14.

1.7K 48 2
                                    

FATE.


Simula kaninang umaga, hindi pa lumalabas ng kwarto si Dominique, ewan ko ba na gi-guilty ako, pero kailangan eh, pag sinabi ko ang totoo tiyak hindi ako papayagan ni Sir Dominque pati narin ni ate, pero atleast na solve na yung kaso, malas lang bago nahuli yung suspect na daplisan ako sa kutsilyong hawak niya. Tsk.


Haaay... nakakainis si ate, kanina pa niya akonng pinipilit na puntahan si Sir Dominique at humingi ng tawad nag sinungaling daw kasi ako at pinag alala sila.


Halos 10 minutes na ako sa harap ng pinto ng kwarto nito, parang hindi kaya ng kamay ko ang kumatok bwisit! Naduduwag na yata ako. Anong klasing gamut ba pina inom ni ate sa akin at iba ang epekto. 1, 2, 3.... 1, 2, 3... Kaya mo yan Fate... isa pang bilang at kumatok kana. Humugot ako ng malalim na hininga. Whooo! 1..2 —


"What are you doing?" walang ganang tanong nito. Nasa likod ko siya.

"Akala ko nasa loob ka ng kwarto mo?" kunot noong tanong ko, naka simpleng tshirt lang siyang white at basketball shorts.


"What do you want?" saad nito. Ang lamig parin niya sa akin.

"Uy... sorry na... promise hindi na ako magsisinungaling ulit.." saad ko, iwan ko ba pero parang maiiyak ako. Ate, anong gamut ba itong pina inom sa akin ang drama ko na!


I heard him sighed.


"Umalis ka sa harapan ko Captain Cortes." Matigas na saad nito.


Ngayon lang niya ako tinawag na 'CAPTAIN CORTES'. Shit tumutulo na ang luha ko! Bwisit. Two days na kasing hindi niya ako pinapansin, nakakamis yung pang aasar at sigaw niya!


Aalis na sana ako ng pigilan niya ako. At pinaharap ulit sakanya!


"Hey, Why are you crying?" pag aalala niya.


"NAKAKAINIS KA KASI!" sabay pahid ko sa luha ko. Shit, para akong bata.


"Shit!!!" anas niya at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. NIYAKAP NIYA AKO!


Pero mas lalo akong napa iyak! Bwisit na luha to!


"Hoy! Fate, I Said stop crying." Sabay haplos niya sa buhok ko habang yakap yakap ako.


"Ikaw kasi... nakakainis kana. Hindi ka namamansin! Sorry na promise next time hindi na ako mag sisinungaling." Ang hirap magsalita pag umiiyak... shit lang..


"OKAY. Huwag ka ng umiyak... Sorry din at na sigawan kita kanina."


"Sos.. sanay na ako, nakakamiss na nga ang sigaw mo eh.." napatawa nalang kaming pareho.


"Ang pangit mo pala pag umiiyak." Saad nito


" HE!!!!" singhal ko.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon