49.

1.2K 28 8
                                    

Nakangiti si Dominique at komportable itong nakahiga sa kama habang naghihintay sa paglabas ni Fate sa banyo. Napapangiti siya habang iniimagine kung anong mangyayari mamaya.

Bigla siyang binato ng babae ng tuwalya! Nagulat pa siya. Nakita niyang naka pajama na ito at maluwag na tshirt pang itaas. Mali pala ang ini imagine niya. Hay!

"Hoy! Vergara! Alam kung iniisip mo. HINDI PWEDE! Baka gusto mong mabalian ng buto?" Madiing saad ni Fate dito.

Napalunok nalang si Dominique.

"I know. Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong niya sa girlfriend ng makita niya itong umupo sa may malaking salamin at nagsusuklay. Tiningnan siya nito.

"Mauna ka ng matulog" saad nito at pinagpatuloy ang pagpunas ng basang buhok at sinusuklay.

Umupo siya Dominique sa kama at tinitigan ang babae. Napansin rin ito ni Fate.

"Ano?"

"Wifey?"

"O?"

"Do you find me attractive?" Saad ng lalaki. Naguguluhan naman si Fate sa tanong nito.

"Anong klaseng tanong yan?"

"I mean. Alam muna I'm Dominique Vergara. Chick Magnet. Pero parang hindi ko kasi maintindihan bakit sayo parang wala lang ako?" Parang batang nagmamaktol na saad nito.

Tinitigan siya ni Fate.

"Sooo? Ano bang gusto mong gawin ko?" May halong pang aakit na tonong saad ni Fate dito.

Nagulat naman si Dominique sa sinabi nito at napalunok. Hindi niya lubos akalain na maiintindihan rin pala ni Fate ang gusto niyang sabihin. 

'Ibang klase ka talaga Dominique' anas niya sa sarili.

Biglang lumapit ang babae sa direksyon niya na may nakakaakit na tingin.

Bigla itong yumuko para magpantay ang mga mata nila. Napangiti siya sa girlfriend.

Bigla itong nagsalita.

"Gustong umuwi na? Pilipitin ang kamay? O lagyan ng black eye ang mata? PILI ka hubby?" Kalmadong saad pa nito at binigyan na siya ng nakakapang akit na ngiti.

Ginulo niya ang sariling buhok sa inis at mabilis na humiga. "Please turn off the lights when your done. Good night!" Saad niya nalang at tumalikod na dito.

Habang nagpipigil ng ngiti si Fate sa reaksyon ng lalaki.

'Ibahin mo ako Dominique Vergara. Tingnan natin yang pagka playboy mo.' Sa isip niya.

'Kainis talaga. Bakit niya ba ako parating tinatakot? Hay! Makinig kanalang Dominique maghintay ka nalang okay? Masakit kaya yang pilipitin ang kamay, tapos black eye pa. Lalong ayoko namang umuwi no! Okay natong magkatabi kaming matulog.' Saad niya nalang sa sarili.

Hindi niya namalayang tumabi na pala ang babae sakanya at bigla siyang hinalikan sa labi at niyakap.

'Fate, ibang klase ka talaga.' Napangiti nalang siya at hinalikan ito sa noo.

"I love you wifey." Masuyong saad niya.

"I love you hubby." Tugon nito at pinilig ang ulo nito malapit sa puso niya.

Okay na sakanya ang ganito. Ganyan niya kamahal si Fate makakaya niyang maghintay---takot niya lang no!

----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon