalapit na ito'y...

Hinawakan niya ang leeg nito na parang hahalikan napapikit pa ito. Ngumisi siya.

Pasimpleng kinuha niya ang baril nito at mabilis na pinukpok sa batok sanhi ng pagkawala ng malay nito.

Sa agad niyang kinuha ang isang baril sa likod ng damit niya at tinutok ang dalawang baril sa dalawang lalaki na hanggang sa oras na iyon ay tulala parin sa ginawa niya!

"Walang kikilos ng masama kung ayaw ninyung butasin ko ang mga noo ninyo! LUHOD! Isa!" Matigas na saad niya. Mabilis namang lumuhod ang mga ito.

"Huwag ninyung tangkaing kunin ang mga baril na yan! Kung ayaw ninyung putulin ko ang maduduming kamay ninyu!" Puno pa niya.

Nakaluhod lamang ang mga ito. Nakita niyang gumalaw ang lalaking hinampas niya ng baril kanina.

Malakas niya itong pinatid na hindi manlang tinitingnan tanging ang atensyon niya'y nasa dalawang lalaking nakaluhod. Nakatulog ulit ito.

Narinig niyang may pulis na paparating. Ngumisi siya.

May mga yabag na papalapit sa kanila.

"Wow chicks!" Natatawang saad ng kaibigang Inspector. May lumapit na mga kasamahang pulis ang dalawang lalaking nakayuko at nakalihod. Nakita niyang pinusasan na ang mga ito.

Agad niyang binaba ang baril. Binalik niya sa 'gun supporter ang baril niya at binigay sa kaibigang Inspector ang isang baril na pag- aari ng lalaking mahimbing na pinatulog niya.

"Ibang klase talaga ang alindog mo Captain Cortes!" Ngising saad ng kaibigang Inspector!

"Tse! Ang tagal ninyu! Wala ako sa mood kaya huwag mo akong bwisitin na sira tuloy ang date ko." Sabay irap niya dito. Sumaludo pa ang ibang kasamahang pulis sakanya. Tinanguan niya lang ang mga ito.

Napahinto si Fate ng makita ang dalawang taong iniwan niya kanina.
Si Dominique at ang Lolo nito.

Halata sa mukha ng dalawa ang pagka gulat sa ginawa niya. Hindi makakaila ni Don Faustino ang paghanga sa taglay na galing ng babaeng pulis. Bilib na bilib siya sa nasaksihan kanina.

Habang si Dominique naman ay ganun din. Ibang klase kung tumugis ng kriminal ang babae. Pero halos sugurin na niya ang tatlong lalaki habang kitang kita niya kung gaano pinagpapantasyahan ang kasintahan kanina. Tsk!

Napa iling nalang siya. Ibang klase talaga si Fate pagdating sa trabaho at yun ang kinatatakutan niya.

----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon