20.

1.6K 44 2
                                    

Kalmadong naglakad ako papunta sa sasakyan ni Dominique, pero nagmamasid ako sa lugar, alam kung may mga matang naka tingin sa akin. Agad kung binuksan ang sasakyan at binuhay ang makina, sa harap nitoy may dalawang sasakyang pamilyar. Napangiti ako.


'Maaasahan ko talaga kayo.'


May natanggap akong text, galing sa mga kasamahan kung pulis, nandito daw sila at nakamasid lang sa akin, at tama ang hinala ko sila nga ang sasakyang nasa harap ko.


Naunang umalis ang isang sasakyan ng kasamahan kung pulis sumunod ako, at kamang susunod ang hindi pamilyar na sasakyang puti, pero agad na man itong naunahan ng isa kupang kasamang sasakyan.


Tinawagan kuna agad si Dominique.


"Nasan ka?" saad ko habang patingin tingin sa side mirror ng kotse.

"Hindi bat sinabi mong hindi ako aalis dito? Ano ba kasing nangyayari Fate!" medyo napapalakas na ang boses niya.


"Huwag ka ng maraming tanong! Lumabas kana at nandito na ako, Bilis!" matigas na saad ko.


"FINE!"


Agad ko namang nakita si Dom. At mabilis na sumakay ng kotse. Agad kong pinaharurot ang sasakyan at nakita ko rin na nakasunod din ang dalawang sasakyan ng kasamahan kung pulis.


"What's going on, Fate, bakit parang may sumusunod sa atin?" palinga-lingang saad ni Dom.


"Talaga? Meron ba?" pa inosenting tanong ko.


"That's Bullshit Fate! Sabihin mo nga sa akin ang totoo?!!!" hindi napigilang singhal ni Dominique sa akin.



"Wala nga! Tumahimik ka nalang pwede!" saad ko at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse ng makita kung naunahan na ng hindi kilalang kotse ang isang kotse ng pulis na kasamahan ko.


"Hey! Shit. Can't you see the traffic light! Stop the Car. Baka mahuli tayo!" mayhalong takot ang tono nito.


"Pulis ako okay?!" singhal ko dito at agad nag busina. Agad kong binuksan ang bintana ng kotse para makita ako ng pulis na naka assign doon. Agad naman akong nakita nito sabay saludo.


"Haaist! Ano bang problema mo Fate!" hindi kunai to pinakinggan at mas tinuonan ko ng pansin ang kotseng nasa likod na namin. Shit nalusotan ang dalawang kotse ng kasamahan ko!


"YUKO!" sigaw ko kay Dom.


"What?!" Naguguluhang saad nito.


"YUKO Sabi!" Singhal ko rito.


Agad pinaputukan ang sasakyan namin ng kotseng nasa likod.


"O! Shit!"


"Yumuko kalang Dom!" utos ko. At agad niliko ang kotse sa eskinitang walang masyadong tao at sasakyan. Dinoble ko pa ang bilis ng pagmamaneho dahil walang tigil ang pagpapaputok ng sasakyang nasa likod. Kailangan ko ng kumilos.


"Dominique! Ikaw ang mag da-drive!" sigaw ko dito.


"W-WHAT?! Ba-bakit!"

"Bilisan muna, diba gusto mo akong ligawan?!"

"Paano na punta sa panliligaw ko ang usapan?!" saad pa nito.

"Pag hindi mo sinunud ang utos ko. HINDI KITA SASAGUTIN!" saad ko dito.


"FINE! SINABI MO SANA KANINA PA! BILIS NA PALIT NA TAYO!" mabilis kaming nagpalit ng pwesto at agad kong nilabas ang dalawa kong baril at binuksan ang pintuan ng kotse.


"Mag drive kalang at huwag na huwag kang hihinto!" agad akong tumagilid ng higa, ang dalawang paa ko ay nasa hita ni Dominique at nagsimulang na akong lumaban ng barilan! Pinuntirya ko ang gulong sasakyan ng mga ito, sa isang putok, pangalawa ay sablay ng pangatlong putok! Yun!


Biglang nag iba ang takbo ng sasakyan nila. Sinundan ko po ito ng dalawa pang putok! Ha! Natamaan ang kabilang gulong!


Hindi magkadaugaga ang tira nila sa amin. At napa bilib ako sa galing na magmaneho ni Dominique, Alam niya kung paano iwasan ang bala. Walang tigil akong nagpapaputok ng baril sa sasakyan nila, nabasag ang likod ng salamin ng kotse namin.


Pero focus parin ng pagmamaneho si Dom, habang ako ay pinupunterya ko ang driver ng kotse ...


....ng biglang tumagilid ng kotse nito at mabilis na tumila-ob!

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon