38.

1.2K 32 7
                                    

Hindi halata sa kilos ni Fate na na-a-asiwa siya sa suot niya at mas lalong naiinis siya habang alam niyang nakatingin ang lahat ng mga mata sa paligid niya.

Napangiti nalang siya sa naiisip niyang idea, mas mabuti kung ganoon. Mas madaling makukuha niya ang attention ng target nilang si Eugene Perez. Ayun sa imbestigasyon mahilig sa babae si Eugene at kung may gusto ito ay hindi ito titigil para makuha siya. Pero iba ang diskarte nito, ibang tao ang lalapit dito at dadalhin siya sa isang private room at doon na ito magpapakita. At pagkatapos nitong gawin ang gusto niya'y walang awang ipapa gamit niya sa ibang kasama ang pinagsawaan na niyang babae at pagkatapos ay kukunin ang iba't-ibang parte ng organ nito sa katawan para ibinta sa ibang bansa!

DEMONYO! ang taong yan! Walang matinong tao ang gagawa ng ganyang bagay kung hindi demonyo lang. Malaki ang hawak nilang ebidensiya laban sakanya kaya kailangan na nilang  masuplong ang taong ito!

Habang papa-upo siya sa isang bench malapit sa pool ay palihim siya'ng nag mamatyag sa paligid. Nakita niyang may dalawang pamilyar ma mukha sa may bandang kaliwa ng pool naka uniporme itong may naka sulat na 'life guard' -- kasamahan niya ito simpleng nginitian niya ang mga ito. May nakita rin siyang dalawang kasamahan sa kabila. Agad siyang sumenyas sa waiter para umorder.

"Hi Ms. Beautiful! Good Morning! I'm Jeff, head waiter. How can i help you madam?" Sabay ngiti pa nito.

Tiningnan niya ito at napagtanto niyang ordinaryong empleyado lang ito dito. Binigyan niya ito nang nakakaakit na ngiti.

"Hi Jeff, can I have 1 pineapple shake please?" Saad ni Fate habang dahan dahan siyang tumayo at hinubad ang suot na see-through. Nakita niyang napalunok ito hindi niya alintanang nakatuon diin sakanya ang lahat ng mga mata ng tao sa paligid.

"Captain Cortes, can you hear me?" rinig niyang kinokontak na siya ni Inspector Velasco gamit ang binigay nitong earphone, pasimpleng tikhim ang binigay niya dito.

"Target is already arrived in the area. Proceed to our next plan. Got it?" saad nito.

Tumikhim ulit siya.

"Is that all madam?" sabat ng waiter. Agad naman siyang tumango at ngumiti.

"Noted. I'll just bring your pineapple shake after 10 minutes madam. Enjoy the view." saad nito at umalis na.

Habang si Dominique naman ay hindi hinihiwalay kay Fate ang tingin. Binabantayan niya ang kilos ng babae at kanina lang ay tinawagan na siya ng private agents niya para ipaalam na nandito na sa area ang target nila, Si Fate, kaya mas lalo niyang tinututukan ang galaw ng babae at pina alerto niya narin ang mga tao niya sa paligid. Gusto niyang suntukin ang waiter na lumapit kanina dahil kitang-kita niya kung gaano ito makatitig kay Fate na halos lumuwa na ang mata!

Nakita niyang tumayo si Fate at komportableng naglalakad sa gilid ng infinity pool at sabay suklay nito sa maikling buhok gamit ang mga kamay nito, nakakakuha talaga ito ng atensiyon dahil sa taglay nitong ganda. Napapamura nalang siya. Dahil maski siya ay hindi maikakailang na bihag din siya dito.

Nakita niyang bumaba ito sa tubig ng swimming pool at nag e-enjoy sa paglangoy. parang may ideya na siya sa plano nito.

"Nasaan ba ang Inspector Velasco na 'yun? bakit wala siya sa area" pabulong na saad niya.

Pansamantalagang nagpahinga sa paglangoy si Fate sa gilid ng infinity pool, habang ninanamnam ang lamig ng tubig at ang araw na mas lalong nagpapaganda sa lugar. Biglang narinig na naman niya ang boses ng Inspector.

"Fate, be ready mukhang ikaw ang lalapitan ng lalaking may hawak ng beach towel at pineapple shake, Officers. Focus on the area at maghintay sa signal ni Fate."

Tama nga ang Inspector may lalaking papalapit sa direksyon niya tantiya na nasa trenta anyos na ito pataas may kaputi-an ito at sakto lang ang pangangatawan, nakita niya ring may baril itong tinatago sa gilid.

Napangiti siya. It's play time!

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon