51.

1.3K 30 3
                                    

Panay buntong-hininga ni Fate habang naka upo sa kotse at naghihintay sa tapat ng building na pag-aari  ng kasintahan niyang si Dominique. Katatapos lang ng meeting nila para sa gagawing plano kay Diaz. Hindi na siya tumawag kay Dominique para sabihing pupunta siya sa opisina nito, balak niyang makipag usap dito at magpaalam ng ilang araw para sa nasabing assignment nila ni Inspector Velasco. Kaya ngayon palang ay gumagawa na siya ng palusot para payagan siya nito ng hindi nito alam ang totoong plano nila.

Halos dalawang oras na siyang naghihintay sa labas ng nasabing gusali. Napatingin siya sa relo niya almost 7PM na.

Nakita niyang papalabas na ang boyfriend sa naturang building  kasama nito ang dalawang body guard. Napangiti siya 'Ang gwapo talaga ng Dominique ko'

Agad siyang lumabas ng sasakyan niya at naglakad papunta sa direction nito. Hindi siya nakita nito dahil may kausap itong tao na tantiya niya'y isa ito sa mga ka-trabaho. Simpleng naglalakad siya habang nilagay ang dalawang kamay sa likod na bulsa ng jeans.

Napatigil siya ng may biglang sumulpot na babaeng kulang nalang ay maghubad sa suot nito na mumukhaan niya ito -- si Mitch. Nagsimula ng kumulo ang dugo niya ng biglang halikan ng bruhang Mitch na yun ang pisngi at yumakap sa BOYFRIEND NIYA!

Nagulat pa ang lalaki sa ginawa ni Mitch. Agad niya itong tinawag. "HUBBY!" sinadya niyang lambingin ang pagtawag nito.

Para namang napaso ang lalaki at mabilis kumawala sa pagkayakap ni Mitch at agad lumingon kay Fate. "Wifey..." saad niya dito na may halong pagtataka hindi kasi ito tumawag na pupunta ito.

Nagulat pa si Dominique ng mabilis siyang hinalikan sa labi ng babaeng pulis. Napangiti siya sa pagitin ng halikan nila. 'May mabuti rin naman palang maidudulot ang Mitch na 'to at naka score pa siya agad sa girlfriend.'

Nagtitimpi naman sa galit si Mitch habang nakatingin sa dalawang naghahalikan na walang pakialam sa paligid. 'Hello! I'm Here! Bwisit!' gusto niyang isagaw sa babae. Naguguluhan siya kung paano nito nabihag si Dominique eh! Wala manlang itong kaartehan sa katawan! ni hindi nga marunong manamit! Napatikhim nalang siya. At umirap.

"Uy! Mitch right?" masuyong saad naman ni Fate sa babae na parang sinasabing hindi niya ito nakita. Sinadya niya talagang bwisitin ang babae halata sa mukha nito ang gusto ng sabunutan siya. Nginitian niya ito. "Ah... mag so-sorry lang sana ako last time na nagkita tayo. Medyo hindi maganda yung nagyari." saad niya dito sabay lahad ng kamay.

Tinaasan lang siya ng kilay ng babae at inirapan. "Yan ba ang bagong taste mo ngayon Dominique? May sakit kaba?" inis na singhal niya sa lalaki.

"Watch your mouth Mitch. Nasa teritoryo kita. Tama ka si Fate ang GIRLFRIEND ko and soon to be my wife, kaya kung wala kang mabuting sasabihin, you can go now." ma awtoridad na saad ni Dominique sabay akbay kay Fate.

"Come on Dominique, I know your style. Sige magsawa ka sa babaeng yan. Dahil alam ko ring babalik ka sa akin. Kaya ikaw, babae huwag kang masyadong mag ilusyon. Okay? Bye." Sopistikadang saad at tumalikod na ito.

Akmang magsasalita na sana si Dominique para ipagtanggol ang girlfriend ng pinigilan siya ni Fate at binigyan ng masuyong ngiti. "Ah... excuse me po Ms. Mitch, huwag niyo po sanang mamasamain ang sasabihin ko. Well my point ka naman dun sa sinabi mo kay Dominique, ewan ko ba kung bakit AKO ang nagustuhan niya." sabay ngisi niya. Napakunot naman ng noo ang lalaki. Pero kinidatan lang siya ni Fate.

Napalingon ulit si Mitch dito.

"Siguro nakita niya yung hinahanap niya na wala sa IBA. Alam mo kasi Ms. Mitch, matindi kasi akong magmahal yung tipong gagawin lahat para sa taong mahal ko at gusto kong malaman mo na pagpag aari ko na ay wala ng pwedeng aagaw dun. Kaya itong boyfriend ko ito, itong hubby ko ay good boy na ito diba hubby?" Saad niya na may nakakalokong ngiti sa babae at mahinang hinila ang necktie ni Dominique para magkatitigan sila.

Napalunok nalang si Dominique at napapangiti sa inasta ng selosang girlfriend. "Of-ofcourse wifey."

"See...?! And one more thing and the most important thing, hindi sa nagdududa ako sayo pero baka may makikita kang umaaligid sa PAG-AARI KO paki inform nalang sila Ms. Mitch na dapat ay kaya nilang banggain ako. Minsan kasi hindi ko kontrolado ang sarili ko pagnagagalit. Tsk. Ewan ko ba." Pag iisip pa niya at pinapatunog ang sariling kamay.

Nanlaki naman ang mata ni Mitch sa sinabi ng babaeng kaharap. Nahihibang na yata si Dominique at bakit ang babaeng ito ang nagustuhan. So weird at asal kalye! "Gosh! Ito bang gusto mo Dominique!???" Hindi makapaniwalang saad niya.

Ngumisi lang si Fate at mabilis na kinabit ang kamay sa balikat ng boyfriend na hindi rin maipinta ang mukha sa sinabi niya.

"Bye. Ingat ka Mitch." Ngiting ngiti na saad niya nagtagumpay siya sa pang aasar dito.

Mabilis naman siyang inirapan at walang sabing umalis.

Nang makita niyang malayo na ang babae ay agad naman niyang hinarap ang kasintahan na mapanuring tumingin sakanya naguguluhan kasi ito sa asal ng babae.

"Ano?" Inosenteng tanong niya dito.
"Grabe ka pala magselos wifey. Grabe ka manakot sa babae." Natatawa pa ito.

Agad niyang nilapit ang bibig sa tenga nito at may binulong
"Seryoso ako. Kaya ikaw? Pagnalaman ko na nagloloko ka sa akin. Maghanap ka na ng ba-back up sayo. Kaya kahit hindi man tayo parating magkasama dapat lagi mo akong iniisip at AKO lang at si lolo ang nasa puso mo. Narinig mo ba Hubby?"

Parang awtomatikong nagrehistro lahat sa utak ni Dominique ang sinabi ng babae at mabilis na tumango. Tanging si Fate lang ang nakakagawa ng ganoon sakanya. Grabe!

Napangiti naman ang babae sa ginawa ng lalaki. Hinalikan niya ito ng mabilis sa labi napangiti nalang ang lalaki dito dahil may bago na naman siyang na diskobre sa babae-- selosa ito at nakakatakot pa! Hahaha

Habang naglalakad sila na magkahawak kamay papunta sa sasakyan. Muli nanaman itong nagsalita.

"At isa pa, dapat ako lang ang pwedeng yumakap at humalik sayo. Tandaan mo yan."

Napahinto si Dominique at tumingin dito. Kinokontrol ba siya ng babae?! Aba't paano kung bibiso lang or friendly hug lang? Akmang magsasalita na sana siya ng...

"Bakit angal ka? Sabihin mo lang madali naman akong kausap. Marami namang babae diyan na nagkakandarapa sayo. Na mas bagay pa sayo kaya okay lang na---"

Hindi na naituloy ni Fate ang sinabi niya ng sakupin na ni Dominique ang labi niya. Nagulat siya---Ofcourse! Pero tinugon naman niya.

"Yes! Boss. Masusunod." Sabay kindat pa nito.

---

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon